CHAPTER 22: CURE

491 10 0
                                    

LEANDRO POV

SA LABORATORYO....

"Amazing?! " sambit ko habang nakasilip sa microscope.




Namamangha ako sa development ng Blue Serum na ginagawa ko.




Kumuha ako ng dropper at pinatakan ng Serum ang blood samples na kinuha ko kay Eiji.




Kitang-kita ko kung pa'no sumanib ang Blue Serum sa blood cells.

Kinulong nito ang mga active serum cells (na galing kay Silver) sa isang blue protective coats na parang shield.




Wala namang naging negative reactions ang mga blood platelets.

Nagtagumpay na kaya ako sa pagbuo ng cure para kay Eiji?




Isa lang ang paraan para malaman. Kailangan ko nang subukan ito mismo kay Eiji.




Isinalin ko ang Blue Serum sa isang maliit na botelya at lumabas na ng basement.

Gusto kong ipakita sa kanila ang nalikha kong gamot.




Ngunit paglabas ko ng basement ay nakaramdam ako ng hindi maganda sa buong kabahayan. Para bang may mali?




Bigla tuloy akong kinabahan.

Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa kusina.




Kakaalis lang ni Jemy para mamalengke. Yung sekretarya ko naman ay kahapon pa lumuwas ng Maynila. Malamang si Liam 'to o si Eiji.

"Liam.... Eiji.... Kayo ba yan? " tawag ko habang dahang-dahang papalapit sa kusina.




Nang makalapit ako doon ay laking gulàt ko kung sino ang bumungad sa akin.

Naglagay ito ng ice cube sa baso at sinalinan iyon ng wine.

"Kamusta, Leandro? Oh, para kang nakakita ng multo? Hindi mo man lang ba yayakapin ang bestfriend mo? " sabi nito.

"C-Conrad ?! "




Inamoy-amoy nito yung wine sa baso.

"Hmmm... Ang bango talaga ng mga itinatabi mong wine. Ang sarap inumin nito habang nagre-relax lalo na sa ganitong kagandang Resort. "




Pasimple kong ibinulsa yung hawak kong Serum.

"Ang akala ko eh nasa hospital ka pa at nagpapagaling? "




Sarkastikong tumawa ito.

"Leandro... Leandro... Leandro... Alam mo ba na marami ang namamatay sa maling akala. Hindi mo talaga ako kilala ng lubusan. Lahat ng paraan ay gagawin ko para lang makabangon sa lintik na higaan na yun at makapaghiganti sa mga taong nanakit sa akin. "




Ininom nito yung wine at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Ang tagal ko na kasing hinahanap si Eiji eh. Dito mo lang pala siya tinago. Bakit Leandro? Bakit mo tinutulungan ang taong yun? Ano ba ang koneksyon mo sa kanya? "

"Malaki ang koneksyon na nag-uugnay sa amin. Lalo na kay Liam. "

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay parang trinaydor mo na rin ako. Ako, na matalik mong kaibigan! "




Umismid ako.

"Hindi ako ang nagtraydor sa ating dalawa, ikaw. "




Tumawa ito.

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon