MFIAM CHAPTER 39

1.1K 48 1
                                    

Zayden's point of view

"Anak, kinukumusta ka pala ni Ayzon. Matagal mo na raw silang hindi pinapansin," malungkot na saad sa akin ni mom.

Nakaupo ako ngayon sa living room habang nagbabasa ng dyaryo. Sumulyap ako kay mom na ngayon ay nakatingin sa akin ng diretso. "Marami akong ginagawa mom."

"Ngayon ay wala ka namang ginagawa bakit hindi mo sila kumustahin? Ano ka ba Zayden! Ilang taon mo nang hindi pinapansin ang mga kaibigan mo, gan'yan ba talaga kakitid ang utak mo?" panenermon sa akin ni mom.

"Mom, I don't want to talk about it."

"Ano? Nag-aalala sa 'yo ang mga kaibigan mo, sinabi nilang hindi ka man lang tumawag sa kanila at hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nila. Buti na lamang ay nandoon ako para pagtanungan nila. Wala ka na ba talagang pakialam sa kanila?" iritadong tanong ni mom.

Wala sa sarili akong tumayo. "Mom, pagod ako sa trabaho ko," malumanay kong usal.

Hindi na maipinta ang itsura niya ngayon. "What are you doing Zayden? They ar--"

"Hon, h'wag mo nang pangaralan ang anak natin. May sarili na siyang isip. Alam niya ang ginagawa niya," pagsingit ni dad na kararating lang.

"No! Pati ba naman ikaw kinuku--"

"Hon! Nandito tayo para bumisita. Hindi para pangaralan siya," pagpipigil ni dad kay mom.

Walang nagawa si mom kaya tumahimik na lamang siya.

Muling tumingin sa akin si dad. "Nabalitaan kong may isang buwan kang bakasyon ngayon." Tumango na lamang ako bilang pagsagot. "Umuwi ka ng pilipinas at bisitahin mo ang restaurant mo roon," seryoso niyang tugon

Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. "Napagdesisyunan kong dito na lang ako magbabakasyon," angal ko

Mas sumeryoso si dad kaya nailang ako. "Do what I said, maraming kaylangang ayusin sa restaurant."

Napakamot ako sa batok ko.

Nakakainis naman, marami pa naman akong lugar na pupuntahan dito. Kaylangan ko na sigurong icancel ang mga 'yon dahil seryoso talaga si dad sa sinabi niya.

Huminga ako nang malalim. "Okay, pero isasama ko si Alyona."

Nanlaki ang mata ni mom. "Kayo na ni Alyona anak?" hindi makapaniwalang tanong.

"No mom, she's my assistant kaya responsibilidad niyang samahan ako kung saan man ako pumunta," sagot ko.

Lumungkot ang mukha ni mom. Gustong-gusto na talaga ni mom na magkaroon na ako ng girlfriend. Pero hindi ko muna iniisip ang gano'ng bagay.

"We know that she's your assistant. But sadly you can't bring her. I said do it by yourself. Don't bring anyone," seryosong wika ni dad.

Napansin kong nagiging istrikto na si dad. Dahil na rin siguro sa tumatanda na siya.

Napangisi ako sa naisip. "Okay dad," tipid kong tugon at umalis na sa harap nila.

Wala naman na akong magagawa, si dad na ang nagsabi. Ano ba'ng dapat kong katakutan sa Pilipinas? Tulad nga ng sinabi ko ay wala na akong nararamdaman kay Quinn kaya hindi na dapat ako matakot.

•••

"Huhuhu! Bakit ayaw akong ipasama ng dad mo papunta sa Pilipinas?" pagmamaktol ni Alyona.

Nasa opisina kaming dalawa. Nakaupo siya sa ibabaw ng table ko, habang ako naman ay nakaupo sa harap niya. Nakasanayan na niyang maupo sa ibabaw ng table ko, kung dati ay pinagagalitan ko siya. Pero ngayon ay nasanay na ako.

"Wala tayong magagawa, si dad ang nagsabi," natatawa kong saad.

Mas lalo siyang nagmaktol at parang batang kinalampag ang lamesa ko. "Aish! Napaka kill joy talaga ng dad mo."

"Hahaha, sandali lang naman ako roon."

Ngumuso siya. "Isang buwan? Matagal na 'yon para sa akin."

Para sa akin ay walang malisya ang pagiging malapit namin ni Alyona sa isa't isa. Pero 'yong mga kasamahan kong lawyer ay pinagdududahan kaming dalawa. Dahil na rin siguro sa sobrang paglapit sa akin ni Alyona.

"Atleast makakapagpahinga ka na. Wala nang uutos sa 'yo minu-minuto," nakangiti kong tugon sa kanya.

"Kainis ka!" singhal pa niya.

Mabilis siyang bumaba sa pagkakaupo sa ibabaw ng table ko. Tinalikuran niya ako at nagsimula siyang maglakad palayo sa akin. Kaya naman napailing-iling ako.

Kahit kaylan talaga ay napakamatampuhin niya. Ayoko mang maalala pero kusang pumasok sa isip ko si Quinn. May kumurot sa puso ko dahil sa biglaang pagpasok niya sa isipan ko. Naalala ko kay Alyona ang ugaling pinakanagustuhan ko kay Quinn.

Pero agad na naudlot ang iniisip ko nang marinig ang isang malakas na tunog. Tumayo agad ako at nakita ko si Alyona na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Napansin ko sa gilid niya ang isang plastic bottle. Mukhang napatid siya roon.

Natatawa akong lumapit sa kanya. "Ilan ang nahuli mo?" pang-aasar ko.

Tinignan niya ako nang masama. "Loko! Tulungan mo na lang kaya ako."

Tinignan ko ang paa niya namumula ito ng kaunti. Tuluyan na akong naupo sa tabi niya at hinawakan ang paa niya. "Mag-iingat ka kasi."

Pinagmasdan ko ang namumula niyang paa. Pero agad na naitigil ko ang ginagawa nang maramdamang nakatitig siya sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko para makita siya nang tuluyan. Pagkaangat ko ng paningin sa kanya ay seryoso lang niya akong tinignan.

"Bakit?"

"Wala na ba talaga tayong pag-asa?" tanong niya.

Inilayo ko ang paningin sa kanya.

Ito na naman kami, nagsisimula na naman siya sa mga ganitong usapan.

Dahan-dahan kong ibinaba ang paa niya at akmang tatayo pero pinigilan niya ang pagtayo ko.

"Zay! Please tell me," malumanay niyang usal.

"Tumayo ka na Alyona, kaylangan ko pang umuwi ng maaga. Mag-iimpake pa ako," pag-iiba ko ng usapan.

Akmang tatayo na muli ako nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at mas nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Napalunok ako sa sumunod niyang ginawa. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Halos maduling na kaming dalawa dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Gusto talaga kita Zay," nakangiti na niyang usal.

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ako dahil idinampi niya ang labi sa labi ko. Naramdaman ko agad ang inis sa ginawa niyang paghalik sa akin.

Agresibo kong inilayo ang sarili sa kanya. "Sorry Alyona," 'yon na lamang ang nasabi ko.

Yumuko siya at mukhang nagsisi sa ginawang paghalik sa akin. "Naiintindihan kita Zay, dahil may problema talaga sa akin siguro ay wala talaga sa akin ang katangian ng babaeng gusto mo."

Napabuntong hininga ako, at saka dahan-dahang tumayo. Pagkatayo ko ay iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Tinanggap naman niya ang kamay ko at dahan-dahan ko siyang itinayo.

"Wala kang problema Alyona. Ako ang may problema. Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya. Siguro ay pagiging kaibigan lang talaga ang maisusukli ko sa nararamdaman mo."

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon