CHAPTER 19: SILVER SERUM

639 18 4
                                    

EIJI POV

Hindi ko inasahan ang nangyari.




Pagtalon ko ay lumagpas ako dun sa mataas na pader at bumagsak sa aking sariling mga paa na parang pusa.




Ikinagulat ko iyon.

Ang taas ng aking itinalon. Halos siyam na talampakan ang pader na iyon ngunit parang tumalon lang ako sa tatlong baitang na hagdan.




Kasabay ng pagkagulat ko ay ang pagsakit ng aking dibdib.

Napasandal ako sa pader. Ano ba talaga ang nangyayari?




Nang mawala ang sakit ay nagpatuloy na ako sa pagtakbo.




Nang makarating naman ako sa isang kalsada ay bigla na lang may tumigil na itim na kotse sa tapat ko na aking ikinagulat.

( opo, ilang beses na akong nagugulat sa araw na ito )




Bumukas ang bintana nung kotse at sumungaw roon ang isang matandang lalaki na medyo pamilyar ang mukha.

"Sakay na?! Bilis?! " sabi nito.

"..........?! "

"Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sumakay ka na at baka makita pa tayo ng mga pulis?! "

"S-sandali lang?! Hindi ko naman po kayo kilala?! B-bakit naman ako sasakay sa inyo?! "




Bumukas naman ang bintana ng backseat at sumungaw naman dun ang hindi ko inaasahang tao.

"L-Liam?! "

"Ano?! Sasakay ka ba o hindi?! " sabi niya.

"Syempre sasakay, Kanina ko pa nga kayo inaantay eh. Ba't ang tagal niyo? "

"Bilis sakay na! "




Di na ako nag-atubili at sumakay na dun sa kotse, sa back seat ako pumuwesto ( para makatabi ko si Liam, hehehe *evil smile* ).




Pag-upo ko sa loob ay inisa-isa kong tingnan ang mga tao sa kotse.

Yung driver ay isang magandang babae. Katabi ng driver seat's ay ang matandang lalaki na pamilyar talaga sa akin ang mukha. Katabi ko naman sa back seat si Liam at ang isang maganda ring babae na siguro ay matanda pa kay Liam ng 20 taon.

"Pasalamat ka at kami ang unang nakakita sa'yo. Sasabihin ko sana na dito ka sa kalsadang ito dumaan. Kaso bigla mo na lang kasi akong binabaan sa phone. Buti na lang at dito ka nagpunta. " sabi nung matandang lalaki.

"Kayo po ang kausap ko sa phone kanina? "

"Ako nga. Ako si Dr. Leandro Piguing. " pakilala nito.




Nakipagkamay ito sa akin. Saka ko lang naalala. Ito nga pala ang ama ni Liam. Kaya pala nandito ang dalaga.




Teka, siya rin ba yung nagmura sa akin sa phone? Tsk.

"Sandali, pwede ba akong magtanong sa'yo? "

"Po? "

"Pwede bang malaman kung ano ang kumagat sa'yo at saan kang lugar nakagat? "




Nagtaka ako.

"K-Kinagat ako ng aso, yung may breed? Sabertooth Hustle ata yun? Yung kulay puting parang lobo? "

"Tanga, Siberian Husky yun. " sabat nung babaeng katabi ni Liam.

"Oo, yun nga. Yun. " maka-tanga naman. Tsk.

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon