RAGE PART 2

492 8 1
                                    

LIAM POV

Pagkaalis ni Eiji ay may dumating na mga reporter sa kinaroroonan namin.

"Please, umalis na kayo. Delikado sa lugar na ito. " pakiusap ng isang pulis sa mga ito.

"No, Sir. Trabaho po naming mga taga Medià na ibalita sa buong mundo ang mga kaganapan dito ngayon. "

"Alam po namin ang bagay na 'yan. Pero, iba po ang sitwasyon namin ngayon. Hindi po ito simpleng holdapan o patayan lang. Maaari niyo pa itong ikapahamak. "

"Pasensya na po, kung ginagawa niyo po ang trabaho niyo. Ginagawa lang din po namin ang aming trabaho. "

"Wag na po sanang matigas ang ulo niy-------- "




Napalingon kaming lahat sa kinaroroonan ni Eiji.




Nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko na inaatake nung halimaw ang lalaki.

"Ayun! Kunan mo yun! " utos nung Reporter dun sa Cameraman.




Sa una ay nakakailag pa si Eiji. Hanggang sa mahuli siya nito at walang awang inihagis sa mga sirang gusali.




H O O O O O W W W L L L !!




Umungol yung halimaw na halos nagpayanig sa buong lugar.




"EIIIJJJIII ?! "




Medyo napalakas yata ang sigaw ko dahil napalingon ang halimaw sa direksyon namin.




Hanggang sa unti-unti itong lumakad patungo sà amin, lakad na naging takbo.

Para itong isang leon na aatake sa kanyang biktima.

"FIRE !?! " utos ni Sir Bolante sa kanyang mga tauhan para barilin ang halimaw.




Dun na ulit nagsimula ang madugong patayan.




Agad naman akong napatago sa likod ng police mobile.

Napapikit at napatakip na lang ako ng tenga sa bawat putok at sigaw na aking naririnig.




Sa lahat ng ito ay may isang tao akong naalala.

Si Eiji.




Napatingin ako dun sa lugar ng pinagbagsakan niya.

Kung magbabagong anyo siya ay dapat kanina pa. Pero wala man lang signs, ni anino nang lalaking iyon.




Ang ibig sabihin ba nito ay wala na talaga ang Silverwolf? Wala na rin si Eiji?

"E-Eiji? Hindi? " naluluhang sabi ko.




Maya-maya pa ay bigla na lang umangat yung mobile na pinagtataguan ko.

Binuhat pala iyon nung halimaw at inihagis sa malayo.




Napaatras ako habang nakaupo.

Nagulat at nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla na lang itong magsalita.

"NANDITO KA LANG PALA, LIAM. "

"Na-Nakakapagsalita k-ka?! "




Napangisi ito.

"YAN NA LANG BA LAGI ANG BUNGAD NG TAO SA AKIN. BAKIT DI KAYO NAGULAT NUNG UNA NIYONG NARINIG MAGSALITA SI GARFIELD? "

"Hayop ka?! Pinatay mo si Eiji?! "
"HA HA HA HA HA ! WAG KANG MAG-ALALA. ISUSUNOD NA KITA AT ANG AMA MO PARA MAGKASAMA-SAMA NA KAYO SA LANGIT! HA HA HA HA HA ! "




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon