Zayden's point of view
Nakaupo ako ngayon sa sofa sa living room habang nanonood. Nagluluto si Quinn sa kusina habang ako ay parang tamad na tamad.
Medyo maayos ang gising ko lalo na't naging maayos ang dinner kagabi. Kahit akward kay Quinn dahil sa mga magulang niya ay naging maayos naman ang usapan sa pagitan nila. Nakamamangha nga, dahil kitang-kita ko ang respeto niya sa mga magulang niya kagabi. Para siyang hindi nagtatanim ng sama ng loob.
Tch! Mabait nga, manyak naman.
Hindi ko pa rin makalimutan 'yong halik niya sa pisngi ko tapos sa kanya ay parang wala lang. Napakatibay! Sanay kasi eh!
"Woy! Nakaluto na ako kumain ka na!" Gulat akong tumingin kay Quinn dahil sa lakas ng boses niya.
"Ang aga-aga ang lakas ng boses mo," pagpuna ko.
Pumunta siya sa harap ko at kinuha ang remote. InOFF niya ang TV.
"Bakit? Nanonood ako!" inis kong sigaw.
Kaaga-aga nag-iinit ang ulo ko.
Nagulat ako nang ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang hita ko.
Ang nakakaloko pa ro'n ay hinimas-himas pa niya.Ayan na naman siya!!!
Unti-unti akong napalunok sa ginagawa niya.
Wala na ba siyang ibang magawa?
"Kakain ka? O ikaw ang kakainin ko?" mapanuksong tanong niya.
Kalma! Kalma! Kumalma ka lang Zayden!
Nararamdaman ko na ang pamumula ng tenga ko. Kaya mabilis kong tinabig ang kamay niya na nakahawak sa mga hita ko. Tumayo ako at tinuktok ang noo niya. Dahilan para bahagya siyang mapaatras.
"P'wede ba Quinn! Tigilan mo nga 'ko sa mga kabastusan mo!"
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at hindi man lang nasindak sa pagsigaw ko. "Sus! Aminin mo tinitigasan ka."
Mas namula ako. Nanlaki pa nang sobra ang mga mata ko. Para akong hinihigop ng malakas na hangin.
Tinitigasan ako? Tang ina hindi ah!
"Anong tinitigasan ka d'yan?!" sigaw ko sa mismong mukha niya.
Halos magkasingtangkad lang kami. Kaya napakadali sa aking tignan siya sa mga mata at sigawan sa mismong mukha.
"Nakita ko kaya, bumabakat na," wika niya sabay tingin pa sa ano ko.
King ina nito!!!!!
"Can you please! Watch your words. Pakifilter ang bibig," may diin na giit ko.
"Eh kung dito ako sanay, ano'ng magagawa mo?" mataray niyang sumbat.
Aba lumalaban.
Unti-unti akong lumapit sa kanya nang mas malapit sa kanina. Hindi man lang siya umatras at mayabang na nakipagtitigan sa akin. Halos sobrang lapit ng mukha naming dalawa sa isa't isa.
H'wag na h'wag mo akong yabangan Quinn.
"Masanay kang umayos 'pag ako ang kaharap mo," may awtoridad kong sabi.
Mayabang siyang mas dumikit sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Sobrang lapit na talaga ng mukha namin. Kunti na lang baka mahalikan ko na siya.
"Paano kung ayoko?" kagat labi niyang tanong.
Unti-unti akong kinabahan dahil sa ginawa niyang pagkagat ng labi niya.
"Hahalikan mo ako?" mapanukso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomantizmSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...