THE PROPOSAL
Zayden's point of view
"Zayden dikitan mo pa 'yong pader ng snowflakes! Kulang pa 'yan!" sigaw sa akin ni Adrienn.
Nakangiti akong sumunod sa sinabi niya. Mabilis kong dinikitan ang pader ng mga flakes. Kunting-kunti na lang ay matatapos na namin. Sobrang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng proposal na ito. Hindi ko magawang manatili sa isang lugar. Dahil kanina pa ako hindi mapakali.
Tanghali na at maghahapon na rin. Nakauwi na kaya si Quinn? Sabi niya kanina ay imemessage na lang daw niya ako kapag nakauwi na siya. Pero hanggang ngayon ay wala pa siyang message.
Nagsidatingan na ang mga classmates ko dati at mga pinsan naming magkakaibigan. Nakangiti nila akong binati. Excited na rin sila at hindi na makapaghintay pa.
Madami na kami rito sa venue at bawat minutong lumilipas ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Zayden ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Arizza. Isa sa mga pinsan ko.
Nginitian ko siya. "Oo kinakabahan lang talaga ko."
"Wag kang mag-alala. Sobrang maaappreciate niya ang lahat ng ito."
Iniwan muna niya ako sa kinatatayuan ko. Muli kong pinagmasdan ang buong venue.
Bumilib ako sa ginawa nila sa buong venue.Napakaganda!
Ito ang pangarap ni Quinn. Ang maranasan ang winter. May mga kunwaring snow na nahuhulog mula sa itaas.
Napangiti ako nang makita ang paglapit sa akin ni Ayzon. "Bro! Iyong mga bulaklak ayos na. Ibinigay ko na sa kanila isa-isa," masigla niyang saad.
Tumango ako at saka inakbayan siya. "Sina Adrienn at Ryle ang susundo kay Quinn sa bahay. Idadahilan nina Ryle at Adrienn na gusto nila siyang makabonding dahil uuwi na sila sa Korea bukas," nakangiti kong paliwanag sa kanya.
"Oh? Paano kapag pinagdudahan ni Quinn sina Ryle at Adrienn? Lalo na't magtatanong 'yon kung nasaan ka."
"Nagmessage ako sa kanya kanina na nasa inyo ako." Tumango naman siya. "Ayon na nga. Pagkasundo nina Ryle at Adrienn kay Quinn ay dito sila didiretso. Nandito lang ako sa loob habang kayo ay nakahilera palabas. May hawak na bulaklak. Alam mo naman na kada bulaklak ay may nakasabit doon na papel kung saan nakalagay ang mensahe ko sa kanya," paliwanag ko pa.
"Nge? Andami naming magbibigay sa kanya ng bulaklak!" natatawang tugon niya.
Bigla ko siyang binatukan dahilan nang pagtigil niya sa pagtawa. Kinakabahan na nga ako ay tinatawanan pa ako.
"Lokong 'to! Kahit gaano pa kadami 'yon ay babasahin niya. Mahal niya ako!"
"Sinabi ko bang hindi ka niya mahal?"
"Ayzon! Magseryoso ka! Kinakabahan na nga ako. Sinasabi ko lahat sa 'yo dahil ikaw nga ang organizer ko ngayon. Ikaw ang bahalang mag-ayos ng lahat. Dahil magpapractice ako ng speech dito!" iritadong saad sa kanya.
"Kaylangan talagang may practice pa ang speech? Dapat ay mula sa puso mo na lang. Hayaan mong kusang lumabas sa bibig mo ang gusto mong iparating sa kanya hindi 'yong kaylangang sauluhin pa ang sasabihin!"
Napaisip ako.
Oo nga! Bakit pa kaylangang sauluhin ko ang sasabihin ko? Masyado kasi akong natataranta.
Hindi ako nakapagsalita agad.
"Wala pa man Zayden nakikita ko nang kinakabahan ka. Iyong pawis mo tagaktak na. Ito ang unang beses na gagawin mo ang bagay na ito kaya naman ay paghandaan mo nang mabuti. H'wag mong hayaang kainin ka ng kaba. Baka mamaya ay wala kang masabi. Dapat ay perpekto Zayden! Ito rin ang unang beses niyang mararanasan ang bagay na ito kaya naman ay ayusin mo. Nabubuhol na naman ang utak mo!" nakangiwi niyang pangaral sa akin.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...