CHAPTER 9: TOO LATE

688 19 0
                                    

EIJI POV

Tumingin ulit ako sa aking relo.

"Paktay! 7:10 na! Lagot! Late na naman ako. "



Kaya lakad-takbong pumasok na ako sa loob ng factory.



"Ehem. "



Habang nagta-time in ay napalingon ako ng biglang may tumikhim sa likod ko.

Bigla ring tumigil ang mundo ko ng malaman kung sino yun.

"Liam. " mahina kong sambit.

"What? "



Saka ako natauhan.

"Ah ano po. Ahm, Magandang umaga po Mam. "

"You're late. "

"Sorry po Mam. " nahihiya kong sabi.

"Ang ayaw ko sa lahat ay mga late employees. Gusto ko sanang maging fair sa iba lalo na dun sa mga maaagang pumapasok. I'm sorry, pero kailangang may pataw na parusa ang kung sino mang late sa inyo. Yan ang unang patakaran na gusto kong bigyan niyo ng pansin. "

"Ano pong parusa Li------ Mam? "

"Ang 1st, 2nd, 3rd times na nalate ka ay one hour overtime na walang bayad. Ang ika-apat na beses ay one week suspension and the 5th is termination, understand? "

"Opo, Mam. "

"Ika-una mo pa lang naman, so mag-oovertime ka mamaya ng isang oras. Mr. ? "

"Ah, Eiji po. EIJI. " pinagdiinan ko yung pangalan ko, baka sakaling maalala niya ako.

"You're surname? "

"Ranilla po. Eiji Ranilla. EIJI RANILLA. "

"Ranilla? Medyo pamilyar ang surname mo? But, anyway. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Ranilla? "

"Yes, Mam. " nakangiti ko pang sagot rito.



Nangunot ang noo ni Liam.

"Masaya ka pa na pinarusahan kita? "

"Hindi po, masiyahin lang po talaga ako. "

"T-That's good. Gusto ko ng mga ganyang attitude. Pero wag ka nang male-late sa susunod okay? "

"Hindi na po Mam. Promise. "



Umalis na si Liam at nagtungo na sa kanyang office.



Naiwan na naman akong nakatulala at nakangiti.

Saka ko lang naalala na magta-trabaho pa pala ako.



Pagpihit ko ay napansin ko na nakamasid sa akin sina Julius.

Umiwas na ako ng tingin at nagtungo na sa locker room.







SA DELIVERY STATION......

Habang nagbubuhat ako ng case ay biglang dumating si Liam kasama ang ilang boss ng kumpanya.

Naglilibot-libot sila para mag-inspeksyon sa mga makina, sanitary at inventory ng mga products.

Napangiti na naman ako. Ewan ko ba, awtomatiko akong napapangiti kapag nakikita ko si Liam.




"HONEY! "




Napalingon kaming lahat ng biglang may dumating na lalaki.

"Chris? " narinig kong sabi ni Liam.




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon