CHAPTER 5: NEW MANAGER

1K 24 0
                                    

EIJI POV

"Manong, dito na lang po. "


Pagkasabi ko sa drayber nun ay agad na akong bumaba ng jeep at nagmadaling maglakad.


Tumingin ako sa relo ko.

7:15 na.

Lagot! Sobrang late na ako. Lalo ko pang binilisan ang paglalakad.


Ang kamalasan nga lang ay inabutan ako ng red ng traffic lights.

Patay na, lalo nang nalintikan. Kasalanan 'to ng kapatid ko eh. Asar!







( eksena kanina sa bahay..... )

"Kuya! Kuya! " bulabog sa akin ni Eya habang ako'y natutulog.

"Ano? " yamot na sabi ko rito.


Antok na antok pa ako. Itong magaling kong kapatid ay ang agang mambwisit.

"Kuya! Kuya! " kulit nito.

"Ano?! Naririnig kita. Wag mo na akong yugyugin. "

"Kuya, sumuweldo ka na ba? "

"Bukas pa. Bakit na naman?"

"May project kasi kami, eh kailangan ko ng pera. Manghihingi sana ako sa'yo. Okay lang ba kuya, Please?"

"Okay, sige-sige. "

"Yehey! Salamat."

"Teka, nasaan na ba ang cellphone ko? "


Kinapa- kapa ko ang cellphone ko sa sidetable ng aking kama.

"Nasaan ang cellphone ko? "

"Ah, eto kuya. " sabay abot sa akin ni Eya.

"Salamat.... Teka, bakit nasa iyo ito? "

"Ah, nakitext kasi ako. Naubusan kasi ng load ang cellphone ko. "

"Ah, Anong oras na ba? "


Nang binuksan ko ang cp ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakitang oras.

"6:50 na?! Nag-alarm ba ito kanina? " tanong ko sa aking kapatid.

"Oo? Kaso pinatay ko agad. Nagtetext pa kasi ako. "

"Bakit hindi mo ako ginising? "

"Anong oras ba ang pasok mo? "

"Anak ng ......... "


Bumalikwas na ako sa higaan at dali-daling naligo at nag-ayos ng sarili.


Nang makapagbihis ay bumaba na ako at nagpaalam na sa aking ina at bwisit na kapatid na kasalukuyang nasa kusina.

"Oh? Hindi ka ba mag-aalmusal man lang? " tanong ni mama.

"Hindi na po, late na kasi ako. Gawa kasi nitong panget na'to. "

"Huh? Bakit ako? " si Eya.

"Sige ma, alis na ako. "

"Ah anak, bayarin natin sa bahay bukas. "

"Okay po. "

"Kuya, yung hinihingi kong pang-project? "

"Heh! "


Lumabas na ako ng bahay at pumara na agad ng jeep.







( ngayon.........)

Pagtawid ko ay nanakbo na ako papasok ng factory.

"Oh late ka na Eiji. " sita sa akin ng isa kong kasamahan.

"Oo nga eh, papagalitan na ako nito ni Manager. "

"Hahaha, okay lang. Swerte ka ngayon. Pinapatawag kasi ang lahat ng trabahador. Ipapakilala yata yung bagong Manager natin. "

"Ganun ba, buti naman. " nakahinga ako ng maluwag.


Akala ko mabibigyan na ako ng memo.

"Oh sige na, dalian mo nang magbihis at pumunta ka na doon. "

"Oh sige-sige salamat. "


Agad akong nagtungo sa locker room at nagbihis.


Pagpunta ko sa pagtitipon ay nandoon na ang lahat ng mga trabahador.

Pumuwesto na ako sa likod.


Dahil medyo matatangkad yung nasa harapan ko ay hindi ko makita yung nasa unahan.

Kaya nakinig na lang ako dun sa nagsasalita sa unahan.

"Si Ms. Piguing na ang magiging bagong Manager ng branch na ito. Inaasahan niya ang inyong serbisyo at kooperasyon. "

Ms. Piguing?


Kinalbit ko yung nasa harapan ko.

Lumingon naman agad ito.

"Ah bro, anong pangalan ng bagong manager natin? " kinakabahang tanong ko rito.

"Ah, Keyam yata. "

"Tanga, Lea. " sabi nung isang katabi niya.

"Aba malay ko. Keyam ang pagkakarinig ko. "

"Alam ko talaga Lea. "

"Hindi ba, Liam? " sabat ko.


Napa-isip yung dalawa.

"Oo tama, Liam nga. "

"Eh ikaw pala ang tanga eh. Kanina mo pa pinagpipilitan yung Lea. Mali ka rin pala. Tsk. "


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahil doon ay nakipagsiksikan ako para makapunta sa unahan.


Nang mapunta ako sa unahan ay agad akong napangiti.

Si Liam nga?!


Masayang binati ni Liam ang lahat ng taong nandun.



Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay napansin ko ang pagtataka sa mukha nito.

Pero agad din naman niya akong nginitian.

"Magsisimula na si Ms. Piguing bilang bago niyong Manager sa lunes. "

"Sana maging maayos ang ating pagsasama. Hayaan niyo, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya bilang Manager niyo. " sabi ni Liam.

"Kakayanin niyo kaya kami Mam. " sabi ni Julius sabay tawa kasama ng dalawa niya pang kaibigan.


Tiningnan ko si Julius ng masama.

Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong nagbawi ng tingin.

"Julius?! " saway rito ni Manager.


Tumahimik naman ito. Pero paminsan-minsan ay sumusulyap-sulyap ito sa akin.

"Okay, you can go back to your station. Now. "


Nag-alisan na ang mga trabahador ngunit ako ay nakatayo pa rin at tinatanaw ang papalayong si Liam na kasalukuyang kinakausap ni Manager.


Bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng mapalingon sa akin si Liam.


Oh God, inlove na talaga ako sa babaeng iyon.







-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon