Zayden's point of view
"AYZON!" malakas na pagtawag ko kay Ayzon.
Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ay umalis na sina Ryle at Hyro. Ngayon naman ay paalis na rin si Ayzon kaya bago pa man siya makaalis nang tuluyan ay tinawag ko na siya. Gustong-gusto ko siyang makausap nang maayos.
Lumapit ako sa kanya at ayon na naman ang seryoso niyang pagmumukha. "Gusto kitang makausap nang maayos."
Kumunot ang noo niya. "Nagkausap na tayo kanina. Hindi ka pa ba kuntento?"
Lokong 'to! Napakataas din ng pride!
"Sorry, hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko noon," mahinahon kong pagkakasabi.
"Limang taon mong hindi naintindihan ang sarili mo?"
Napahawak naman ako sa batok ko. Hindi ko alam kung paano ko paaamuhin ang isang 'to.
"Oo, nagkamali na ako pero sana naman ay h'wag kang magmatigas Ayzon. Ito na nga oh! Humihingi na ng tawad. Ano pa ba ang gusto mo?" iritado kong usal. Imbes na maging malumanay ako ay pilit akong hinihila ng inis.
Inayos niya ang suot at lumapit sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya nang tinapik niya ang balikat ko.
"Saka na lang tayo mag-usap," ani niya.
Tinalikuran niya ako, habang ako ay nanatili lang na nakatingin sa kanya. "Saan ka ba pupunta?"
Pumihit siya nang kaunti paharap sa akin. "Susunduin ang girlfriend ko, kaya h'wag ka nang magpumilit pang kausapin ako," nakangisi niyang tugon.
Nagulat ako sa sinabi niya.
May babae na ang loko!
Wala na akong nagawa pa. Hindi ko na siya pinigilan. Pagkaalis niya ay napahawak ako sa ulo ko. Napakaraming nangyari ngayong gabing 'to.
Hindi ko akalaing ganoon ang naging kalagayan ng mom ni Quinn, hindi ko man lang napansin na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot. Siguro nga ganoon kalakas ang epekto sa kanya ng depresyon. Sana lang ay maging maayos na si Quinn. Bukas na bukas ay dadalawin ko siya. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko mapigilang ngumiti dahil ayos na kami.
Sana lang ay maayos na ang lahat. Marami pang araw na p'wedeng dumaan sa amin ngayong buwan at susulitin ko ang mga araw na 'yon. Parang ayoko na ngang bumalik sa states.
•••
"Saan ka pupunta?"
Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita si dad. Lumingon ako sa kanya. "May dadalawin lang dad," pagsagot ko.
Pinagmasdan pa niya ako sandali.
Tsk, they treated me like a child.
"Si Alyona ba ang dadalawin mo?"
Sasabihin ko bang si Quinn?
"Hindi dad."
Masyadong matanong si dad. Kaylangang-kaylangan ko na talagang pumunta kila Quinn.
Hahaha atat na atat lang?
"Sino'ng pupuntahan mo?" Kumunot ang noo niya
Aish!
"Ki--"
RINGGGGG
Narinig namin ang tunog ng phone niya. Napunta ang atensyon ni dad sa phone niya. "Go ahead son, I have to answer this call," tugon niya.
Nakahinga naman ako nang maayos. Nagtungo na ako sa kotse ko at pinaandar na ito papunta kila Quinn. Wala pa rin akong balak na magkuwento kina mom at dad ng tungkol sa amin ni Quinn. Iniisip ko kasi ang magiging reaksyon nila.
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...