MFIAM CHAPTER 24

1.5K 53 1
                                    

Quinn's point of view

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa tumatama ang sinag ng araw mula sa labas sa napakaganda kong mukha. Bumungad naman sa akin si Zayden at tulog na tulog siya. Magkaharap kami ngayon at parehong nakayakap sa isa't isa.

Pinag-aralan ko ang mukha niya. Gusto kong sauluhin ang bawat detalye. Ang aliwalas niyang tignan. Napangiti pa ako nang maalala ang paghalik niya sa akin kagabi. Hanggang panaginip ay ginugulo niya ako. Naadik na ako kay Zayden. Hahaha!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking 'to. Mahal ko siya at napakas'werte ko dahil minahal din niya ako. Ayoko na atang humiwalay pa sa kanya.

Magpakasal na kaya kami ngayon na?

Naramdaman ko ang paggalaw niya.

Laking gulat ko nang bigla niya akong niyakap ng mas mahigpit. Ang mismong mukha ko ay nasa dibdib na niya.

Langya! Kinikilig ako! Enebe!

"Inaantok pa ako. H'wag ka munang bumangon..." bulong niya.

Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niyang pagbulong sa akin.

Mamamatay na ata ako sa kilig!

Ipinikit ko ang mga mata ko. Pero hindi ko magawang makatulog muli. Dahil nadidistract talaga ako sa mabangong amoy ni Zayden pati na rin sa matigas niyang dibdib.

Punyemas! Alam mo bang inuunti-unti mo ako Zayden!

"Magluluto na ako," biglang pagsasalita ko.

"Uhmmm," ungol niya "Dito ka muna." Paglalambing niya.

Hehehe! Feeling ko maiihi ako rito.

Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa. Mas malakas siya sa akin.

Aish!

"Wala tayong kakainin," atungal ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Huhuhu! Kahit pagtawa niya ay nakakaakit. Ang sarap pakinggan ng husky voice niya!
Napakaganda talaga ng tuno ng boses niya ngayon.

"Ikaw na lang ang kakainin ko tapos kainin mo rin ako," aniya.

Kunwari ko siyang hinampas sa braso kaya natawa siya. Hindi ko man nakikita ang itsura niya ay nakasisiguro akong nakangiti siya.

"H'wag gano'n! Hindi tayo kumakain ng karne ng tao. Kadiri ka naman!" pagbibiro ko.

"Pero gusto kong kainin ang pagkatao mo."

Parang binabayo na ang puso ko ngayon dahil sa sobrang bilis ng tibok nito! Iyong mga pinagsasabi niya ay talagang nakakapanghina. Isama pa 'yong husky voice niya.

Sino'ng hindi magpapabuntis sa lalaking 'to?

Hahaha kidding!

Pero natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang may nakakadiring meaning 'yong kakainin ang pagkatao?

Lokong 'to hehehe!

Hindi na ako nagsalita pa at palihim na lang akong kinikilig ngayon. Maya-maya lang ay naramdaman ko nang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Hanggang tuluyan na nga niya akong pakawalan sa pagkakayakap. Humiga siya nang maayos sa tabi ko at saka tumingin sa akin.

"Uhmm, bakit?" tanong ko.

Napangisi siya. "May nakapa akong madulas."

"Hah? Ano 'yon?"

Itinaas niya ang kanang kamay niya sa ere. Dahilan para manlaki ang mata ko. May dugo ang kamay niya. Gulat akong umupo sa kama at saka tinignan ang ibabang parte ng katawan ko.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon