Quinn's point of view
Dahan-dahan akong naglakad paloob ng banyo. Sinadya ko talagang magising ng maaga. Ayoko namang si Zayden ang unang magising at bigla na lang magsisigaw dahil sa itsura niya ngayon.
Pinigilan kong matawa sa kalagayan niya. Ako ang may kagagawan npn, kaya hindi nararapat na pagtawanan ang taong walang kamalay-malay. Pero tatawa muna ako sa isipan.
HAHAHAHAHAHA!
Binagalan ko ang pagkilos, kahit pagsasabon ng mukha ay binagalan ko. Naiisip ko pa lang ang reaksyon niya ay baka kainin na ako ng lupa. Nakakatawa man, may hiya pa rin sa loob-loob ko. Kakaiba pa naman mag-isip ang lalaking 'yan. Napakayabang, at bilib na bilib sa sarili. Siguradong pagtitripan niya ako.
Halos mag kakalahating oras na ako banyo, at wala pa talaga akong balak na lumabas. Hindi ko kakayanin ang presensya ni Zayden. Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Maya-maya lang ay nagulantang ako sa pagkatok na aking narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam ko na kung sino ang kumatok.
Yashhhhhh! Si Zayden 'to panigurado.
Kinakabahan man ay napagpasyahan kong pagbuksan siya. Tutal ay tapos naman na ako sa pag-aayos. Napapikit pa ako habang dahan-dahang binubuksan ang pinto ng banyo. At nang tuluyan kong maibukas ang pinto ay si Zayden agad ang bumulaga sa akin. Nakakunot ang noo niya. Ang gulo-gulo rin ng buhok niya.
Bwisit! Mukhang may hang over pa ata siya.
Napansin kong ayos na ayos na ang pananamit niya.
"Z-zayden?" kinakabahan kong pagtawag sa kanya.
Mas kumunot ang noo niya.
Yah! Oa naman nito! Parang napakalaki ng kasalanan ko! Huhuhu!
"Tapos ka nang gumamit?"
Para akong timang na mas kinabahan pa nang nagsalita siya.
Ang husky-husky ng boses niya! Sarap magpakamatay! Putek!
Gayon pa man nagtaka pa rin ako kung bakit hindi niya ako agad pinuna sa kalagayan niya kanina.
Tumango-tango na lamang ako. Lumabas ako ng banyo at saka siya naman ang gumamit. Nakahinga ako nang maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib ko na pawang pinapakalma ang sarili.
Sana nga hindi na niya punahin ang bagay na 'yon.
Inayos ko ang magulo niyang kama. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ay lumabas na siya sa banyo. Sinulyapan ko siya at mukhang nahimasmasan na siya ngayon.
Itinigil ko ang pag-aayos ng kama nang naramdaman ang paglapit niya sa akin.
"M-may kaylangan ka?" tanong ko. Bumalik na naman ang kabang akala ko ay nawala na.
Shit lang!
"Sino'ng nagpalit sa akin?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niyang 'yon.
Hayah! Sasabihin ko bang ako ang nagpalit sa kanya? Pero obvious naman eh! Alangan namang sabihin kong isa sa mga kaibigan niya ang nagpalit sa kanya?
Pilit kong hinanap ang tamang salita.
Paano ko ba sasabihing ako? Huhuhu.
"Quinn?"
"Ah! K-kasi ano.. Ah-hh kasi 'di ba basang-basa ka kagabi? K-kaya binihisan kita hehehe." Hindi ko na masabi nang maayos ang sinasabi ko. Nakakapanghina naman kasi ang mga titig niya. Nakakatunaw!
"Thanks," tipid niyang sabi.
Nagtaka ako bigla.
Bakit hindi siya magpakaabnoy ngayon?
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomansaSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...