MFIAM CHAPTER 2

3.5K 115 29
                                    

Zayden's point of view

"Zayden anak, alam ko namang naiintindihan mo kami hindi ba?" tanong ni dad.

Kasama ko silang dalawa ni mom habang nag-aayos ng mga damit ko. Inimpake namin ito dahil sa magsasama na raw kaming dalawa ni Quinn sa iisang bahay para mas magkapalagayan daw ng loob. Kaya kanina pa ako wala sa mood at halos hindi makausap.

"Baby, don't worry nakikita kong mabuting babae si Quinn aalagaan ka niya katulad ng pag-aalaga ko sa 'yo," nakangiting tugon ni mom.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. Seryoso ang naging tingin ko kaya dama ko ang kaba nila. "Alam ninyong may girlfriend ako," seryoso kong saad sa kanila.

May girlfriend ako, pero wala siya sa pilipinas. Nasa South Korea siya dahil doon siya pinag-aaral ngayon. Alam ko sa sarili ko na mali ang ginawa kong paghalik kay Quinn kahapon mas umasa pa ata ang tao. Mahal ko ang girlfriend ko at hindi ko itatanggi iyon. Pero nakuha ko pa rin na magpa-control sa mga magulang ko.

"Ilang ulit ko nang sinabi sa iyong hiwalayan mo na siya," malumanay na sabi ni dad pero ramdam ko ang galit niya.

Nag-aalalang tumingin si mom kay dad at mukhang pinipigilan ito sa bahagyang pagbulyaw sa akin.

"Dad, hilingin mo na ang lahat h'wag lang 'yan. Mahal namin ang isa't isa at wala ka nang magagawa do'n. Sinunod ko na lahat-lahat ng gusto niyo para sa akin. Pero isang pakiusap lang h'wag ito, Dad. Hindi ako makikipaghiwalay kay Adrienn," nagmamatigas kong tugon.

Hindi na sila nagsalita. Kinuha ko ang maleta ko at dinala sa kotse ko. Hindi ko na rin nagawang magpaalam pa dahil sa inis na nararamdaman ko.

Binigay sa akin ni dad ang address ng tirahan namin ni Quinn. Pagkarating ko pa lang sa village na iyon. Napansin ko na ang isang malaking bahay. Hininto ko ang kotse sa harap ng gate ng bahay na iyon. Hindi pa muna ako bumaba.

Inisip ko si Adrienn hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko o ano'ng ipaliliwanag ko kung sakaling nalaman niya ito.

Matamlay akong lumabas ng kotse habang bitbit ang maleta. Napansin kong nakabukas na ang gate. Siguro ay nandito na ang babaeng 'yon.

Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay bumungad sa akin ang napakagandang paligid. Maaliwalas, napakalinis at napakadaming k'warto.

Tsk, dadalawa lang kaming titira pero ganito kalaki ang bahay?

Tumuloy ako sa living room at inilagay sa tabi ng malaking sofa ang maleta ko.

Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

Hindi ko nakita si Quinn sa buong bahay. Kaya lumabas muna ako para ipasok sa parking lot ng bahay ang kotse ko. Pagkapasok ko ng kotse sa parking lot ay hindi pa ako bumaba. Chineck ko muna ang phone ko.

Nagmessage sa akin si Adrienn. Napangiti agad ako, dali-dali ang naging pagbukas ko sa message niya.

-----
~ Babe ~

How's your day? Hope you're fine right now. I miss you babe.

1:37 p.m

-----

Napangiti agad ako nang pagkalaki-laki.

Kung alam mo lang miss na miss na rin kita.

Nag-message lang din ako sa kanya pagkatapos ay bumaba na ng kotse ko. Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay hindi nawala ang ngiti ko. Pero nawala rin agad ang mga ngiting 'yon nang makita ko si Quinn.

"What are you doing?!" sigaw ko.

Nakangiti siyang tumingin sa akin. Ngiting mapang-asar at nakakaloko.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon