SILVER SERUM PART 2

576 20 0
                                    

CHRIS POV

' The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please, try your call later '



"Bullsh*t! " inis kong sambit.



Ilang araw ko na kasing hindi makontak si Liam.

Nasaan na ba siya? Hindi ko alam kung saan na siya naroroon at kung sino ang mga kasama niya.



Oo, nakipagbreak siya sa akin. Pero hindi pa ako pumapayag at hinding-hindi ako papayag. Boyfriend niya pa rin ako, kaya may karapatan pa rin ako sa kanya.



Akin lang si Liam! Tatapusin ko ang sinumang hahadlang sa amin.



Ganun ko kamahal si Liam. Mula nung una ko siyang makita hanggang ngayon ay sobrang mahal ko na siya.

At hindi ako matatahimik hangga't hindi kami ang magkakatuluyan.



'The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please, try your call later. '



"Bwisit talaga! "



Nayayamot na ibinulsa ko ang phone ko at nagtungo na sa kwarto ni Dad.



Nasa hospital ako ngayon. Tumawag kasi sa akin si Mr. Romero at ibinalita niya na nagising na raw ang Daddy ko.



Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako at nagtaka dahil nakaupo na ang aking ama sa may gilid ng kama at nagbibihis. Nakatayo sa tabi nito si Mr. Romero.

"Oh, t*t*nga ka na lang ba diyan? Hindi mo man lang ba ako yayakapin? " nakangiting sabi nito.



Naguguluhan man ay lumapit ako rito at yumàkap.



Habang nakayakap ako sa kanya ay napadako ang tingin ko sa may side table ng kama.

May napansin akong injection dun na para bang kagagamit lamang.

"Thank goodness at magaling ka na pero paano nangyari ito? Akala ko ilang araw ka pang mamamalagi dito sa hospital? Talaga bang magaling ka na? Wala na bang masakit sa inyo? "



Tumawa lang ito sa mga tanong ko sa kanya at tinapik-tapik ako sa balikat.

"Hindi ka ba natutuwa at magaling na ako? "

"Hindi naman sa ganun pero------- "

"Sabihin na lang natin na isang himala ang paggaling ko. At napakagaan ng pakiramdam ko. Para bang ipinanganak akong muli. Pwede na rin akong lumabas ng hospital. May go-signal na ako ng doktor. Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay pagbayarin ang may gawa nito sa akin. "

"Tungkol nga pala sa bagay na iyan Dad. Nakatakas si Eiji, sabi ng mga pulis ay may tumulong daw sa g*gong iyon para makatakas. Sa ngayon, wala pang lead ang mga bopols na pulis para mahanap ang lunggang pinagtataguan nito. "

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba at mangangailam siya. "



Nagtaka ako sa sinabing iyon ng aking ama.

"Alam ko kung sino ang tumulong sa kanya. At madali lang nating matutunton ang kinaroroonan nila. Sisiguraduhin ko na malalagot sila sa akin. "



Hindi ko alam kung namalik-mata ba ako o talagang napansin ko na sandaling naging dilaw ang mga mata ni Dad.

Nagbigay iyon ng kilabot sa buong katawan ko. Para bang pakiramdam ko ay may nagtatagong halimaw sa loob ng pagkatao ng aking ama.



SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon