MFIAM CHAPTER 7

1.9K 81 2
                                    

Zayden's point of view

Pagkalabas ko pa lang ng k'warto ay tumambad na sa akin si Quinn na namumugto ang mga mata. Hindi ko na lang siya pinansin at aastang maglalakad palayo sa kanya. Pero nagsalita siya agad dahilan ng pagtigil ko.

"Ahm, Zayden, sorry sa kanina ah. Hind—"

"Oo na! Manahimik ka na lang."

Hindi ako nagdalawang isip na lampasan siya.

Kaylangan kong iparamdam sa kanya na hindi ako interesado. Kaylangan kong maging masama sa paningin niya para tigilan na niya ang pesteng nararamdaman niya sa akin.

Paumanhin, Quinn. Ganito talaga ang gusto kong iparamdam sa 'yo. Lumayo ka lang sa akin magiging masaya na ako.

"Ah teka! Kumain ka na ba? Ipaghahanda na kita!" habol na sabi niya.

Hindi ako tumigil tuloy-tuloy ang paglakad ko na parang walang narinig. Pero talagang makulit ang isang 'to nagawa pa akong sundan.

"Oy! Galit ka pa rin ba sa akin? Hindi ko nga sabi sina—"

"P'wede ba? Kahit ilang minuto lang ay tumahimik ka," inis kong utos.

Natigilan siya at hindi ko na lamang pinansin.

H'wag kang makokonsensya, Zayden, madala ka na.

Pagdating sa kusina ay ipinaghanda ko ang sarili ko. Nag-cereal lang ako at pagkatapos ko iyong kainin ay kinuha ko agad ang susi ng kotse. Kaylangan kong makalayo-layo kahit papaano sa babaeng 'to.

Nakasalubong ko siya sa parking lot. May hawak siyang walis.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at dali-daling pumasok sa kotse ko. Pero inis akong tumingin sa kanya nang humarang siya sa daanan.

Humarang sa gate bwisit!

Inis akong lumabas ng kotse at iritadong tumingin sa kanya.

"Ano bang trip 'yan?" tanong ko.

"Isama mo naman ako, nakakaboring mag-isa rito," nakasimangot niyang tugon.

"Langya naman, Quinn. P'wede ba bigyan mo ako ng oras para sa sarili ko! Hindi ba p'wede 'yon?!" naiinis na sigaw ko.

Napayuko siya.

Ito na naman ang konsensya na nararamdaman ko.

Nang gumilid siya sa gate. Pumasok agad ako sa kotse at pinaharurot 'yon.

Mabilis ang naging byahe ko papunta sa bahay nila Ryle. Si Ryle talaga ang naisipan kong puntahan ngayon. Dahil kung sina Ayzon o Hyro ay baka pang-aasar at puro panunukso lang ang ibungad nila sa akin.

Kapag ganitong naiinis at galit ako ay mas gusto kong kasama si Ryle. Dahil hindi siya palasalita at hindi palatanong. Pagkababa ko ng kotse ay nakita agad ako ng kasambahay nila. Kaya pinapasok agad ako at dumiretso sa loob ng bahay nila Ryle.

"Hi, Tita." Pilit akong ngumiti sa mommy ni Ryle nang bumungad siya sa 'kin.

"Kamusta, iho? Ngayon ka lang ulit napadalaw."

"Ito po g'wapong g'wapo pa rin," biro ko. Biniro rin niya ako. "Nasaan po ba si Ryle?" Pag-iiba ko na ng usapan baka humaba pa ang usapan namin. Madaldal pa naman 'tong mommy ni Ryle. Napakalayo sa ugali ni Ryle na tahimik lang.

"Nasa k'warto niya, samahan na kita," malawak ang ngiting anyaya ni tita.

"Ako na po, Tita, baka maabala pa po kita," suhestiyon ko.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon