MFIAM CHAPTER 23

1.5K 61 9
                                    

Quinn's point of view

"Humaygadddddddd!!" malakas na sigaw ko dahil sa tuwa. Ikakasal na sina Ryle at Adrienn pagdating nila rito sa Pilipinas at ngayon ay kausap namin sila.

"Napakaingay naman ata ni Quinn," natatawang tugon ni Ryle sa kabilang linya.

"Masaya lang 'yan. Alam mo naman na inloveeeeeeee!" mahabang tugon ni Ayzon. Agad siyang binatukan ni Zayden. "Ano ba! Batok nang batok!" inis na singhal ni Ayzon.

"Nagseselos! Kinakausap mo raw kasi ako..." bulong ko kay Ayzon. Kaya pareho kaming natawa.

"Bakit ba tawa kayo nang tawa? Halika nga rito Quinn!" Hinila ako palapit ni Zayden at saka niyakap patalikod.

Humaygadddddddddddddd!

"Ano 'to? Kami lang ni Ayzon ang single?" ani naman ni Hyro.

Pareho kaming tumawa ni Zayden. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Nakatayo kami ngayon, kaya alam niyo 'yon? Hehehehehe nararamdaman ko 'yong ano niya sa likod ko!

Punyeta tama na Quinn! Ang baboy ng iniisip mo!

"Bakit kasi hindi na lang kayo maghanap ng chiks, Ayzon at Hyro?" tanong ni Ryle sa kabilang linya.

"Gusto ko kasi 'yong katulad ni Quinn," pang-aasar ni Ayzon kay Zayden.

"Shut up! Nag-iisa lang itong mahal ko! Kaya h'wag mo 'kong subukang ahasin. Ginawa na nga ni Ryle tapos gagawin mo pa sa 'kin?" walang pag-aalinlangang banta ni Zayden.

Namula agad ang magkabilang pisngi ko.

Don't me zayden! Nekekeleg eke!

"Mukhang may sama pa ng loob si Zayden sa akin," saad ni Ryle.

Siniko ko naman si Zayden nang maramdaman kong ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. Dahilan para magkadikit ang pisngi namin sa isa't isa. Masyado na siyang malapit at talagang hindi pa nahiya. Nandito 'yong mga kaibigan niya tapos nilalandi ako. Kyahhhh!

"Bro! Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na ayos na ayos lang sa akin. Maganda naman ang kinalabasan ng panloloko mo hahahaha!" saad ni Zayden kay Ryle.

Napasimangot ako.

Kaloko talaga ng lalaking 'to.

"Mahal na mahal mo talaga si Quinn 'no?" pagtatanong ni Ryle.

Mas namula ang pisngi ko dahil sa tanong niya. Kinakabahan din ako! Dahil hindi ko alam kung ano'ng isasagot ni Zayden. Sasabihin ba niyang mahal niya ako? Omo!

"I love you..." Nagulat ako nang biglang bumulong sa akin si Zayden. Nanlaki ang mata ko at para akong naging bato dahil sa hindi ko maigalaw ang katawan ko.

OA na ako masyado grabe!

"Oo naman bro! Mahal na mahal ko kaya 'to!" sabi pa ni Zayden sabay halik sa pisngi ko.

King inang 'yan! Patayin niyo na lang ako. Inuunti-unti pa talaga ako. Huhuhu kinikilig ako mga teh!

"Naku naku! Kama na ang sunod niyan!" tumatawang sigaw ni Hyro.

Binatukan agad siya ni Ayzon nang sobrang lakas. "Ano ba?!" singhal nito kay Hyro. "Loko ka! Anong kama? Kasal muna bro," dagdag pa ni Ayzon at sabay silang nagtawanan.

Hindi ko sila gets.

"Teka nga! Manahimik muna kaya tayo dahil may sasabihin ata 'tong si Ryle," pagsuway ko sa kanilang tatlo.

Huminto sila sa pagtawa.

"Ah oo may sasabihin kami ni Adrienn," masayang tugon ni Ryle.

"Nand'yan si Adrienn?" tanong ni Ayzon.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon