Zayden's point of view
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin.
"Oh! Hmmm. . . ."
Ibinaba ko ang paningin ko nang marinig ang pag-ungol na iyon. Ngayon ko lang napagtanto na magkayakap kami ni Quinn.
King ina!
Ano ka ba, Zayden?! Ang sabi mo kagabi ay iiwan mo rin siya kapag nakatulog na. Pero magkatabi kayong natulog buong gabi!
Nakita ko ang pagmulat niya ng mga mata niya. Nailang ako dahil sa nagtama ang paningin namin. Napatingin din siya sa posisyon namin ngayon, dahilan para manlaki ang mga mata niya.
"Ahhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw niya.
Bigla akong mapatayo, gano'n din siya.
"Ano ba?!" inis ko rin na sigaw.
Langya kala mo naman may ginawa akong masama sa kanya. Hindi ko rin ginusto 'to.
"Bakit tayo magkayakap ha?"
Huh! Nakalimutan na niya agad ang ginawa niya kagabi at ako ang sinisisi niya ngayon? Ako pa ata ang nagmukhang masama.
"Hoy! Hindi ko ginustong yakapin ka! Pagkatapos kong pagbigyan 'yang pabor mo sa akin ikaw pa ngayon ang biktima sa atin?!"
Nanlaki pa ang mga mata niya at sandaling napaisip. Bigla siyang napatakip sa bibig niya at naglakad-lakad sa buong kwarto na akala mo naman ay may masamang nangyari.
"Wala akong ginawa sa'yo," dagdag ko pa.
Napahinto siya sa paglalakad at napasapo pa sa sariling ulo.
"Oh gosh! Huhuhu dapat ay iniwanan mo na ako pagkatulog ko!" sigaw pa niya.
Bwisit talaga! Siya na nga lang ang tinulungan, siya pa ang galit.
"Okay sorry! Nakatulog din ako. Okay na? Makapag-react ka ay akala mo luging-lugi ka pa. . . ." pahina nang pahinang sabi ko.
"Hoy! Narinig ko 'yon ah!"
"P'wede ba 'wag ka ngang sumigaw," inis na pagpuna ko.
Overreacting talaga!
Iritado akong lumapit sa kanya at napaatras naman siya sa kinatatayuan. "Hindi na 'to mauulit, at kapag nawalan ulit ng kuryente sa mga susunod na araw, hinding-hindi na kita tutulungan. Harapin mong mag-isa 'yang trauma mo!" singhal ko sa mismong pagmumukha niya.
Napatungo lang siya. "Oh edi sorry, nabigla lang naman ako."
Inilapit ko ang kamay ko sa noo niya at pinitik iyon. "Tch! Magluto ka na, nagugutom na ako," pag-iiba ko ng usapan.
Bahagya pa siyang natigilan at pumikit-pikit pa. Muli niyang inangat ang paningin sa akin at napangiwi. "Ah! s-sige," utal niyang pagsang-ayon.
Pansin ko lang na 'pag dumidikit ako sa kanya ay nauutal siya.
Inis akong umupo sa dulo ng kama niya at inayos ang magulo kong buhok. Habang siya naman ay pumasok sa banyo sa loob ng k'warto niya. Hindi pa muna ako umalis at tulalang nakatitig sa tv na nasa harap lang ng kama niya.
"Hindi na talaga mauulit 'to," bulong ko pa.
Pagkalabas niya sa banyo ay nakapagpalit na siya. Nakatulala pa rin ako sa television at nagsimula na namang mag-isip ng kung ano-ano.
"Hoy, Zayden, lumabas ka na. Maglilinis muna ako ng k'warto," aniya.
Inangat ko ang paningin sa kanya at dali-dali niya namang inalis ang mga mata sa akin.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...