THE LAST ROAR PART 2

572 8 0
                                    

OTHER POV

"MAKAKAPAGTAGO KAYO PERO DI NIYO AKO MATATAKASAN!! " galit na galit na hiyaw ng halimaw na si Conrad.




Halos sinira nito ang lahat ng bagay na nakaharang sa daraanan niya.

"R O O O A A A R R ! " sigaw pa nito.




Hanggang sa dumating ang Lobo.
"R O O O A A A R R ! "

"NANDIYAN KA LANG PALA?! "




Sumugod ang Lobo at nagkasubukan na naman sila ng lakas.




Ngunit sadya talagang malakas ang Leon. Pinatalsik ulit nito ang lobo.




"Conrad?! "








LEANDRO POV

Napalingon naman sa akin ang halimaw na si Conrad ng tawagin ko ang pangalan niya.

"LEANDRO. "




Ngumisi ito at agad na tumalon at lumapag sa harapan ko. Napaatras naman ako.

"TINANGGAP MO NA BA ANG KAMATAYAN MO SA MGA KAMAY KO KAYA KA NANDITO? "

"Conrad? Ano bang ginawa mo sa iyong sarili? "




Ngumisi ito.

"ANONG GINAWA KO?! GINAWA KONG DIYOS ANG SARILI KO?! HA HA HA HÀ ! AKO NA ANG PINAKAMALAKAS NA NILALANG NA NABUBUHAY DITO SA MUNDONG IBABAW! MAS MALAKAS PA SA LOBONG NILIKHA MO. ISA AKONG HARING LEON?! AT PAGHAHARIAN KO ANG BUONG MUNDO?! HA HA HA HA HA ! "




Bigla niya akong hinablot.

"NAGPAPASALAMAT AKO SA'YO DAHIL KUNG HINDI SA'YO AY HINDI KO MAKAKAMTAN ANG GANITONG URI NG KAPANGYARIHAN. "

"Anong ibig mong sabihin? "

"HA HA HA HA! WAG KANG INUTIL, LEANDRO! ALAM KONG ALAM MO ANG TINUTUKOY KO?! KUNG DI KA SANA NAGING DESPERADO PARA PAGALINGIN ANG ASAWA MO?! DI MO SANA NAIMBENTO ANG SERUM?! WALA KA SANANG PROBLEMA NGAYON?! HA HA HA HA?! "

"Ginawà ko yun dahil sa pagmamahal ko, sa asawa ko at sa mga anak ko. Di ko pinagsisisihan na nilikha ko ang Serum. Ang pinagsisisihan ko ay ang pinagkatiwalaan kita at itinuring na kaibigan. " sabi ko habang nasasaktan sa mahigpit na hawak niya sa katawan ko.

"PAGMAMAHAL?! HA HA HA HÀ! ALAM MO BA NA ÀKO ANG UNANG NAGMAHAL SA ASAWA MO?! KASO MAS PINILI KA NIYA?! SAYANG AT SA ISANG TULAD MO LANG SIYA NAPUNTA. BUTI NA LANG AT NAMATAY SIYA. HABANG BUHAY SANA KITANG KAIINGITAN. HA HA HA HA HA ! "

"Hayop ka talaga?!....... Argh?! "




Hinigpitan niya ang hawak sa akin kaya ako nasaktan.

"ANONG MAGAGAWA NG ISANG KUTONG LUPANG KAGAYA MO?! HA?! KAYANG-KAYA KITANG TIRISIN, LEANDRO?! HA HA HA HA ! "




Pero natigil ang pagtawa niya at nagtaka ng tumawa rin ako.

"ANONG NAKAKATAWA?! "

"Nakakaawa ka Conrad. "

"ANO?! "

"Naintindihan ko na. Tama ka, dapat lang na magpasalamat ka sa akin. Dahil kung hindi dahil sa akin ay wala kang mararating. Ang buong buhay mo ay puno ng kapalpakan. Siguro nga, malakas ka. Mala-diyos ang taglay mong kapangyarihan. Pero kahit kailan, di ka nagtagumpay. At kahit ngayon, di ka pa rin magtatagumpay. "




Ngumisi ito.

"PA'NO MO MAKIKITA ANG TAGUMPAY KO, KUNG ISA KA NANG MALAMIG NA BANGKAY?! "




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon