MFIAM CHAPTER 40

1.2K 49 0
                                    

Zayden's point of view

Naging maayos ang pagbalik ko sa Pilipinas. Tumuloy muna ako sa sa bahay namin. Gusto ko mang mamalagi sa bahay namin ni Quinn noon ay hindi na mangyayari iyon. Dahil naibenta na ang bahay na 'yon.

Nagpapahinga ako ngayon dahil napagod ako sa naging byahe namin. Ipipikit ko na sana ang mga mata nang bigla akong natigilan dahil sa biglang may kumatok sa pinto ng k'warto ko. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at binuksan ang pintuan. Iniluwa non si mom na nakangiti.

"Yes mom?" inaantok kong tanong.

"Kaylan ang bisita mo sa restaurant?"

Napaisip naman ako, hindi naman p'wedeng ngayon dahil inaantok ako. Hindi naman p'wedeng bukas dahil magpapahinga ulit ako.

"I don't know mom."

Nagsalubong agad ang kilay ni mom sa naging sagot ko. "Wala ka talagang kaplano-plano sa buhay anak, kaya nagtataka ako kung paano ka naging high profile lawyer sa US." Halatang seryoso si mom pero may parte sa kanyang parang nagbibiro lang.

Napangisi agad ako. "Wala pa sa isip ko ang pagurin ang sarili ko mom. Kaya nga nagbakasyon ako para magpahinga hindi magtrabaho."

"Magpapahinga ka na lang ba rito sa bahay hanggang bukas? Aba'y lumabas-labas ka naman. Hindi mo ba namiss ang Pilipinas?"

Namiss ko naman talaga ang Pilipinas, lalo na ang paligid. Pero may kaunting kaba akong naramdaman pagkauwi ko rito. Kabang talaga namang hindi ko maiwasan.

"Ano namang gusto mong gawin ko bukas mom?"

Agad siyang napangiti sa tanong ko. "Bisitahin mo bukas ang restaurant mo."

Napahawak ako sa batok ko. "Okay mom! H'wag nang makulit inaantok na ako."

Wala na akong magagawa kung hindi sumang-ayon kahit hindi ko naman talaga gagawin 'yon.

"Sige, magpahinga ka nang maayos." Hinalikan muna ako ni mom sa pisngi bago umalis. Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga at hindi na nag-isip ng kung ano-ano.

•••

"Akala ko ay pupunta ka ngayon sa restaurant?!" malakas na tanong ni mom sa akin.

Nakaupo ako sa sofa, at hindi ininda ang naging pagsigaw ni mom. "Wala akong gana mom, bukas na siguro."

Buti na lang ay wala ngayon si dad dahil sermon na naman ang aabutin ko.

"No! Ngayon ka pupunta."

Bakit ba kasi kinukulit ako ni mom ngayon? Marami pa namang oras para roon.

"Mommmmm..." Napanguso ako nang akmang babatuhin niya ako ng hawak na unan.

"Pupunta ka ngayon o hindi?"

"Bakit ba kasi ngayon ang gusto mong araw ng pagpunta ko mom? Napakarami pa namang araw para r'yan."

Nagpamewang si mom at salubong pa ang kilay na nakatigin sa akin. "Kaylangan mo na ngang ayusin ang mga problema roon. Hindi mo ba ako naiintindihan? Tumawag sa akin ang manager ng restaurant mo! Ang sabi ay papuntahin ka na raw ng maaga dahil marami kang reremedyuhan doon," mataray na paliwanag ni mom.

Wala na akong nagawa pa dahil sumunod na lamang ako. Mukhang seryoso na nga si mom sa sinasabi. Hindi na ako nagsayang ng oras pa dahil mabilis akong nag-ayos at tumungo agad sa kotse ko at pinaandar ito.

Pagkarating ko sa mismong parking lot ng restaurant ay namangha agad ako sa nakita. Halos puno ang parking lot ng iba't ibang uri ng sasakyan at napansin kong maraming tao sa loob. Ngayon ko lang napagtanto na mas marami ang nagiging costumer ng resto ko rito sa Pilipinas kaysa sa US.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon