CHAPTER 27: BEAST

489 10 0
                                    

SHANE BOLANTE POV

"FREEZE! Walang gagalaw sa inyo?! "




Pagkasabi ko nun ay agad pumasok ang mga tauhan ko sa loob ng Laboratoryo.




Medyo nagtaka pa ako sa scenario ng mga taong naroroon.
Nakatayo sa gitna ng silid na iyon si Dr. Conrad habang nasa paanan nito ang kriminal na si Eiji na tila walang malay.

Nasa sahig naman ang mag-amang Piguing.

Tapos isang lalaking may hawak ng baril, tinututukan nito ang isang Doktor.

Isinuko naman nung lalaki yung baril niya sa mga tauhan ko.

"Officer! Buti dumating na kayo. " bungad sa akin ni Dr. Conrad.




Nangunot ang noo ko dahil sa nakakatakot na itsura ng doktor. Kita pa ang mga ugat nito sa leeg.

"Sir, malayo pa ang halloween ah? Bakit ganyan na ang itsura niyo? " natatawang sabi ni Estong.




Tiningnan ito ng masama ng Doktor. Natahimik naman si Estong.

"Pasensya na Sir. ( paumanhin ko sa sinabi ni Estong ) Pero, Ano bang nangyayari dito? "

"May nagsabi sa akin na nandito ngayon ang kriminal na ito ( tukoy nito kay Eiji ) kaya ako na ang humuli sa kanya. Hulihin niyo rin ang mag-amang Piguing dahil sangkot sila sa pagtakas nito. Tinulungan ko na kayo dahil may mga tauhan kàng inutil ( tumingin naman ito kay Estong ) na baka imbes na mahuli natin ang kriminal eh makatakas pa. "

"Sino siya? " tukoy ko naman dun sa lalaking may hawak ng baril kanina.

"Sekretarya ko siya. Tinulungan niya ako para mahuli ang mga yan. "




Maya-maya ay may lumapit sa akin na isa sa mga tauhan ko.

"Sir, may mga natagpuan po kaming bangkay sa loob ng Security Room. "

"Grabe na pala ang ginawa ng hayop na'to. Buti na lang pala at dumating kami agad. Baka marami pa ang napatay nito. " nakangising sabi ni Dr. Conrad.




Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng mali.




Napabuntong-hininga na lang ako.

"Okay, iposas na si Eiji. Isama niyo na rin ang mag-ama sa prisinto. Yung iba mag-imbestiga dito sa Lab at sa Security Room. "

"Yes, Sir! "




Agad nang kumilos ang mga inutusan kong pulis.

"Sir, kailangan niyo din pong sumama sa amin sa presinto para makapagbigay kayo ng statement. " baling ko kay Dr. Conrad.

"Okay lang ba kung sumunod na lang kami ng aking sekretarya. Kailangan pa kasi naming asikasuhin ang mga danyos nitong kumpanya. "




Tumango na lang ako rito.

"Okay, Men?! Let's Move out?! "








CONRAD POV

Pagkalabas ng mga pulis ay pasimpleng pumasok at lumapit sa amin si Dr. Vidanes.

"Buti naman at dumating ka na Dr. Vidanes. May importante akong ipapagawa sa'yo. "

"Po? "

"Nakuha mo ba ang Antidote? " baling ko naman kay Mr. Romero.




( Ang Antidote na tinutukoy ko ay yung gamot na itinurok ni Leandro kay Eiji. )




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon