MFIAM CHAPTER 12

1.6K 79 2
                                    

Quinn's point of view

Walang akong kagana-ganang gumising. Sino ba naman kasi ang sasaya sa ganitong sitwasyon? Pipilitin ko na lang na pakisamahan silang dalawa ngayon. Tutal ay ako lang naman ang hindrance sa relasyon nila kaya magtitiis ako.

Look Quinn, hindi mo na puwedeng itrato si Zayden katulad ng dati. Dahil nandito ang girlfriend niya.

Ayoko man na masaktan ay hindi ko pa rin maiwasan. Dahil iniisip ko ngayon kung saan natulog 'yong girlfriend niya. Sa laki ng bahay na 'to ay may dalawang kuwarto lang at isang guest room. Kaso 'yong guest room ay hindi pa nalilinis. Alangan naman ay nirush ni Zayden ang paglilinis doon? Sa pagkakaalam ko ay tamad siya.

Nanlumo ako bigla.

Magkatabi sila sigurado 'yon.

Nanlulumo akong lumabas ng kuwarto. Madadaanan ko ang kuwarto ni Zayden. Nasanay talaga akong magising ng maaga para magluto o gumawa ng gawaing bahay.
Kahit mayaman-yaman ako ay marunong naman akong gumawa ng gawaing bahay. Hindi ako spoiled na bata. Hindi rin ako mapagmalaki kung yaman ang pag-uusapan. Ang maipagmamalaki ko lang siguro ay ang kagandahan ko na hindi maibenta. HAHAHA!

Kahit si Zayden nga ay hindi ko nakuha gamit ang ganda ko. Kaya aanhin ko pa 'to? Pamigay ko na lang kaya?

Nadaanan ko ang kuwarto ni Zayden. Nakasarado ang pinto kaya kahit gusto kong sumilip ay hindi ko magawa. Fresh na fresh pa rin sa akin 'yong halikan nila. Halos mapanaginipan ko pa.

Lintik lang talaga huhuhu!

Nagluto ako ng agahan. Kahit masama ang loob ko ay nilutuan ko sila. Sarap nga lagyan ng lason, pero hindi naman ako ganoon kasama para gawin 'yon. Hindi ko rin naman kayang gutumin ang dalawang 'yon. Lalo na't hindi alam magluto ni Zayden. Sa tingin ko kahit 'yong girlfriend niya hindi marunong dahil mukhang sosyalin.

Teka saan ba galing ang babaeng 'yon?
Kung titignan mo siya ay full package na. Dahil napakaganda ng appearance niya.

Bagay nga sila, pareho silang maarte.

Dahil wala ako sa sarili ay hindi ko sinasadyang mahawakan ang kawaling mainit.

"ARAY!" sigaw ko.

Inihipan ko pa ang kanang kamay ko habang hinihimas-himas.

Huhuhu malas ba talaga ako?

"Be careful girl."

Bigla akong napalingon dahil sa nagsalitang 'yon. Tama nga ang hinala ko, 'yong girlfriend ni Zayden.

Nakangiti naman siya sa akin ngayon pero may kakaiba akong nakikita sa ngiti niya.

Mapang-asar na ewan.

Naku h'wag na h'wag mo akong pikunin, lumalaban ako.

"A-ahh ofcourse this is my body," medyo sarkastiko kong sagot.

Ngumiti siya at naupo sa dining chair na nakaharap sa akin. "Natutulog pa si Zayden, kaya iniwan ko muna siya," saad pa niya.

Ah, iniwan mo siya roon? Ang hilig mong mang-iwan 'no?

Pilit na pilit ang naging pagngiti ko sa kanya.

"But I didn't ask you about him."

Ganiyan Quinn. Lavan! Lavan! Labaaaannnn!

"Ow! I just want you to know. Because I think you care a lot about him." Ang nakangiti niyang mukha kanina ay napalitan ng pagtataray.

Tanggalin ko 'yang mata mo eh! Maganda ka lang. Ako matalino na, maganda pa. Kung halikan mas magaling din ako. Pansin ko ngang taliwas kang humalik kahapon!

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon