CHAPTER 1: THE SERUM

3K 50 1
                                    

DR. LEANDRO PIGUING POV

Pinutol ko na ang interview at dali-dali nang lumabas ng conference room na iyon bago pa man ako abutan ng mga makukulit na reporter na walang tigil sa pagkuwestiyon.




Di na nakalapit ang mga reporter dahil hinarang na sila ng mga security na nakapaligid sa akin.




Paglabas ko ng room ay saglit akong tumigil para lumanghap ng konting hangin. Para kasi akong nakalabas sa isang masikip na lugar na walang kahangin-hangin.




Grabe pala yung pressure kapag may ibang taong nakaalam ng pinakaiingatan mong sikreto.




Ang ipinagtataka ko lang ay paano nalaman ng reporter na iyon ang tungkol sa Silver Serum? Tanging ako lang, ang aking anak at ang matalik kong kaibigan ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon.




"Sir, okay lang po ba kayo? "




Nang lumingon ako ay napansin ko agad ang nag-aalalang mukha ng aking sekretarya.

"Ah ikaw pala Ana, "

"Aerah po. "

"Oo nga pala, sorry. "

"Inaantay na po nila kayo sa Reception. "

"Ganun ba, okay sige salamat. "




Bago pa man ako umalis ay may naalala akong ipakiusap sa aking sekretarya.

"Oo nga pala, Ahm, okay lang ba kung ikaw na lang ang mag-uwi kay Silver sa bahay? "

"Okay po Sir, ako na po ang bahala. "

"Salamat Ara. "

"Aerah po. "




Dali-dali na akong umalis at nagtungo na sa Reception Room kung saan may salu-salong nagaganap para sa mga Magagaling at Matatagumpay na Doktor at Scientist dito sa Pilipinas.




Pagpasok ko doon ay agad akong binati ng mga taong nando'n. Nakipagkamayan, kamustahan, kwentuhan.

"Oh, nandito na pala ang aking matalik na kaibigan. " sabi ni Conrad sa mga kakwentuhan niya ng makitang papalapit ako sa kanila.




(Si Conrad Ramos, ang kumpare at matalik ko nang kaibigan noon pa. Mula pa nung high school hanggang sa ngayon ay kami na ang magkasama sa lahat. Magkasangga sa pagkabigo, kasiyahan, hirap, kalokohan at tagumpay. Kapatid na nga ang turing ko rito. Iniwan na ako ng ibang kaibigan namin ngunit siya ay nanatili at patuloy akong sinuportahan. )




Nakipagkamustahan ako sa mga kasama ni Conrad. May ilang photographer na nagpicture sa amin.




Nang matapos kaming kuhaan ay binulungan ko si Conrad.

"Pards, pwede ba kitang makausap sa labas? "




Tumango siya at nagpaalam sa mga kasama nito.







SA LABAS........

"WHAT?! Pa'no nangyari 'yon?! " gulat na sabi ni Conrad.

"Hindi ko rin alam kung paanong may nakaalam ng tungkol sa Serum. "

"Anong sinabi mo? "

"I said yes, it's true. Para kasing nakorner ako ng walang kalaban-laban. Pero hanggang doon lang. Hindi na ako nagbigay ng impormasyon tungkol dito. "

"God?! May traydor yata sa mga kasamahan natin. "

"Hindi ko alam, ayaw ko munang magbintang ng kahit sino hangga't wala akong ebidensya. "
"Eh pano yan pards? May ibang tao nang nakaalam. Anong gagawin natin? "

"Wala pa naman tayong ibinibigay na impormasyon. Kaya pa natin itong itago sa mga tao. "

"Hanggang kailan natin ito maililihim? "

"Hanggang sa perpekto na ang Serum. Pero ngayon hindi pa. Di pa nito kaya. Halos 85% pa lang ang nagagawa natin. Wala pa tayong sapat na kaalaman na gawing perpekto ito. "

"Well, ikaw ang bahala. "




Tinapik-tapik ako ni Conrad sa balikat.

"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako para tulungan at suportahan ka. "

"Salamat pards. "

"Ano ka ba? Wala yun. Basta ikaw. Kumpare tayo, right? "




Napangiti ako sa sinabi niya.










-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon