CHAPTER 3: THAT GUY

1.6K 31 0
                                    

EIJI POV

Dahil sa sobrang traffic ay napilitan na akong bumaba sa jeep na sinasakyan ko. Tutal malapit naman sa binabaan ko ang lugar ng aking pinagtatrabahuhan.





Nang mag red ang traffic lights ay nakisabay ako sa mga taong nagmamadaling tumawid.





Habang tumatawid ay may nahagip ang aking mga mata.




Dahan-dahan akong napatigil at natulala.

Isang babaeng nakadungaw sa bintana ng kotse at parang malalim ang iniisip ang aking natanaw.


"Li-Liam?? " sambit ko sa sarili.


Nabigla pa ako ng lumingon yung babae sa akin.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ng bumaba ito upang lapitan ako.


P A K !


"Aw?! " nagulat ako dahil may bumatok sa akin mula sa aking likuran.


Paglingon ko ay isang lalaking nakapameywang ang nakatayo sa tabi ko.


May sinabi ito na hindi ko gaanong narinig.

"Ha? " sabi ko.

"Lutang ka ba ha?! Pwede bang umalis ka dyan sa daraanan namin. Hindi kami makaabante. Alam mo bang kanina pa nag-green light. "


Saka lang ako natauhan at napansin na ako na lang pala ang nasa gitna ng kalsada.


Bahagya akong napahiya.

"Sabi nang alis diyan eh. " tinulak ako nung lalaki sa balikat.

"Chris, tama na yan. Wag mo na siyang saktan. " sabi nung babae.


Bumaling naman sa akin yung babae.

"Ahm, pasensya ka na ha. "

"A-Ako po ang dapat humingi sa inyo ng pasensya. " sabi ko.

"Aba, dapat lang. Ang laki ng oras na sinayang mo sa amin. " sabat naman nung lalaki.

"Tama na Chris, tara na. " tipid na ngumiti sa akin yung babae bago sumakay na ulit ng kotse.

"Umalis ka na diyan kung ayaw mong sagasaan na kita. " sumakay na rin ito sa kotse.


Awtomatikong napatabi ako ng pinaandar na nila ang kotse. Naiwan akong nakatanga sa gilid ng kalsada.


Ngunit napapangiti ako kapag naaalala ko ang pag-ngiti sa akin nung babae.

"Hay, Liam. Sana magkita tayo ulit. " sabi ko sa sarili.







SA ISANG FACTORY NG BRANDED NA SOFTDRINKS..........

Habang nagpapalit ako ng damit na pang-uniporme ay biglang may bumangga sa likod ko. Napasubsob ako sa may locker room.


Nang nilingon ko kung sino yun ay nakita ko yung tatlong magkakaibigan na bumubungisngis. Si Julius na tumatayong leader, si Norman at si Rex.


Ang tatlong magkakaibigan na walang ginawa kundi pagtripan ang ibang trabahador na di sila kayang labanan.


Walang nagsusumbong sa mga pinaggagagawa ng mga ito. Dahil pag sinumbong mo sila ay siguradong aabangan ka nila sa labas para bugbugin.


Kaya yung ibang trabahador ay hindi na pumapasok o kaya ay agad na nag-reresign.


Pagkatapos nilang magbihis ay lumabas na ang mga ito. Ngunit bago lumabas ay binangga na naman nila ako.


Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman kasi ako palaaway na tao. Mas gusto kong manahimik. Ayaw ko ng gulo.


Kaya kahit anong katarantaduhan ang ginagawa nila sa akin ay hindi na lang ako pumapalag.


Nang makapagbihis na ako ay pumunta na ako sa aking station.


Nakatoka ako sa Delivery Station kung saan kami ang nagbibilang o nag-iinventory ng mga softdrinks na idi-deliver sa iba't-ibang lugar.


Minsan sumasama ako sa pagdedeliver para magkargador.


Habang nagbubuhat ng mga softdrinks na idi-deliver ay ipinatawag kami ng aming Branch Manager.


Lahat kami ay nag-ipon-ipon sa gitna habang nasa harapan namin si Manager.

"Pasensya na kung naistorbo ko kayo sa inyong mga trabaho. May importante kasi akong sasabihin sa inyo. " sabi nito.


Bumuntong hininga muna ito bago ulit nagsalita.

"Nare-assign ako ng Branch sa Laguna kaya hindi na ako ang magiging Manager niyo rito. "


Nagkaroon ng ilang bulungan mula sa aking mga kasamahan.

"Yung magiging bagong Manager niyo dito ay isasama ko bukas para makilala niyo. "

"Kasing bait niyo ba Sir? "

"Ahm, siguro naman. "

"Kasing pogi niyo ba? " tawanan ang lahat.

"Hahaha, hindi siya pogi pero maganda. "

"Babae Sir? "

"Oo, very educated woman. "

"Seksi ba Sir? " sabi ni Julius.


Nagtawanan din ang dalawang kasama nito.

Napatingin ako kay Julius ngunit agad ding inalis ang tingin ng sumulyap siya sa akin.

"Hindi ko kailangang sagutin ang mga ganyang bagay. At ikaw Julius, umayos ka ng asta sa bagong Manager niyo. "

"Yes, Sir. " ngumiti ito ng nakakaloko.

"Oh sige na, pwede na kayong bumalik sa mga trabaho niyo. "

"OK SIR. "









-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon