Zayden's point of view
Magkaharap kaming dalawa ni Quinn ngayon habang kumakain. Magaling siyang magluto at aaminin ko 'yon. Si Adrienn kasi ay hindi gano'n kagaling sa gawaing bahay 'yon ang pinagkaiba nila. Pero hindi ko dapat sila pagkomparahin dahil magkaibang-magkaiba sila.
Natatawa pa rin ako hanggang ngayon dahil sa tumatak sa isipan ko ang ekspresyon ng mukha niya kanina.
Tahimik kaming kumakain. Naging awkward ang paligid namin. Umubo ako kunwari kaya napatingin siya sa akin.
"Hmmm? Ano?" tanong niya sa akin.
"Hindi ako sanay."
"Saan?" naiilang niyang tanong.
"Na tahimik ka."
"Hah?"
Lutang pa ata!
"Hindi ko na uulitin," masungit kong tugon.
"Sorry naman!"
"Tch!"
"Hindi rin kasi ako sanay," dagdag pa niya.
"Sa pagiging tahimik mo?" walang ganang tanong ko.
Inilayo niya ang paningin sa akin at nagfocus sa kinakain. "Sa ginawa mo kanina," nahihiya niyang sagot. "Bakit mo ginawa 'yon?" dagdag pa niya.
Bakit ko ginawa 'yon? Dapat siya ang tinatanong ko ng gan'yan.
"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko ng gan'yan? Bakit mo nagagawang manyakin ako?" diretso kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy! Excuse me, hindi kita minamanyak!"
Ano'ng tawag niya sa mga pinaggagawa niya sa akin?
"Hindi ba pagiging manyak ang punahin ang mga maseselang parte ng katawan ko?" inis na tanong ko.
Muntik pa siyang mabilaukan. "Kumakain tayo! Ano ka ba!"
"I don't care, just answer my question right now. Bakit mo ginagawa ang mga bagay na 'yon?"
Hindi ko maiwasan ang pagkainis dahil itinatanggi niya iyon.
"Ipaliliwanag ko sa'yo. Hindi ako ang klase ng lalaki na maiintindihan ang pagiging gan'yan mo. Dahil 'yong iba, matutuwa pa. Pero ako?" Turo ko sa sarili. "I'm different, Quinn, hindi ko nagugustuhan 'yang mga ginagawa mo sa akin," madiin kong paliwanag.
Nakatingin lang siya sa pagkain niya na parang ito ang pinakaimportanteng bagay sa mundo.
"Sorry."
"I don't need your sorry, I just want to hear your explanation, Quinn," nagpipigil ng galit kong sabi.
"Hindi ko naman alam na iba pala ang pagkakaintindi mo sa mga ginagawa ko," mahina niyang sagot.
Nagsalubong ang kilay ko sa sagot niya.
Tumingin siya sa akin at halatang kinakabahan siya.
"Gan'yan ka rin ba sa ibang tao? O sa akin lang?"
"Sa 'yo lang."
Bakit sa akin lang?
"Pero bak—"
"Kasi nga gusto kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Napalunok muna siya bago magsalita. "Aaminin kong ang weird naman na ganoon ang paraan ko nang pagpapakita sa isang taong gusto ko siya. Siguro ay abnormal na talaga ako." Napabuntonghininga siya at muling nagsalita. "Hindi ko alam! Ang wirdo-wirdo ko," dagdag pa niya.
Kahit gulat ay nagawa ko pa rin basahin ang sinasabi ng mga mata niya. Nakikita ko ang sinseridad sa kanya at wala akong makitang dahilan para pagtripan lang niya ako.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
Roman d'amourSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...