Quinn's point of view
Pagkaalis nina mom at kuya ay wala ni isang kumibo sa aming lahat. Kahit ako ay pawang hindi maibuka ang bibig. Nanatili akong tulala at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan. Narinig ko ang pagbasag ng katahimikan ni Adrienn. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Zayden ah.... ihatid mo muna si Quinn sa kanila.... para makapagpahinga siya," may pag-aalinlangang tugon kay Zayden.
Naramdaman ko ang mahinahong paghawak ni Zayden sa braso ko. "Quinn, iuwi na muna kita."
Tumingin ako sa kanya na namumugto pa ang mga mata. "Uhmmm," pagsang-ayon ko.
Akmang hahakbang na ako paalis nang biglang magsalita si Ayzon. Dahilan nang paghinto ko. "Si Hyro ang maghahatid sa kanya." Sabay-sabay kaming napatingin kay Ayzon. Nagtataka akong nakatingin lang sa kanya gayon din si Zayden.
"What?" iritadong pag-angal ni Zayden.
"Si Hyro ang maghahatid sa kanya." Sabay tapik pa sa balikat ni Hyro
Mas humigpit ang paghawak sa akin ni Zayden. Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Ang gusto ko lang ay makauwi, dahil pagod na pagod na ako.
"Ano ba'ng sinasabi mo?" singit ni Ryle sa usapan.
Pero hindi siya pinansin ni Ayzon. "Kakausapin kita Zayden, magpaiwan ka," may awtoridad na pagkakasabi.
"Kakausapin na lang kita pagkahatid ko kay Quinn," kalmadong saad ni Zayden.
Mas nainis si Ayzon. "Hyro! Sinabi kong ihatid mo si Quinn."
Wala kaming magawa ni Adrienn para awatin ang tatlo at wala akong balak dahil napakarami kong problema ngayon.
"Ayzon," nag-aalinlangang tawag sa kanya ni Hyro.
"No! Ihahatid ko si Quinn!" pagpupumilit ni Zayden. Mas sumama ang tingin sa kanya ni Ayzon. Napapikit na lamang ako. Hindi ko na kaya ang mga nangyari kanina. H'wag naman na sana nilang dagdagan.
"Zayden kakausapin ka ni Ayzon. Ako na ang maghahatid kay Quinn," mahinahong tugon ni Hyro.
Nagpalit-palit ang tingin namin kina Zayden at Hyro. Napahawak na lang ako sa ulo ko.
Shit! Tapusin niyo na ang gulo.
"P'wede ba Hyro, tigilan mo na ang pangingialam sa aming dalawa," diretsong usal ni Zayden.
"What? Hindi pangingialam ang ginagawa ko Zayden! I'm just trying to help you," pagdepensa ni Hyro sa sarili.
"Tinutulungan mo kami? Pagkatapos mong ligawan si Quinn ay sinasabi mong sinusubukan mong tulungan kami? Are you out of your mind?" singhal ni zayden.
Hindi ko sila pinansin. Tanging nasa baba lamang ang paningin ko. Iniisip ko ang lahat ng nangyari kay mom.
"Look Zayden, as I said earlier, nagsisisi na ako. Bakit hindi mo pa maintindihan? Narealize ko na ang lahat kaya please lang. Subukan mo naman akong intindihin," ani ni Hyro.
"Sa tingin mo ba ay paniniwalaan pa rin kita? Tinarantado mo pa rin ako Hyro!" Lumakas ang boses ni Zayden.
"Ilang ulit ko--"
"ANO BA! AKO NA! AKO NA ANG MAGHAHATID KAY QUINN. MAIIWAN KAYONG APAT DITO! MAG-USAP-USAP KAYO! MAY PROBLEMA NA NGA ANG TAO DADAGDAGAN NIYO PA!" sigaw ni Adrienn.
Nagulantang ako sa ginawa niyang pagsigaw kaya bumalik ako sa huwesyo. Nagulat ako nang hilahin ako ni Adrienn palabas sa venue. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Zayden.
Buti na lang at naisipan ni Adrienn na tulungan ako.
Zayden's point of view
Nanatili kaming nagtitigan sa isa't isa. Wala na akong nagawa pa nang hilahin ni Adrienn si Quinn paalis dito. Nakaupo si Ryle habang nakatayo naman kaming tatlo.
Maya-maya lang ay nagsalita si Ryle. "Hindi ugali ng isang professional ang ipinakita niyo kanina." Pagtukoy niya sa aming tatlo. "Kung ano'ng problema natin sa isa't isa ay ayusin na natin ngayon," dagdag pa nito.
Inilayo ko ang paningin kay Ryle at tumingin na lamang sa sahig.
"Hyro, paano mo nagawa ang bagay na iyon kay Zayden?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Ayzon. Seryosong-seryoso siya ngayon at ngayon ko lamang nakita ang itsura niyang iyon.
Nag-alinlangan naman si Hyro.
Ngayon, sagutin mo ang tanong na 'yan! Hindi ka makakatakas.
"Hyro!" may awtoridad na pagtawag ni Ayzon kay Hyro.
"I don't know nagulat na lang din ako sa nararamdaman ko kay Quinn."
Napakuyom ang palad ko sa sinabi niyang iyon. "Hindi mo alam?" hindi makapaniwalang tanong ko. Parang bata siyang napayuko. "Gago ka ba?!" Akmang susunggaban ko siya pero pinigilan agad ako ni Ryle na napatayo pa sa kinauupuan.
"Ano ba kayo! Mag-usap-usap tayo nang maayos!" inis na sigaw ni Ryle.
Pilit kong pinakalma ang sarili.
"May nararamdaman pa ako kay Quinn hanggang ngayon at hindi ko iyon maipagkakaila. Pero natauhan na ako, isasantabi ko ang nararamdaman ko. Dahil alam kong hindi tama," pagpapaliwanag ni Hyro. Pero meron pa rin sa akin na hindi kumbinsido sa sinabi niyang iyon. "Pinabantayan ko lang si Quinn sa 'yo! Pero iba ang pagbabantay na ginawa mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Mukhang hindi niya iyon nagustuhan. "Humingi na ako ng tawad Zayden! Ipinagwalang bahala ko na ang nararamdaman ko sa kanya pero nagkakagan'yan ka pa rin. Ano ba ang kaylangan kong gawin para mawala ang galit mo?" Pinigilan niya ang sarili na magtunog iritado.
"H'wag ka nang magpakita sa amin ni Quinn! Iyon lang ang magpapawala ng galit ko," seryoso kong sabi.
"Zayden? Ano ba'ng sinasabi mo?" pag-angal sa akin ni Ryle. Naramdaman kong hindi na kumibo si Ayzon mula kanina.
"Ayoko lang na nakikitang lumalapit siya kay Quinn," ani ko.
"Hindi mo ba ako mapapatawad? Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Hyro.
Tinignan ko siya diretso sa mga mata. Para maipakitang seryoso ako sa sinasabi. "Hindi ko alam kung matatanggap ko ang ginawa mo Hyro," seryoso kong usal.
CLAP CLAP CLAP
Hindi na nakapagsalita pa si Hyro nang pumalakpak na lang bigla si Ayzon. Nagtataka kaming tumingin sa kanya. Inayos niya ang pagtayo at nakangisi pang tumingin sa akin. "Paano naman ang ginawa mong paglimot sa amin nang limang taon? Matatanggap ba namin 'yon?"
Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Seryosong-seryoso si Ayzon. Hindi ko na makita ang Ayzon na dati ay palatawa at puro pagbibiro ang ginagawa. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko agad naisip na isusumbat nila ang ginawa kong iyon.
"Kasalanan mo kaya nagkamabutihan sina Hyro at si Quinn. Kung hindi mo lang pinanindigan ang pride mo sana ay walang nagbago sa inyo ni Quinn. Pero mapride ka! Pagkatapos ngayon ay isusumbat mo sa kanya ang lahat? Na mali siya? Nagkagusto lang naman siya at normal sa tao 'yon. Humingi siya ng tawad, pero hindi mo tinanggap. Kung sa tutuusin ay ikaw ang dapat magpaliwanag sa amin ngayon. Kinalimutan mo kami. Kung akala mo ay maiintindihan kita nagkakamali ka. Hindi ako kasing maintindihin ni Ryle. Kung si Ryle kaya niyang palampasin ang lahat. Ako ay hindi!"
Napayuko ako.
Wala akong masabi, kung kanina ay nakikita ko ang sarili ko sa tama. Ngayon ay kahit ang pagkatao ko ay sinasabing ako talaga ang mali. Ako ang may kasalanan.
"Alam ko na ang dahilan mo kaya mo kami ipinagwalang bahala nang limang taon. Dahil sa lintik na pagmomove on na 'yan." May halong galit ang tuno ng boses niya kaya mas lalo akong hindi nakapagsalita. "Bago mo punahin ang ibang tao, ay siguraduhin mong perpekto ka. Dahil ako bilang kaibigan? Hindi ko kinukunsinti ang alam ko ay hindi tama. Ikaw at si Hyro? Pareho kayong nagkamali. Mas hindi nga lang katanggap-tanggap ang pagkakamali mo."
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
Storie d'amoreSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...