Zayden's point of view
10:36 na ng gabi pero nanatili pa rin dilat ang mga mata ko.
Pakakawalan na kita Quinn.
Napakasakit para sa aking gawin iyon. Pero kong 'yon ang magpapasaya sa kanya ay pipilitin kong gawin.
Tumayo ako sa sofa na kinahihigaan ko. Lumabas ako ng opisina at wala sa sariling tumungo sa assistant office. Pagkabukas ng pinto ay bumungad si Alyona na may tinatype sa computer. Mag-isa na lang niya sa buong opisina nagsialisan na siguro ang iba.
Hindi niya napansin ang naging paglapit ko sa kanya. "Alyona..."
Gulat siyang napatingin sa akin at dali-daling tumayo.
"Attorney? Do you want something?"
"I need you right now. Samahan mo ako," wala sa sariling tugon.
Hindi tama ang sabihan ko na lang siya bigla ng ganito. Pero ano ba'ng magagawa niya? Nasasaktan ako ngayon. Wala akong pakialam kung magiging makasarili ako. Sarili ko muna ang iisipin ko sa pagkakataong ito.
•••
"Attorney, don't drink too much," pag-awat sa akin ni Alyona pero hindi ako nakinig. Itinungga ko ang beer na hawak ko. Nakatatlong bote na ako ng beer. Pero wala pa rin nagiging epekto sa akin. Nararamdaman ko pa rin ang sakit.
"Attorney?"
Mapungay ang mga matang tinignan ko siya diretso sa mga mata niyang nagtatanong.
"Mula ngayon, Zayden na ang itatawag mo sa akin," walang ganang giit ko.
Sumilay ang pagtataka at pag-aalala niya. "Pero bawal 'yon attorney. Dahil kapag narinig ng ibang tinatawag ko kayo ng gano'n ay ba--"
"Don't mind them. I'm your boss right? So obey me."
Itinungga ko na naman ang pang-apat na bote ng beer.
Nakaramdam na ako ng pagkalasing. Malakas ang tugtog sa buong bar kaya naman ay sobrang lapit ni Alyona sa akin para marinig niya nang maayos ang mga sinasabi ko
"Zayden?" nakangiwi niyang panimula.
"What?"
"What happened?"
Naalala ko na naman ang lahat ng sinabi ni Quinn. Bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko.
"Iniwan niya ako."
Nagpagiwang-giwang na ang ulo ko dahil sa pagkalasing.
"Why?" mahinahon niyang tanong.
"Because I'm not her priority." Tumawa pa ako ng nakakaloko.
"Sorry for asking."
"Hahaha, nevermind. Let's just enjoy this night Alyona." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa dahil hinila ko agad siya papunta sa dance floor. Nakipagsiksikan kami sa napakaraming mga tao na nagsasayaw.
Kahit lasing na ako ay kaya ko pa rin kumilos nang maayos. Kaya naman ay nakapagsayaw pa kami. Pinanood ko kung paano siya sumayaw sa harapan ko.
Napakamalumanay.
Biglang pumasok si Quinn sa isipan ko. Nakita ko kay Alyona ang mukha ni Quinn. Nakangiti, masaya at parang walang problema. Wala sa sariling lumapit ako kay Alyona at hinigit ang bewang niya. Nagulat siya sa ginawa kong 'yon.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...