CHAPTER 21: TRAITOR

584 13 0
                                    

MR. ROMERO'S POV

"Sir?! Maawa kayo sa amin?! Hindi po namin talaga alam kung nasaan sina Sir Leandro?! Matagal na po silang hindi pumupunta dito?! "

"Opo Sir?! Maniwala kayo?! Nagsasabi po kami ng totoo?! "




Pagmamakaawa nung dalawang matandang mag-asawa na katiwala ni Leandro sa isang Bahay Bakasyunan nito sa Rizal.




Umiiyak, Takot na takot at nakaluhod ang mga ito sa harap ni Sir Conrad habang nasa likod naman ng matatanda ang mga tauhan ni Sir at tinututukan sila ng baril.

"Talaga? " nakangising sabi ni Conrad.




Lumapit ito dun sa matandang lalaki. Hinawakan niya ito sa leeg at inangat gamit lang ang isang kamay.




Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako kasabay ng pagkamangha sa mga epekto ng Gold Serum na itinurok namin kay Conrad.




Una. Mabilis na napagaling ng Serum ang mga malubhang sugat nito.

Pangalawa. Binigyan nito ng pambihirang lakas si Conrad.

At ang Pangatlo ay lalo nitong pinasama ang amo ko.




Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng maitim na aura rito.

Halos kaunting dosage lang ng Serum ang itinurok namin sa kanya pero ganito na ang epekto. Paano pa kaya kung nilahat namin yung nasa botelya?




Nangingilabot ako kapag naiisip ko ang bagay na iyon.

"Ayoko ng niloloko ako. Alam mo yan di'ba? " sabi ni Conrad dun sa matandang lalaki.




Hindi naman ito makasagot at halos mangitim na ang mukha dahil sa pagkakasakal ng amo ko.
"Sir, maawa po kayo sa asawa ko?! Nagsasabi po kami ng totoo?! " hagulgol nung matandang babae.




Binitawan naman ito ni Conrad. Uubo-ubo ang matanda at halos naghahabol na ng hininga.

Umiiyak na niyakap ito ng asawa niya.

"Mukhang nagsasabi naman kayo ng totoo. (bumuntong-hininga) Wag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo papatayin. Ayokong madumihan ang mga kamay ko. " nagtungo na ito sa pinto ngunit agad din namang tumigil.




"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Hindi ko kayo papatayin. Pero ang mga tauhan ko, sila ang papatay sa inyo. Sana'y kasi silang madumihan ang mga kamay nila. " ngumisi ito saka lumabas ng kabahayan.

Ako naman ay sumunod na rito.




Di na bago sa akin ang mga masasamang gawain ng aking amo. Sa tagal ba naman naming magkasama eh nasanay na ako.

Mula sa mga illegal na transaksyon hanggang sa pagpapaligpit ng mga mga taong may atraso sa kanya o kaya naman ay humahadlang sa mga plano niya. Lahat yun ay alam ko.

Sobrang tiwala ang ibinibigay niya sa akin. At dahil dito eh kahit kailan ay hindi ko siya binibigo.

Nagkakasundo rin kami sa lahat ng bagay. Dahil na rin siguro sa parehas kami ng pananaw sa buhay at ugali.




Si Conrad ay yung tipong gusto mong kakampi pero di mo gugustuhing kalabanin.




Pagkalabas namin ng kabahayan ay may tumawag sa phone nito. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello? Oh, ikaw pala. Ganun ba. Okay, sige. Papunta na diyan. Salamat. Bye. "




Pagkababa niya ng phone ay bumaling naman ito sa akin.

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon