CHAPTER 28: RAGE

488 9 0
                                    

EIJI POV

Pagdating namin sa lugar ay napanganga kaming lahat sa itsura nang paligid.




Halos masunog na ang gusali ng PMTC. May mga nakataob na sasakyan at mga patay sa paligid. Madami ring mga sugatan na sibilyan.

Buti na lang at may mga ambulansya nang dumating doon. Para bang dinaanan ng delubyo ang lugar.




Maya-maya pa ay nakarinig kami ng barilan sa di kalayuan.

"Mukang nandun ang halimaw. " sambit ni Sir Bolante.




Dun na namin sinimulan ang plano.

Bumaba na sina Dr. Leandro at Dr. Benito sa mobile.

"Mag-iingat kayo Liam. "

"Kayo rin Dad. "

"Ako na pong bahala kay Liam, Dad. " wala sa sarili kong sambit.
"Ano ka'mo? "

"Dad-Dadalian niyo na po ang paggawa sa Serum. " palusot ko.




Napatango na lang ito.

"Ahm, Dr. Benito. "




Napalingon naman ang Doktor sa akin.

"Ang astig ng sinabi mo kanina. Ingat ka rin. "




Napangiti ito.

"Talaga? Teka, ano bang sinabi ko kanina? "

"Tara na Sir. "




Hindi ko na pinansin ang Doktor dahil baka magsimula na naman ang kabaliwan nito.




Umandar na ang mobile at nagtungo na kami sa kinaroroonan nung halimaw.








LEANDRO POV

Dali-dali na kaming pumasok ni Dr. Benito sa loob ng PMTC.

"Sir, Ano nga po ulit yung gagawin natin? "

"Kailangan nating lumikha ng Antidote na lalason sa dugo ni Conrad para mamatay ang mga Gold Cells sa katawan nito. "




Napatigil sa paglalakad si Dr. Benito.

"Ang ibig niyo pong sabihin..... Papatayin niyo si Conrad? "




Napabuntong-hininga ako.

"Wala nang ibang paraan. Mas marami pang mapapahamak kapag hindi natin siya napigilan. "




Nagpatuloy na ako sa paglalakad, napasunod naman ito sa akin.

"Pero, Saan niyo gagawin ang Antidote? Wala na ang laboratoryo, sinira na ito ng halimaw? "

"Hindi lang naman iyon ang laboratoryo sa lugar na ito. "







EIJI POV

Nang makarating kami dun sa lugar ng kaguluhan ay halos mahintakutan kami sa nasaksihan.




Isang napakalàking halimaw ang nagwawala sa gitna ng siyudad.

May taas yata itong walong talampakan ( mas mataas pa sa Silverwolf ), may balahibo na parang kulay ginto, may ulo ng leon at may dalawang sungay sa noo.

Ang kuko nito ay mas mahahaba at kulay ginto rin.




Pinapaulanan na ito ng mga pulis ng bala pero parang balewala lang sa halimaw.




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon