CHAPTER 13: STRENGTH

660 14 0
                                    

EIJI POV

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari dun sa bago nating Manager? "

"Huh? Hindi pa? Ano ba yun? "

"In-ambush daw ang pamilya nito kagabi ng mga hindi pa nakikilalang lalaki. Pinaulanan ng bala ang buong kabahayan. Milagrong nakaligtas ang pamilya nito. Kaso tinamaan daw ng bala yung Tatay niya. "

"Talaga? Ang saklap naman? Kaya pala absent si Mam ngayon. Eh ano daw ang motibo sa ginawang iyon? "

"Ewan, siguro sa negosyo o trabaho o baka naman nakabangga ng lider ng mga sindikato. "

"Talaga? Eh, kailan daw papasok si Mam? "

"Hindi pa alam. Maaaring nasa peligro pa ang buhay niya at buhay ng kanyang pamilya kaya hindi pa ito makakapasok. "




Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nung dalawa kong kasamahan.

Wala akong kaalam-alam na may masama na palang nangyari sa pinakamamahal ko.




Nakaramdam tuloy ako ng takot para kay Liam.

Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan, gusto kong alamin kung mabuti ba ang kalagayan niya, gusto ko siyang damayan. Gusto ko siyang protektahan.




Kaso hindi ko alam kung paano? Wala rin akong lakas ng loob para gawin iyon. Sino nga lang ba ako?




Ang isiping iyon ang nagpabilis lalo ng aking kaba.




Teka, parang may mali?




Biglang nanakit ang puso ko. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib.

Anong nangyayari?! Inaatake na ba ako sa puso?

"Tol, okay ka lang ba? " tanong sa akin nung kasama ko.




Hindi ko na siya nasagot dahil dali-dali akong nagtungo ng comfort room.




Nang makarating ako doon ay medyo nawala ang sakit na nararamdaman ko.

Agad akong naghilamos ng mukha.




Nang mapatingin ako sa salamin na kaharap ng gripo ay bigla akong napaatras.

Totoo ba yung nakita ko?! Yung mga mata ko, naging KULAY ASUL?!




Dahan-dahan ko ulit tiningnan sa salamin ang mga mata ko.

Hindi na ito kulay asul. Tsinek ko pang maigi.

"Namamalik-mata lang yata ako. "




Naghilamos na ulit ako. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cr pero.....




B L A G !




May nakabanggaan ako.




Tumumba ito at napaupo sa sahig.




Nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ang taong iyon.

"Sorry?! Sorry?! " sabi ko sabay alis.








JULIUS POV

Langya, anong nangyari?! Ako ang bumangga, Pero bakit ako ang natumba? Ang sakit pati ng balikat ko. Para akong bumangga sa poste.




May mga ilang empleyado ring napadaan doon na napansin kong piit na tumatawa.

"Okay ka lang ba tol? " sabi ni Rex habang inaalalayan akong makatayo.

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon