MFIAM CHAPTER 13

1.6K 81 11
                                    

Quinn's point of view

Nasa kusina ako ngayon para maghanda ng makakain namin. Dito kasi manananghalian sina Hyro at Ayzon. Wala man akong gana pero pinilit ko pa rin na makapagluto ng maayos. Nagluluto ako ng adobong manok at sinigang. Pinagsasabay ko ang paluluto kaya gayon na lang ang pagod ko.

Bakit kasi hindi marunong magluto ang mga taong 'yon? Para silang prinsesa at prinsipe na nakaupo sa sofa. Kitang-kita ko sila, nagtatawanan lang at parang hindi ako pansin.

Ano ako alipin?

Pansin ko lang na mailap na sa akin si Zayden. Dahil siguro ay bantay sarado na siya. Kahit pagtingin lang sa akin ay hindi pa niya magawa.

Praning masyado 'yang Adrienn na 'yan!

Pinagpapawisan na ako kaya kumuha muna ako ng malamig na tubig sa refrigerator. Pagkainom ko ng tubig ay agad akong humarap sa niluluto ko. Laking gulat ko nang makita si Ayzon. Tinitikman niya 'yong adobo.

"Hmmm! Ang sarap naman nito. Magaling ka pa lang magluto," nakangiti niyang papuri.

Tumango lang ako.

Nilagyan ko ng seasonings ang niluluto kong sinigang. Napansin ko ang pagtingin niya sa mga nilalagay kong sangkap. Pagkatapos kong maglagay ng mga sangkap ay humarap ako sa kanya.

"Bakit ka nandito?"

"Easy, galit ka agad?" natatawa niyang tanong.

Ano nga ba'ng ginagawa ng lalaking 'to rito?

"Bumalik ka na lang do'n, matatapos na 'to."

Pero hindi niya ako sinunod. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. "Tulungan na kita," nakangiti niyang wika.

Wala na akong magagawa. Makulit ka masyado.

Hinalo ko ang adobo at gayon din ang ginawa niya sa sinigang.

"Ang bango bangooooo," nakapikit pa niyang tugon.

Overreacting ka masyado pre!

"H'wag mo ngang singhutin, baka maubos ang amoy," ani ko.

Nakakatawa naman kasi ang reaksyon niya.

Tumingin siya sa akin. "Share ko lang, ayoko si Adrienn para kay Zayden." Biglang sumeryoso ang tuno ng boses niya.

Bakit napunta na naman sa kanila ang usapan?

Pero nagtataka pa rin ako. Bakit ayaw niya? Mukhang ayos naman sila kanina ni Adrienn. Si Ryle lang ang hindi kasundo ni Adrienn.

"Bakit?"

"Kasi masyado siyang maarte. Ang gusto ko lang sa personality niya ay 'yong hindi mo siya agad mahahawakan. Hindi siya easy to get. Pero napakataray niya at hindi ko nakikita ang future ng kaibigan ko sa kanya," paliwanag nito.

Lumingon ako kila Zayden.

Nagtatawanan sila.

Bakit gano'n? Ang sabi ni Ayzon ay hindi mo agad siya mahahawak-hawakan? Bakit gano'n na lang ang paghalik niya kay Zayden at grabi ang pagkapit niya ngayon sa boyfriend niya.

Tch! Sa bagay may relasyon sila, walang malisya.

"Kung gayon masanay ka nang makita siya sa future ng kaibigan mo. Grabe makakapit oh!" inis na sabi ko.

Napalingon lang din siya kila Zayden. "Selos ka?"

"Hindi!" malakas na sigaw ko sa mismong mukha niya.

Pero ngumisi lang siya.

Napakagaling niyang mang-asar.

"Alam mo kung ano ang mali sayo?"

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon