CHAPTER 26: SILVERWOLF

459 8 0
                                    

LEANDRO POV

Halos mapatulala kami sa nangyayari. Awtomatikong napaatras din kaming tatlo.




Nang mapatingin ako sa ECG( electrocardiogram ) machine ay napanganga ako. Sobrang taas kasi ng heart rate nito.

"Oh god?! " Napalingon ulit ako sa sambit ni Liam.




Dun namin nasaksihan ang pagbabagong anyo ni Eiji.




Una, Naging asul ang kanyang mga mata at nangisay ang katawan. Tapos ay naglàbasan àng mga ugat nito sa katawan na unti-unting naging kulay silver.

Ang mga sumunod na nangyari ay ikinagimbal namin. Unti-unting lumalaki ang physical body nito, kasabay ang pagtubo ng balahibong pilak sa kanyang buong katawan. Humaba ang nguso at nagkaroon ito ng pangil.




H O O O O W W W L L L !




Nang ganap na itong maging Taong Lobo ay umungol ito ng sobrang lakas na halos umalingawngaw sa buong paligid.




Di ako nakaramdam ng takot, bagkus ay pagkamangha ang nangingibabaw sa akin.




Sa ilang taon kong pagsasaliksik ay bumungad sa akin ang isang kakaibang regalo ng siyensya. Sa làhat ng ito ay isang tao lang ang sumagi sa isip ko.




"Liza.......




....... Mahal ko. "








CONRAD POV

H O O O O W W W L L L !




Pagkababa ko pa lang ng kotse ay narinig ko na agad ang malakas na ungol nung halimaw.




Napangisi ako.

"Mukhang nagsisimula na ang kasiyahan. "




Agad na kaming nagtungo sa loob ng gusaling iyon.








LIAM POV

"DAD?! " tawag-pansin ko sa aking ama.




Para kasing natulala na ito, pati si Dr. Benito.

Dahil sa paglaki ng body appearance ni Eiji ay napansin ko na unti-unting natatanggal ang pagkakatali namin sa kanya.

"DAD?! YUNG GAMOT?! "

"Ha? Ah, O-oo. Wait lang? "




Kinuha agad ni Daddy yung syringe na may gamot.




Nang ituturok na ito ni Daddy dun sa braso nung Taong Lobo ( kay Eiji ) ay biglang kumawala ang isang kamay nito at naglabas ng matatalas na kuko na gawa sa silver.




( Opo, Gawa ang mga kuko niya sa purong silver. Hindi ko alam kung pa'no nangyari yun. )




Sinubukan nitong kalmutin si Daddy, buti na lang at naka-ilag ito.




Nang makita naman nito si Dr. Benito ay inambahan niya rin ito ng kalmot.

Agad ko siyang itinulak at napatumba kaming dalawa sa sahig.




R O A R !




Napansin ko na galit na galit ito at pilit na inaabot ang Doktor.

"Parang galit na galit siya sa'yo? Teka nga? Ano bang sinabi mo sa kanya kanina? " nagtatakang tanong ko rito.

"Ha? Ah, w-wala. Wala ah. "

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon