MFIAM CHAPTER 38

1K 43 0
                                    

Zayden's point of view

- 5 YEARS LATER -

Limang taon na ang nakalipas mula noong mangyari ang pinakamalungkot na bahagi sa aking buhay. Halos gabi-gabi kong iniinda ang sakit noon. Halos hindi na nga ako makafocus sa pagtatrabaho ko. Kahit anong pagpapaalala ko sa sarili na maging maayos ay hindi ko magawa.

Gayon pa man ay unti-unti akong naging malakas. Kahit hindi naging madali ang bawat araw na lumipas sa buhay ko na hindi siya kasama ay pinilit kong bumangon. Pinilit kong maging maayos at mas nagpakasipag ako sa trabaho. Halos ilugmok ko na ang sarili sa trabaho para lang kalimutan siya at nangyari nga, nakalimutan ko siya. Hindi na siya ang lagi kong iniisip. Nakakatulog na ako nang maayos, hindi na ako umiiyak ng dahil sa kanya. Nakakangiti na ako at masaya na sa buhay.

Kinalimutan ko siya tulad ng sinabi niya. Alam kong naging masaya siya sa desisyon kong kalimutan na lang siya. Alam ko rin na masaya na siya na kasama ang lalaking pinakasalan niya. Wala na akong sama ng loob sa kanya. At isa lang ang nakasisiguro ako na kung nakalimutan ko na siya ay nakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa kanya.

Napangiti ako sa mga naisip. Sa wakas ay malaya na ako sa nararamdaman kong sakit.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinipat ng tingin ang buong opisina ko. Bago na ngayon ang opisina ko, mas malaki na ito. Ang lahat ng ito ay pinaghirapan ko ng limang taon.

Isa na ako sa high profile lawyer sa buong US. Halos araw-araw ay napakaraming lumalapit sa aking mga tao para ikonsulta ang mga problema nila. Hindi ako nagsasawang paglingkuran ang mga naaapi at kaylan man ay hindi ako magsasawa.

Nakapagpatayo na ako ng dalawang restaurant. Isa rito sa US at isa rin sa Pilipinas. Sa limang taon kong pamamalagi rito ay hindi ko kaylanman naisip na umuwi ng Pilipinas. Dahil sa tingin ko nandito na ang buhay ko.

Napakabusy ng schedule ko noong mga nakaraang araw kaya naman ay napag-isip-isip kong bumisita muna sa restaurant ko rito sa US.

Tumingin ako sa relos ko at sakto namang may kumatok sa pinto.

Iyan na siguro siya.

Binuksan ko ang pinto na nakangiti. Iniluwa non si Alyona na ngayon ay bihis na bihis na.

"Natagalan ba ako Zay?" nakangiti niyang tanong.

"Nope, eksakto lang. Tara na!" pag-aya ko sa kanya. Iginaya ko siya palabas ng opisina ko. Pagkarating namin sa parking lot kung saan naroon ang kotse ko ay agad ko siyang pinagbuksan. Dahan-dahan akong nagmaneho papunta sa restaurant.

"Zay, kaylan mo balak na papuntahin ako sa bago mong bahay? Sabi ng ibang lawyers napakalaki raw ng nabili mo," nakangiti niyang saad.

Nakabili na ako ng malaking bahay ngayon. Hindi lang malaki sobrang laking bahay.

"Hmmm, siguro ay pagkadating nina mom at dad dito p'wede ka nang dumalaw."

Darating sina mom at dad sa susunod na araw. Sinabi kong dito na lamang sila manirahan kasama ko pero tumanggi sila. Hindi raw nila kayang iwan ang negosyo nila sa Pilipinas.

Napasimangot si Alyona sa sinabi ko. "Gusto kong tayong dalawa lang."

Napangiti agad ako.

Wala kaming relasyon ni Alyona at wala naman akong balak na ligawan siya. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Komportable na kami sa isa't isa. Dahil talaga naman nagkakasundo kaming dalawa. Inamin niya noong may gusto siya sa akin. Pero hindi ko pinapansin iyon. Tuwing sinasabi niya sa aking gusto niya ako ay lagi kong iniiba ang usapan.

Mabait, maganda, maalaga at napakasipag ni Alyona, pero hindi ko magawang magustuhan siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Siguro ay natrauma na talaga ako.

"Gustong-gusto mo talaga akong masolo 'no?" nagbibiro kong tanong.

"Naman! Makasama ka lang ayos na sa akin," ngiting-ngiti niyang tugon.

Natawa na lamang ako, kapag ginatungan ko pa kasi ang sinabi niya ay paniguradong mapupunta na naman kami sa usapan na kung saan isusumbat niya ang nararamdaman niya.

Pagkarating namin sa restaurant ay agad kaming pumasok sa loob.

Broken gate

Iyan ang ipinangalan ko sa restaurant ko. Weird daw masyado, pero may mahalagang ibig sabihin sa akin.

Binati kami ng mga workers at saka ay ipinaghanda kami ng makakain.

"Wow! Hindi pa rin ako makapaniwalang lahat ng nakikita ko sa resto na ito ideya mo," namamangha niyang tugon.

"Matalino ako," nakangisi kong tugon.

Napangisi rin siya sa sinabi ko. "Hahaha! Alam kong hanggang sa restaurant na ito siya ang inspirasyon mo."

"Sinong siya?" Pagmamaang-maangan ko pa.

Hinampas niya nang malumanay ang braso ko at seryosong tumingin sa akin. "Si Quinn, 'yong ex mo."

Agad akong umiling-iling. "Ang inspirasyon ko sa lahat ng ito ay ang napagdaanan ko. Iyong nararamdaman ko, at hindi siya. Inspirasyon ko ang sarili ko at wala ng iba."

Mukhang nagsisi siya sa ginawang pang-aasar sa akin. Dahil mukhang nag-alinlangan na siyang magsalita muli.

Ngumiti ako. "P-pero hanggang ngayon ba ay may puwang pa rin siya sa buhay mo?" biglang tanong nito.

"Limang taon na ang nakalipas Alyona. Wala na akong nakikitang dahilan para gawin siyang parte ng buhay ko."

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon