Zayden's point of view
Nilibot naming tatlo ang buong amusement park nang hindi namin nakita si Ayzon. Tumawag siya sa akin kanina, at sobra akong nag-alala sa kalagayan niya. Kaylangan niya kami, iyon ang huli niyang sinabi.
"Maghiwa-hiwalay na lang kaya tayo?" nag-aalalang suhestiyon ni Hyro.
Nagkatinginan kami ni Ryle. "Magsama-sama na tayo," sagot ni Ryle.
Wala ng nagawa pa si Hyro. Sama-sama kaming naglibot. Hanggang nakarating kami sa malawak na garden ng amusement park. Nahagip agad ng mga mata ko ang isang lalaking nakaupo sa kahoy na upuan habang malayo ang tingin. Nakatalikod siya sa amin pero nakilala ko agad kung sino iyon.
"Nakita ko na siya," saad ko.
"Nasaan?" nag-aalalang tanong ni Hyro.
Itinuro ko si Ayzon na ngayon ay nakatalikod sa amin. Mabilis na tumakbo si Hyro palapit kay Ayzon. Habang kami ni Ryle ay mabagal na naglakad palapit sa kanya. Pagkalapit namin ay nakita namin ang kahabag-habag na itsura ni Ayzon.
Ano ang nangyari sa kanya?
Matamlay ang mga mata niya. Walang kabuhay-buhay at kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi namin malaman kung ano'ng gagawin namin. Si Hyro ay tila nagpapanic. Napakarami na ata niyang naitanong kay Ayzon. Pero hindi man lang masagot ni Ayzon. Kami ni Ryle ay nanatiling nakatayo sa harap niya at pinapakiramdaman siya.
"Ano ba'ng problema mo? Bakit hindi ka nagsabi agad?" singhal ni Hyro. Mukhang naiirita na si Ayzon sa kanya. "Bro! Sagutin mo naman ako," atungal pa rin ni Hyro.
"Hindi mo naman ako nililigawan 'di ba?"
Nanlaki ang mata ni Hyro sa ginawang pagbibiro ni Ayzon. Napatayo siya bigla at hindi makapaniwalang tumingin kay Ayzon.
Nagawa pa niyang magbiro. Tch!
"Seryoso kami!" singhal ni Hyro.
"Huwag muna natin siyang kulitin Hyro. Kaylangan niya ng oras," giit ni Ryle.
"Tama si Ryle," pagsang-ayon ko.
Naupo kaming tatlo sa gilid niya. Hindi namin nagawang magsalita, nirespeto namin ang kalagayan niya ngayon. Alam naman naming kaylangan niya ng kapayapaan. Pero ang nakakaloko lang. Bakit dito pa siya nagpunta sa amusement park? Walang kapayapaan dito. Ingay lang ang mayroon.
"Ilabas mo lang lahat ng problema mo bro, hindi ka namin iiwan," ani ni Ryle. Napatingin kami ni Hyro kay Ryle na seryosong nangungusap ngayon. "Minsan talaga ay hindi natin maiiwasan ang mabigo at masaktan. Hindi lahat ay kasiyahan," dagdag niya.
Hindi sumagot si Ayzon, nanatili siyang tahimik.
Tama si Ryle, naranasan ko na rin naman ang bagay na sinasabi niya. Hindi lahat kasiyahan, mabibigo at masasaktan ka talaga. Gan'yan ang mundo at wala na tayong magagawa para baguhin pa iyon.
"Isipin mo na lang na masuwerte ka pa rin. Mas maraming tao ang mas matindi pa ang nararanasang kalungkutan," tugon pa ni Ryle.
Tumatagos ang lahat ng sinasabi niya sa puso ko na para bang ako ang sinasabihan niya.
"Bakit nanatili pa rin kayo sa tabi ko?" tanong ni Ayzon.
"Kaibigan ka namin," biglang sagot ko.
"Importante ako sa inyo?" tanong pa niya.
Ano ba talaga ang problema niya? Bakit siya nagkakaganito? Hindi ako sanay na makita siyang gan'yan. Nakasanayan ko kasing makita siyang tumatawa at laging nakangiti.
"Ano ba'ng pinagtatanong mo bro! Importante ka sa amin," singit ni Hyro.
"Nakagawa ako ng kasalanan kay Yhona."
BINABASA MO ANG
My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang ideal girlfriend daw ng mga lalaki ay mahinhin, maayos ang pananalita at maalaga. Lahat ng katangian ng isang dalagang Pilipina ay hindi nakita ni Zayden Cordova kay Quinn Mendez. Ang tawag nga nito kay Quinn ay 'Dalagang tambay', dahi...