CHAPTER 2: THE DOCTOR'S DAUGHTER

2K 35 2
                                    

LIAM POV

Pagkatapos kong magwork-out sa gym ay umuwi na ako ng bahay.





Pagbaba ko ng kotse ko ay napansin ko na wala pa ang kotse ni Dad. Hindi pa pala sila nakakauwi ni Silver.





Nagtungo na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa aking kwarto para magshower.




Pagkatapos kong mag shower ay kinuha ko ang aking laptop at cellphone at pumunta sa kusina.

Nilapag ko ang gadgets ko sa mesa at nagtungo sa pantry para magtimpla ng kape.




Nang makapagtimpla ay naupo na ako at binuksan ang laptop ko.

Humigop muna ako ng kape bago nagsign-in sa aking mga social media accounts.




Habang nagfe-facebook ay nakatanggap ako ng message galing kay Chris.




'Hi beautiful, how's ur day? '



Napangiti ako sa pagpuri niya at agad na nagreply.

'Ok lng, kgagaling lang gym. Mejo pagod. Kaw? '

'Baka lumaki n ang muscles mo nian. ;p sino ksma mo jan sa bhay?'

'Ako lang, umalis c tita. Hindi pa rin umuuwi si Dad. Conference pa. '

'Ah, bukas ha. Sunduin kita. '

'Ok '





Habang nakikipagchat ako kay Chris ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Nang tiningnan ko kung sino yung tumatawag ay nanlaki ang aking mga mata at excited na sinagot iyon.

"Sis! Kamusta na?! Bakit ngayon ka lang tumawag? "

"Pasensya na Sis, medyo busy kasi. "

"Atsaka ang tagal mo nang hindi nag-oonline sa mga accounts mo. "

"Nasira kasi yung laptop ko. Nasa pagawaan pa. Baka sa linggo ko pa makukuha. "

"Ganun ba? "

"Kamusta na kayo? Si Tita Jemy? Si Dad? "

"Ayos lang kami dito. "

"Nasaan sila? "

"Namalengke yata si Tita. Si Dad nasa conference pa, sinama nga si Silver eh. Wala tuloy akong kasama dito sa bahay. "

"Oo nga pala, si Silver? Makulit pa rin ba? "

"Oo naman Sis, maayos lang si Silver. At sobrang kulit pa"

"Hahaha..... Mabuti naman. Ikaw? May boyfriend ka na? "

"Wala ah. "

"Weh, eh hindi mo ba boyfriend yung si Chris? "

"Nanliligaw, pero hindi ko pa sinasagot. "

"Huh? Bakit? Ang tagal na yatang nanliligaw nun sa'yo ah? Anong problema? "

"Ewan ko? Hindi ko alam. Parang may kulang eh? "

"Well, ikwento mo sa akin yan sa susunod at papasok na ako sa trabaho ha?"

"Ganun ba. "

"Tatawag ulit ako mamaya para makausap si Dad. "

"Okay. "

"Miss you Sis, love you. "

"Miss and love you too Sis. Bye. "





Nang matapos ang usapan namin ay nakarinig ako ng busina sa labas.

Napangiti ako at agad lumabas ng bahay.





Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka ako. Akala ko kasi si Dad na yung dumating.

Bumaba si Ms. Aerah sa kotse nito. Ngumiti ito at kumaway sa akin. Napangiti at kumaway na rin ako.





Lalo pa akong napangiti ng binuksan ni Aerah ang backseat ng kotse niya at bumaba mula roon si Silver.

"Silver! "





Nanakbo patungo sa akin ang isang malusog na Siberian Husky.





Isinampa niya ang kanyang mga paa sa hita ko habang dinidilaan niya ako sa mukha. Niyakap ko ito ng buong higpit.

"Baby, namiss kita. "

"Arf! Arf! "




Lumapit sa kinaroroonan namin si Ms. Aerah.

"Nasaan si Dad? " tanong ko sa sekretarya ng aking ama.

"Ahm, may pinuntahan pa kasi silang party ni Conrad. Kaya pinauna niya na si Silver. "

"Ganun ba. Ahm, pasok ka muna sa loob ng makapagmeryenda tayo. "

"Hindi na. May aasikasuhin pa kasi ako. Salamat. "

"Ah okay. "

"Bye, Silver. " sabi ni Ms. Aerah.

"Arf! Arf! "




Sumakay na ito at dahan-dahang pinaandar ang kotse niya palayo.

"Baby, nagugutom ka na ba? Halika na sa loob at ng mapaliguan ka na pati."

"Arf! Arf! "







-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon