MFIAM CHAPTER 43

1.2K 51 6
                                    

Zayden's point of view

Nakatayo ako sa labas ng boutique na kinaroroonan ni Quinn. Napagdesisyunan kong hintayin na lang siyang lumabas. Napangiti ako sa naisip na magiging reaksyon niya kapag nakita ako rito.

"Hi po!" Agad akong napalingon sa nagsalitang iyon sa gilid ko. Nakita ko ang matangkad na babae. Nakangiti siya sa akin. Halos magkasingtangkad na lang kami dahil talaga namang may ibubuga ang height niya.

"Hmmm?"

"Ahh! Puwede po bang magpapicture! Hehe."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon.

Bakit magpapapicture sa akin? Anong meron?

Pilit na lang akong tumango. Akala ko ay magpapapicture na siya sa akin pero agad siyang kumaway sa dalawa pang babae sa hindi kalayuan na parang tinawag ang mga ito. Agad namang nagsipuntahan ang dalawang babae sa amin. Ngiting-ngiti sila at parang kinikilig pa ang isa sa kanila.

Tsk! Iba ka talaga zayden. Hahaha!

"Puwedeng kaming tatlo po? Hehe?" nakangiting tanong pa ng isa.

"Sige lang." Pilit na pagngiti ko. Nahihiya ako sa ginagawa nila. Ang akward lang. Ano ba ako artista?

Pinagitnaan nila akong tatlo at inilabas ng isa ang phone niya, ngumiti ako nang nag-umpisa na siyang pumindot. Pagkatapos ay kinikilig pa silang humarap sa akin. Napahawak pa ako sa batok dahil nararamdaman ko ang pamumula ko.

"Ano po'ng pangalan mo kuya?"

Kuya? Mukha ngang mas matanda pa sila sa akin. Hahaha!

"Zayden."

Bumulong-bulong pa sila na pawang kinikilig na naman. May mga taong nagtitinginan na sa amin kaya mas lalo akong nahiya.

"Oh! My! Ang ganda naman ng name mo!" halos pasigaw na tugon ng babaeng maputi. Pero kulang sa height.

"Ah hehe." Napahawak pa ako sa batok ko.

"Namumula ka kuya!" tugon ng matangkad na babae.

Napahawak tuloy ako sa mukha ko. "Ganon ba! Hahaha!" Nahihiya kong pagtawa.

Alisin niyo na ako rito! Nagmamakaawa ako!

"Ang g'wapo mo kuya!!!" halos pasigaw na namang tugon ng babaeng maliit. Napakalakas ng boses niya. Ang liit-liit na tao grabe makasigaw.

"Kuya! May insta ka ba? Twitter? facebook? Add ka namin!!" tanong ng babaeng medyo chubby.

"Oo nga! Tapos follow back mo kami!" Kinikilig na dagdag ng matangkad.

Magsasalita na sana ako pero inunahan na naman ako ng maliit na babae. "Kuya! Ano na! Ang cute-cute mo kasi!" kinikilig niyang sigaw.

Nagtinginan ang mga dumadaan sa harap namin. Napangiwi na lamang ako.

Ang kulit nila. Paano ba ako makakaalis dito?

Nakangiti nilang hinihintay ang sagot ko.

"Sa insta na--"

"EHEM!"

Sabay sabay kaming napalingon. Laking gulat ko nang makita si Quinn na nakangiti sa amin. Napaayos ako ng tayo, nagtataka namang nagsalitan ng tingin ang tatlong babae sa aming dalawa ni Quinn.

"Quinn?" mahina kong pagtawag sa pangalan niya.

Hindi niya ako pinansin dahil sa tatlong babae siya nakatingin. "Aalis na kasi kami. P'wede ba?" nakangiti niyang tanong sa tatlong babae.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon