CHAPTER 11: BITE

718 18 1
                                    

EIJI POV

"Pasensya na iho, gagarahe na kasi ako. Eto na yung pamasahe mo. Sumakay ka na lang ulit sa iba. Pasensya na talaga. "



Pagkasabi nun ay pinaandar na nung driver yung jeep at iniwan ako sa isang may kadilimang lugar.

"Damn. " ang tanging nasabi ko sa mga kamalasang nangyari sa akin ngayong araw na ito.



Nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang katao-tao.

Teka, nasa'n na ba ako? Parang ang layo pa nito sa lugar namin ah?



Naglakad-lakad ako habang naghihintay ng jeep na dadaan.

May mga jeep nga kaso punuan naman ang sakay. Ang dami ding mga nakasabit.



Napabuntong-hininga ako. Ang hirap na palang makasakay ng ganitong oras.

Medyo gabi na rin kasi ng lumabas ako ng factory. Yun kasi ang parusa ko dahil pumasok ako ng late kaninang umaga.



Habang naglalakad ay naka-apak ako ng isang malambot na bagay. Kasabay ang pag-alingasaw ng masangsang na amoy nito.

"Ang malas talaga. " naiiyak na sabi ko habang pinapahid sa kalsada yung jackpot na naapakan ko.



Ang pangarap kong jackpot.







CHRIS POV

Natulala kami sa nangyari.



"Silver?! " sigaw ni Tito Leandro habang nilalapitan ang nakahandusay na aso.

"Hmmmm. " malambing na sabi ni Silver.

"Ano ka ba namang aso ka?! Bakit mo pa ako niligtas?! " naiiyak na sabi ni Tito.



"Hahaha, tinamaan ko yung aso?! tinamaan ko siya. Hahahaha. Yan ang bagay sa'yo. Hahaha! " parang baliw na sabi nung goons.



Itinutok ulit nito ang kanyang baril.

"Ikaw naman TANDA ang susunod! "



Dahil doon ay humarang ako at prinotektahan si Tito Leandro.

"Di ba sabi na sa'yong umalis ka na dito?! Malalagot kami kapag nadamay ka kaya umalis ka na! Iwanan mo na lang ang matandang iyan?! "

"Kayo ang umalis dito. Hinding-hindi ko sila iiwan kahit anong sabihin mo. "

"Wala na akong magagawa, isasama na kita sa kanila. Sasabihin ko na lang na napatay ka ng isa sa mga tauhan ko. Hahaha! "

"Sinong nag-utos ng kag*guhang ito?! Sabihin mo !! "



Tumawa ito.

"Sino pa, eh di ang a--------- "



B A N G !



Bumagsak yung lalaki. Tinamaan ito sa ulo at agad na nasawi.



Paglingon ko ay nakita ko si Liam na may hawak na baril. Kasama nito si Ate Jemy.



Nanginginig na binitawan nito yung baril.

Dali-dali ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko pa rin ang panginginig niya.

"W-wala na ba s-sila?! "

"Wala na sila. "

"S-si D-daddy? "

"Halika, nandun siya. "



Nilapitan namin si Tito.

"Dad, may tama ka?! Dadalhin ka namin sa hospital?! "

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon