CHAPTER 24: DESPERATION

474 9 0
                                    

JEMY POV

( bago ang pag-atake ni Conrad sa Resort House )

Pagdating ko ng palengke ay agad akong namili ng mga kinakailangan namin sa Resort.




Habang naglalakad ay bigla akong may nakabangaang babae.
"Naku, sorry?! "

"Sorry din, .......Teka? Jemy? "




Napatingin ako dun sa mukha nung babae.

"Oh, Aerah? Ikaw pala?! "




Nagbeso kaming dalawa.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko eh nakaluwas ka na? "

"Ah Oo, Lumuwas na ako kaso bumalik ako kasi nag-aalala ako sa inyo. "

"Huh? Bakit naman? "

"Ewan ko ba. Bigla na lang kasi àkong kinabahan. Para bang may masamang mangyayari. "




Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba? Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Okay lang kami. Relax ka lang. Baka stress ka lang sa work. "

"Siguro nga. "

"Ano nga palang ginagawa mo dito sa palengke? "




"Malamang, mamimili. " sabat sa amin nung nagtitinda ng sitaw.




Napalingon kami dun sa matanda na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang paninda.




Aba't atribida ito ah!

"Ah, ano? May bibilhin ka pa ba? Halika samahan na kita?. " sabat naman ni Aerah.




Natunugan yata nito na aawayin ko yung matanders.

"Tara na. " hinila na ni Aerah ang kamay ko pero bago pa man kami umalis ay pinabaunan ko ng matalim na tingin yung matandang atribida.




Namili kami ng mga prutas, tinapay, chichiria, bigas at pang-ulam na aabot ng isang linggo.

Medyo nawili rin kàmi sa pamimili kaya hindi na namin napansin ang oras.

"Hala?! Magse-seven thirty na pala ng gabi?! Naku, pagagalitan na ako nito ni Kuya. "

"Tara na. Mukang uulan pa yata eh. Baka abutan pa tayo. "

"Okay, sige. "




Pagkatapos naming mailagay ang lahat ng aming pinamili sa kotse ni Aerah ay agad na kaming bumalik ng Resort House.




Habang masaya kaming nagkekwentuhan ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na pagsabog.




Agad na napapreno si Aerah.

"Ano yun?! " kabadong tanong ko.

"Ewan ko pero parang malapit lang dito yung sumabog? "




Maya-maya ay nakarinig kami ng ugong ng kotse na patungo sa direksyon namin.

Nilàgpasan kami nung kotse pero bigla akong kinabahan.

"Sandali? Kotse yun ni Chris ah? "

"Huh? Sigurado ka? "

"Hindi ako maaaring magkamali. Kay Chris nga ang kotseng iyon?! "

"Ibig sabihin....?! "




Nagkatinginan kami ni Aerah.

Tapos ay dali-dali nitong ini-start ang kotse at mabilis itong pinaandar patungo sa Resort House.

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon