MFIAM CHAPTER 58

1.3K 47 1
                                    

Quinn's point of view

"Anak!"

"HYRO!"

Mabilis nila kaming sinalubong. Hinayaan kong yakapin ako ni dad. Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng takot ang buong pagkatao ko. Nag-aalala ako kila Zayden.

"Nasaan sina Zayden at Ayzon?" nag-aalalang tanong ni Alyona.

Napatingin ako kay Hyro na ngayon ay hinang-hina na. Dumudugo pa ang kamay niya.

"Gamutin n'yo muna ang kamay ni Hyro," utos ko.

Sumunod sila sa sinabi ko. Kinuha ni Adrienn ang first aid kit namin at sinimulang gamutin si Hyro. Pinaupo naman ako ni dad. Bakas ang sobrang pag-aalala sa kanya. Ngumiti na lamang ako. Hudyat na maayos ang kalagayan ko.

"Nasaan sina Ayzon at Zayden?" pagtatanong ulit sa akin ni Alyona.

"Sinundan nila ang mga taong gumawa sa amin nito."

"Ano?!" pasigaw na giit ni Alyona.

"Bakit hindi kayo nagtawag ng mga pulis?" tanong ni dad.

"Hindi ko alam!" Doon na ako nag-umpisang umiyak.

Nag-aalala ako kay Ayzon lalo na kay Zayden!

"Pinigilan ko siya! Pinigilan ko silang dalawa pero hindi sila nagpapigil," umaatungal kong tugon.

Niyakap ako ni dad dahil sa sobrang pag-iyak.

"Huwag kang mag-alala, Quinn, pinasundan namin sila sa mga pulis. Magiging maayos din sila," sabi ni Adrienn. Pilit niyang pinagaan ang loob ko. Pero kahit ano'ng gawin nila ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak.

"Anak, magiging maayos din sila." Hinaplos-haplos ni dad ang buhok ko.

"S-subukan n'yong tawagan si Ayzon." Pilit na pagsasalita ni Hyro.

Napatingin agad kami sa kanya. Nagkaroon ako ng pag-asa nang sabihin niya iyon. Tumigil ako sa pag-iyak at tumingin kay Ryle.

Dali-daling tinawagan ni Ryle si Ayzon.
Pero nabigo kami, walang sumasagot sa kabilang linya.

"Ayzon, sagutin mo!" nag-aalalang singhal ni Ryle. Pero kahit ilang beses niyang tawagan si Ayzon ay hindi ito sumasagot. Hanggang sumuko na siya sa pagtawag.

Nagtinginan kaming lahat, nanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Bakas ang pag-aalala sa mga mukha namin.

Alam kong darating din sila, nagtitiwala ako sa kanilang dalawa.

RINNGGGGG

Nabasag ang mahabang katahimikan nang mag-ring ang phone ni Ryle.

Hindi kaya si Ayzon 'yon?

Napatayo ako nang sagutin ni Ryle ang tawag. Lahat ng atensyon ay naka'y Ryle lang wala ni isang nag-ingay sa amin.

"Ryle Santiago?" Malaki ang boses ng taong sumagot sa kabilang linya.

"Yes, speaking."

"Kaibigan mo ba si Ayzon Asuncion?"

Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Yes, sir"

"Sinubukan naming tawagan ang mga magulang niya pero hindi sila sumasagot. Isa ka sa nasa contacts ni Mr. Asuncion ka—"

"Nasaan po si Ayzon?" singit ni Alyona.

"Nasa hospital siya."

Tumulo ang luhang pilit kong pinipigilan.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon