Zayden's point of view
Nalaman kong noong nakaraang taon pa pala nakauwi sa Pilipinas sina Ryle at Adrienn. Kaya napagdesisyunan kong dumalaw sa bahay nilang dalawa. Maayos naman akong tinanggap ni Ryle. Mukhang hindi naman siya galit sa akin at maayos ang naging pakikisama niya sa akin. Medyo naiilang lang ako dahil matagal na panahon na kaming hindi nagkakausap.
"Hindi ka gustong makausap ni Ayzon," diretso niyang tugon sa akin. Napayuko ako sa sinabi niyang iyon. Kasalanan ko naman kaya tatanggapin ko ang desisyon niya. Tinawagan kasi ni Ryle si Ayzon para pumunta rito kaso mukhang hindi niya gusto.
Hindi ako umimik at nanatiling tahimik.
"Bakit kasi hindi mo man lang nagawang magparamdam sa amin?" tanong niya.
Inangat ko ang paningin sa kanya. "Iyon ang pagkakamali ko, ang hindi magparamdam sa inyo. Siguro ay dinamdam ko nang sobra ang mga nangyari kaya kahit kayo ay dinamay ko."
Pinagsalikop niya ang mga kamay at seryosong tumingin sa akin. "Kung gayon magtiis ka. Buti na lang ay hindi ako katulad ni Ayzon na napakaisip bata. Kahit papaano ay naiintindihan pa rin kita."
Malaki ang pinagbago ni Ryle. Kung dati ay napakaseryoso niyang tao. Ngayon ay mas nadagdagan ang pagkaseryoso niya. Talagang tindig professional ang dating niya. Mas naging maayos ang pangangatawan niya at mas naging mature siya.
"Sana lang ay magkaayos na kayo nang mas maaga," dagdag pa niya. Tumango na lamang ako. Wala akong masabi, nahihiya na ako sa kanya. Nakakahiya ang lahat ng pinaggagawa ko.
"By the way, sinabi mo ba kay Hyro na nandito ka na sa Pilipinas? Sana ay makauwi na rin 'yon dito."
Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Naguluhan ako nang sobra at hindi maproseso nang maayos sa utak ko ang lahat.
"Anong uuwi? Nasan ba siya?" naguguluhan kong tanong.
Umayos siya nang pagkakaupo. "Hindi mo nga pala alam. Tatlong taon na siyang wala rito sa Pilipinas. Nasa Canada siya."
Mas naguluhan pa ako.
Anong nasa Canada? Hindi ko maintidihan. Sinabi ni Quinn na sila na, at nakita ko pang magkasama sila ni Hyro sa restaurant.
Hindi kaya? Nagsinungaling siya kina Ryle at Ayzon? Kung gano'n bakit niya kaylangang pagtaguan sina Ryle at Ayzon?
May hindi tama!
Napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon ko kaya pinuna niya 'yon. "Ayos ka lang?" tanong niya.
"Nasa ibang bansa si Hyro?"
Nagtaka siya sa inasta ko. "Oo bakit?"
"Ang buong akala niyo ay nasa ibang bansa siya nang tatlong taon?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo Zayden?"
Hindi ako makapaniwalang niloko kami ni Hyro. Ano'ng meron sa kanya? Bakit siya nagkagano'n?
"Zayden," tawag niya sa akin nang hindi ako sumagot.
"Nandito siya sa pilipinas," walang alinlangang tugon.
Mas naguluhan siya sa sinabi ko. "Nasa Canada siya Zayden at nakausap ko lang siya kahapon. Ang sabi niya hindi muna siya makakauwi rito sa Pilipinas."
"Niloko kayo ni Hyro. Pinagmukha niya kayong tanga dahil nakita ko siya noong nakaraang araw sa restaurant ko at..." Napahinto ako sa naisip.
Sasabihin ko ba ang bagay na 'yon?
Hinintay niya ang sasabihin ko. "Tapos?"
"K-kasama niya si Quinn."
Napahilamos siya sa mukha dahil sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala gayon din ako. "What? Baka naman ay nagkakamali ka lang?"
"Totoo ang sinasabi ko."
"Pero bakit kasama niya si... Quinn?" Halatang nag-alinlangan pa siyang banggitin ang pangalan ni Quinn.
Nagdalawang isip pa akong sabihin ang bagay na iyon. Pero kaylangan din nilang malaman. "May relasyon sila ni Quinn."
Nagulat siya sa sinabi ko. Natigilan pa siya at pawang hindi maiproseso ang sinabi ko. "P-paanong?" hindi makapaniwalang sambit niya. "Paano nangyari 'yon? Kung gayon ay nagsinungaling siya sa amin ni Ayzon? Napaniwala niya kami ng ilang taon?" Hindi niya matanggap ang lahat at nahahalata ko iyon.
Hindi ko rin maintindihan si Hyro.
Hindi ko siya kayang ituring na kaibigan sa pagkakataong ito."At sila pa ni Quinn?" Sabay tingin pa sa akin.
Inilayo ko ang paningin sa kanya at tumingin na lamang sa kawalan. "Si Quinn ang nagsabi." Kahit nasasaktan man ay kinaya ko pa rin magsabi kay Ryle.
"Shit! I need his explanation right now! Naguguluhan na ako," nababalisang tugon sa akin.
Tumango ako. "I need his explanation too."
Bago ako umuwi ay nagk'wentuhan muna kami ni Adrienn. Pinakilala nila sa akin ang anak nila. Babae ang anak nila na pinangalanan nilang Ayrien. Napakagandang bata, apat na taong gulang pa lamang ay kitang-kita na ang pagiging matalino. Ano pa nga ba ang masasabi ko? Sina Adrienn at Ryle ang magulang niya.
Hindi ko rin maiwasang mag-isip. Paano kung ikinasal kami ni Quinn noon? Siguro ay may pamilya na kami ngayon. Sobra akong naiingit kay Ryle. Para sa akin ay napakaperpekto na ng pamilya niya.
Kung hindi ka bumitaw Quinn ay mas magiging perpekto sana ang pamilya na bubuuin natin.
•••
Naglilibot ako ngayon sa mall. Sinamahan ko si mom dito. Pero humiwalay din siya sa akin dahil sa gusto raw niyang mamili kasama ang mga kaibigan niya.
Nagpasama pa sa akin kung iiwan lang din ako.
Habang naglalakad ay narinig ko bigla ang pagtunog ng phone ko mula sa bulsa ng suot kong jeans.
Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.
"Hi Zay!" Masiglang salubong sa akin ni Alyona.
"Hi, how are you?"
"I'm fine naman. Kumusta ang salubong sa 'yo ng Pilipinas?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Maayos lang din," pagsisinungaling ko. Dahil hindi naman talaga maayos ang mga nangyayari sa akin ngayon. Nagk'wentuhan kaming dalawa, habang ako naman ay tuloy-tuloy lang sa paglilibot.
Napahinto ako sa tapat ng isang botique.
"Namimiss ka na talaga ni Mr. Macbride ang sabi pa nga niya ay baka makalimutan mo na raw siya. Hahaha nakakata----"
Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi niya dahil nakuha ng babaeng nasa loob ng botique ang atensyon ko. Likod pa lamang niya ay kilalang-kilala ko na. Si Quinn ang babaeng nasa loob ng boutique. Mukhang hindi niya kasama si Hyro at mag-isa lang siya sa loob. Tinitigan ko siya habang namimili ng damit. Tuwang-tuwa siya sa mga damit na hinahawakan niya.
"Zayden?" Nagising ang diwa ko nang marinig ang malakas na pagsasalita ni Alyona. Nakalimutan ko agad na may kausap pala ako.
"Alyona, tatawagan na lang kita mamaya." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil ibinaba ko agad ang tawag. Ibinalik ko ang paningin kay Quinn. Nagsilabasan ang mapuputi niyang ngipin dahil sa ginawang pagtawa nang kinausap siya ng isang sales lady. Nakagagaan ng loob ang makita siyang tumatawa. Matagal-tagal ko na rin na hindi nakita ang mga tawa at ngiti na iyan.
Napansin ko ang ginawang pag-abot ng sales lady sa isang sky blue na dress. May pagkakahawig ang dress na 'yon sa pinili ko dati para sa kanya. Napangiti agad ako nang tanggapin niya ang dress na iyon. Ipinatong pa niya ito sa katawan niya at napangiti siya bigla. Napansin ko ang pagtitig niya sa dress na iyon na para bang ito ang pinakaimportanteng bagay sa mundo. Maya-maya lang ay nawala ang matatamis niyang ngiti at napalitan ito ng malungkot na ekspresyon.
Parang umasa na naman ako sa ikinikilos niya. Umaasa akong ako ang dahilan kung bakit gano'n kaganda ang pagngiti niya nang makita ang dress na iyon. Umaasa akong ako ang dahilan kung bakit hindi niya mailayo ang paningin sa dress na iyon at umaasa akong ako ang naalala niya nang makita niya ang dress na iyon.
Kung ganyan lang din ang nakikita kong ikinikilos mo Quinn ay mas nadadagdagan ang pag-asa ko. Pag-asa na baka p'wede pa nating maibalik ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...