CHAPTER 25: THE LAB

461 11 0
                                    

LIAM POV

Nang sumapit ang umaga ay agad naming nilisan ang waterfalls at naglakad-lakad.



Sa pagkakatanda ko kasi sa lugar na ito ay may kalsada malapit rito. Pwede kaming makahingi ng tulong doon.



Ako ang nauuna sa paglalakad habang nakasunod lang sila sa akin. Akay-akay naman ni Daddy si Eiji dahil nanghihina pa ito.

"Ayun! " turo ko sa sementadong daan ng matanaw ko iyon.



Tinulungan ko na si Daddy sa pag-akay kay Eiji para mabilis kami.



Nang makarating kami doon ay pinaupo namin si Eiji sa tabi ng kalsada at isinandal sa punong na'ron.

"Ako na ang hihingi ng tulong. Dito na muna kayo at magpahinga. " sabi ng aking ama.

"Sige po. "



Agad nag-abang ito ng mga magdadaang sasakyan.



Ako naman ay naupo na sa tabi ni Eiji at sumandal din sa puno.

"Liam. " nakapikit na tawag sa akin ng lalaki.

"Hmm. " tugon ko rito.

"Sorry nga pala. Pati kayo nadadamay sa kamalasan ko. "



Natawa ako sa sinabi nito.

"Kami nga dapat ang mag-sorry sa'yo. Kasi ikaw ang nadamay sa problema namin. "



Ito naman ang napatawa.

"Pwede ba akong humiling sa'yo? " sabi nito.

"Ano yun? "



Lumingon ito sa akin.

"Sana, pag natapos ang lahat ng problema natin. Tulad ng sinabi ko sa Daddy mo, eh makapagsimula tayo ng panibago. At maging mag......magkaibigan tayong dalawa? "



Napangiti ako sa sinabi nito.

"Sa tingin mo ba, sa lahat ng mga nangyari sa atin eh hindi pa tayo magkaibigan niyan? "



Napangiti na rin ito.



Maya-maya ay may naalala akong ibigay rito. Kinuha ko yun sa aking bulsa at ini-abot sa kanya.

"Eto oh. "



Nanlaki ang mga mata nito.

"Yung bracelet? "

"Oo, ibinulsa ko nung dumating si Chris. "

"Naku, Maraming salamat. Akala ko mawawala na ito. "

"Oh, kunin mo na. "

"Sa'yo na muna. "

"Huh? "



Isinuot nito yung bracelet sa wrist ko.

"Bigay mo na lang ulit sa akin kapag naayos na natin ang lahat. "

"O-okay. "



Pinagmasdan ko yung bracelet.

"Talagang importante sa'yo 'tong bracelet na'to ano? "

"Syempre, bigay mo yan eh. "



Napatingin ako sa kanya.

"Hindi nga ako ang nagbigay nit----- "



Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang may humintong kotse sa tapat namin.



SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon