MFIAM CHAPTER 57

1.2K 43 2
                                    

Zayden's point of view

"Please sagutin mo." Hindi ako mapakali habang hawak-hawak ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Quinn at hindi man lang niya sagutin. Ngayon pa kami nag-away. Badtrip!

"Attorney, kaylangan n'yo na raw pong pumasok sa conference room," tugon ng isang sekretarya sa akin.

"Pakisabing sandali na lang," tugon ko.

Tumango lang siya. Ibinalik ko ang atensyon sa phone ko. Ngayon ang araw kung saan makikipagkita siya sa lalaking iyon.

Agad akong nag-message sa kanya.

From: Zayden
Quinn! Wag kang aalis. Susubukan kong samahan ka. Papatapusin ko lang ang meeting namin
QUINN!
Nagtatampo ka ba? Sorry na
Maguumpisa na ang meeting namin
Send me a message kung natanggap mo ang mga text message ko
I love you

Ibinulsa ko ang phone ko at nagtungo sa conference room. Kung p'wede ko lang sanang takasan ang meeting na 'to ay kanina ko pa ginawa kaso ay hindi p'wede. Hindi ko naman masabihan si Hyro dahil siya ang umaasikaso sa paghahanap namin sa tatlong lalaking nanloob kila Adrienn.

"Akala namin ay hindi ka na papasok, Mr. Cordova," sermon ni Attorney Santos sa akin. Humingi naman ako ng tawad at umupo na lamang para makapag-umpisa na.

Quinn's point of view

Sunod-sunod ang pag-me-message sa akin ni Zayden pero hindi ko man lang pinapansin. Bahala siya! Hindi ko siya maintindihan. Nakakainis ang pagiging overprotective niya. Sobra na, simpleng paglabas lang naman eh.

Napagpasyahan kong hindi sundin ang utos niya. Makikipagkita pa rin ako kay Nayth. Lalo na't kaylangang-kaylangan ko na talaga ang account na iyon. Nag-text kanina si Nayth na 10:30 a.m ang oras nang pagkikita namin at napagpasyahan naming sa isang malapit na parke na lang kami magkita. 10:20 a.m na pero ito ako tinatamad na kumilos. Tumayo na ako sa pagkakahiga at nagbihis. Bumaba ako ng living room para magpaalam sa kasambahay namin. Wala rito si dad kaya hindi ako makakapagpaalam sa kanya.

"Ya, may pupuntahan lang po ako."

"Ma'am, tumawag po sa akin ang boyfriend mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano tatawag 'yon? Kahit cellphone number ng kasambahay namin ay kinuha niya?

"Ano daw ang sabi?"

"Huwag ko raw po kayong hayaang lumabas ng bahay."

"Sandali lang naman ako."

"Pero, ma'am"

"Please, ya, pangako babalik din ako agad."

Wala na siyang nagawa pa. Umalis na ako agad. Mag-co-commute ako, dahil wala sa wisyo ang kotse ko. Hanggang ngayon ay hindi pa napapaayos ni dad.

Kahit toxic ang sumakay sa jeep 'pag ganito ang araw ay ginawa ko pa rin. Binuksan ko ang phone ko at napagdesisyonang i-message si Zayden.

From: Quinn
Umalis na ako, uuwi din agad ako

In-off ko ang phone ko nang huminto na ang jeep hudyat na narito na ako sa pupuntahan ko. Bumaba ako at hinanap agad ng mga mata ko si Nayth. Naglakad-lakad ako sa buong parke para hagilapin siya.

Nasaan na 'yon?

Nang hindi ko siya makita ay naupo muna ako sa upuan na kahoy na nakaharap lang sa fountain.

"Quinn?"

Agad akong lumingon sa nagsalitang iyon sa likuran ko. "Nayth, nand'yan ka na pala. Kanina ka pa rito?"

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon