CHAPTER 6: DINNER

856 25 0
                                    

LIAM POV

"Miss you too, bye. "


Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si Dad na parang katatapos lang makipag-usap sa phone.

"Hi, Dad. " bati ko rito.

"Oh, hi sweetheart. "


Bumeso ako sa kanya.

"Sinong kausap niyo? "

"Ah, ang kapatid mo ang tumawag. Nangangamusta. Hinahanap ka nga eh. "

"Huh? Sayang hindi ko siya naabutan. Gusto ko sana siyang makausap. "

"Ganun ba. Wag kang mag-alala. Tatawag naman ulit iyon. "

"Ang hirap naman kasing kontakin nun. "


Inakbayan ako ni Dad.

"Halika at kumain na lang tayo. Masarap ang nilutong ulam ng Tita Jemy mo. Mukhang pagod at gutom ka eh. "

"Sige na nga, medyo nagugutom na nga po ako. "


Sabay kaming nagtungo ni Dad sa kusina. Naabutan naming naghahain si Tita Jemy sa hapag-kainan.

"Oh, nandito ka na pala Liam. Tara na at makakain. Magugustuhan mo ang niluto ko. Pwamis. " nakangiting sabi ni Tita.


( Si Tita Jemy ay kapatid ng aking ama. Maganda si Tita pero hanggang ngayon ay single pa rin ito. Wala nga yatang balak mag-asawa. Lagi niyang sinasabi na hindi pa daw kasi dumarating si Mr. Right, hehehe. Dito na siya pinatira ni Daddy para daw may makasama ako sa bahay maliban kay Silver. )


"Alam mo naman Tita na lahat ng luto mo ay gusto ko. " sabi ko.

"Yan ang gusto ko sa'yo eh. Kaya magkasing-ganda tayo. "

Nagtawanan kami. Napapa-iling na lang si Daddy.


Naupo na ako at sumandok na ng kanin.


DING! DONG!


Awtomatikong napatingin kaming tatlo sa may pinto. Nagkatinginan pa kami.

"May bisita ba kayo? " tanong ni Dad sa aming dalawa ni Tita.

"Wala. " si Tita Jemy.

"Ako na ang magbubukas. " prisinta ko.


Tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako ni Tita.

"Liam, ako na. Pagpatuloy mo na yang pagkain mo. "


Tumayo na ito at dali-daling nagtungo sa front door.

"Kamusta nga pala yung bagong work mo? " tanong sa akin ni Daddy.

"Okay lang naman Dad. In-orient na ako kanina sa mga dapat kong gawin. Sa Monday na ako mag-start. "

"Well, paghusayan mo anak ang trabaho mo. Stepping-stone yan sa pagiging success mo sa buhay. "

"Oo naman Dad. Atsaka, alam niyo namang mana ako sa inyo sa pagiging pursigido. Kaya nga magkamukha tayo eh. " natawa kaming dalawa.


"Kuya, may bisita ka. " sabi ni Tita kay Daddy ng makabalik ito.

"Sino? "


Mula sa likod ni Tita ay lumabas si Ms. Aerah.

"Sir, Good evening po. " bati nito.

"Oh, ikaw pala Aya. "

"Sir, Aerah po. "

"Ah oo nga. So, anong ginagawa mo dito ng ganitong oras. May importante ka bang kailangan? "

"Ah, opo Sir. Nakalimutan ko po kasing ibigay sa inyo itong mga papeles na kakailanganin niyo para bukas. Baka po kasi malate ako ng pasok, may aasikasuhin pa po kasi akong importanteng bagay. "

"Ganun ba, okay salamat. Teka, kumain ka na ba? Saluhan mo kami. "

"Naku, wag na po. Nakakahiya naman. Sa bahay na po ako kakain."

"Ano ka ba? Wag ka nang mahiya. Halika na rito, masarap ang luto ko. Masamang tumanggi sa grasya." iginaya ni Tita si Ms. Aerah sa lamesa at pinaupo na ito sa tabi ko.

"Naku, nakakahiya. Pero salamat po. "

"Wag kang mahiya teh. Masarap ang luto ni Tita. Tikman mo. " sabi ko.


Humigop si Ms. Aerah ng sabaw ng ulam na niluto ni Tita.

"Hmmm. Ang sarap nga. Magaling ka palang magluto. " puri nito.

"Di naman masyado. " mayabang na sabi ni Tita Jemy.

"Malamang mapaparami na naman ang kain ni Silver nito. " sabi pa ni Ms. Aerah.


Natigilan kaming tatlo.

"Nasaan na nga pala ang asong iyon? " si Dad.

"Wala nga siya sa labas kanina ng papasukin ko si Aerah. " si Tita.

"SILVER! BABY! " tawag ko rito.


Walang tahol at paggalaw sa loob ng kabahayan.

"Teka nga at hahanapin ko muna ang asong yun. "

"Wag na Dad. Ako na ang bahala. "


Gumawa ako ng isang kakaibang sipol. Tatlong beses.


Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng ilang mga yabag. Saka lang nagpakita sa amin si Silver.

"Arf! Arf! "

"Baby, halika rito. "


Agad itong nanakbo patungo sa akin. Isinampa nito ang dalawang paa sa hita ko.

"Good boy. "

"Alam niyo nagagandahan talaga ako sa mga mata ni Silver. Purong blue eh. Di tulad ng ibang Siberian Husky na nakikita ko. Sa kanya, kakaiba eh. " sabi ni Ms. Aerah.

"Hindi naman talaga ganito ang mga mata ni Silver. Normal lang na light blue. Simula ng mangyari yung sunog sa hospital eh naging ganito na. Pinatingin na nga namin ito sa Veterinaryo. Akala namin sakit na nakakabulag sa mga aso. Sabi ng Doktor, hindi raw. Normal naman daw ang paningin ni Silver. Ang ipinagtataka nga lang namin ay lalong naging malusog at makulit itong asong 'to. Maayos naman siya hanggang ngayon pero minsan may kakaibang ikinikilos. "

"Kakaibang ikinikilos? At anong sunog? Sa hospital? "

"Yung nangyaring malaking sunog sa hospital. Dun sa..... "

"Ahm, Liam. Mamaya na iyang kwento. Kumain na tayo bago pa lumamig ang mga pagkain. " putol ni Dad sa sinasabi ko.

"Ah opo. "


Pinagpatuloy na namin ang pagkain ng hapunan kasama si Ms. Aerah.







-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon