CHAPTER 12: LOST

652 18 0
                                    

LEANDRO'S POV

Agad na dumating ang mga pulis at ang ambulansyang tinawagan ni Jemy.

Binigyan ako ng paunang lunas at inilagay sa wheel chair.




Nang isasakay na ako sa ambulansya ay biglang dumating si Conrad.

"Pards, what the hell happened? "




Sumenyas ako sa mga meds na iwan muna kaming dalawa.

"Hindi ko alam Pards, para bang may gustong magpapatay sa amin. Buti nakaligtas kami. Ako, si Liam, si Jemy, at ang anak mo, si CHRIS?! "




Napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni Conrad nang binanggit ko ang pangalan ng anak niya.

"N-nandito s-si Chris?! Nasaan siya?! "

"Wag kang mag-alala, ligtas siya. Kasama siya ngayon nila Liam at Jemy? "




Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"Oh Pards, bakit ganyan ka naman makatingin sa akin? Wag mong sabihing pinagbibintangan mo ako sa nangyaring ito. "




Ngumisi ako.

"Tama nga sila, ang isda ay nahuhuli sa kanyang sariling bibig. "

"Huh? "




Kinuwelyuhan ko si Conrad at binulungan.

"Wag ko lang mapapatunayan na may kinalaman ka dito at talagang mananagot ka sa akin at sa batas. "

"Ano bang pinagsasasabi mo Pards? Alam mo namang hindi ko magagawa ito sa'yo. "




Hahawakan niya sana ako sa balikat ngunit tinabig ko ang kanyang kamay.

"Di ko alam Conrad. Sa ngayon, parang hindi na kita kilala. "




Sumenyas na ako sa mga Meds na isakay na ako sa ambulansya.








SA KALSADA.......

LIAM POV

"BABY?!, SILVER?! "

"SILVER?! "

"SILVER, NASAAN KA?! "




Halos mapaos na kaming tatlo sa kasisigaw para lang marinig kami ni Silver.

Hindi ko na rin iniinda ang sakit sa mga paa dahil sa kalalakad para hanapin ang pinakamamahal kong alaga.

Ilang ulit na ring akong sumipol ngunit walang Silver na lumalapit.




Medyo malayo na rin ang nararating namin ngunit ni-anino nito ay wala.




Habang naglalakad ay hinawakan ako ni Chris sa kamay at pinahinto.

"Liam, masyado na itong malayo. Baka hindi na dito nagpunta si Silver. Bumalik na tayo sa bahay, at nandun na ang mga pulis. Dadalhin pa natin ang Daddy mo sa hospital. "

"Ayoko?! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita si Silver?! " umiiyak na sabi ko.

"Ano ka ba?! Hindi mo ba naiintindihan?! Mas kailangan ka ngayon ng Daddy mo?! "

"Ikaw ang hindi nakakaintindi?! Hindi mo ba nakita na okay lang si Daddy ha?! Siya pa nga ang nagsabing hanapin natin si Silver, di ba?! Mas kailangan ako ngayon ni Silver. Nakita mo naman ang dugo sa sahig. Ibig sabihin malala ang tama niya?! "

"Ipagpabukas na natin ang paghahanap. Humingi tayo ng tulong para madali nating mahanap ang aso niyo. "

"Ayoko nga sabi?!. Ngayon ko hahanapin si Silver. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko siya nakikita. "

"Ano ka ba naman Liam. Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung may iba pang kasamahan yung mga lalaking gustong pumatay sa atin at nadatnan tayo dito sa kalsada? Eh di, bubulagta na lang tayo dito ng walang kalaban-laban? "

"Umuwi ka na Chris kung natatakot ka. Maghahanap pa rin kami ni Tita Jemy. "

"Isasalang niyo ang buhay niyo para lang sa isang aso? Hindi kita maintindihan Liam? "

"Di mo talaga maiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi ikaw ang nag-alaga sa kanya, hindi ikaw ang nakasama niya ng matagal at hindi ikaw ang pamilya niya?! At kung wala kang pakialam kay Silver ay mabuti pang umuwi ka na! " singhal ko sa kanya.




Tinalikuran ko siya at sumubsob sa mga palad ko para umiyak.




Naramdaman ko naman ang paglapit ni Chris.

"Look......., Sorry sa mga nasabi ko. Inaalala ko lang naman ang kaligtasan natin. Okay,sige. Hanapin na natin si Silver. "




Niyakap niya ako at hinagkan sa noo.




"Liam. "




Napalingon kaming dalawa kay Tita Jemy.

May itinuturo siya sa di-kalayuan. Sa may tabi ng isang poste.




Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Agad kaming nanakbo sa kinaroroonan ng aking alaga.




Paglapit namin ay madaliang pinulsuhan at pinakiramdaman ni Chris si Silver.




Nanlumo ako sa malungkot na reaksyon niya.

"C-Chris? "




Hindi siya sumagot. Bagkus ay tumingin lang ito sa akin at umiling. Pahiwatig na wala nang buhay si Silver.

"H-hinde.... H-hinde..... H-hinde !!! Aaaaaahhh. S-SILVER?! BABY KO?!"




Mahigpit kong niyakap ang katawan ng pinakamamahal kong alaga at umiyak nang umiyak.




Nakayuko lang si Chris habang si Tita Jemy naman ay tahimik na ring humahagulgol.









-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon