NEWS PART 2

637 15 1
                                    

EIJI POV

Hanggang dito na lang ba ako? Ang saklap naman ng kapalarang ito. Bata pa ako pero gusto na akong kunin ni Lord.




Ang sakit ng lalamunan ko. Uhaw na uhaw na ako. Hindi na rin ako makagalaw. Paralisado na yata ang aking buong katawan. Hirap na hirap na ako.




Gusto ko nang sumuko pero ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.




Hindi ko pa nabibigyan ng magandang buhay si Nanay.

Hindi ko pa nakikita na nakapagtapos sa pag-aaral si Eya.

At ang masaklap ay wala pa rin akong girlfriend.




Hindi ko pa nayayakap at nahahalikan ang pinakamamahal kong babae.

Hindi pa nga ako nakakapagtapat ng nararamdaman ko sa kanya.




Pero hanggang dito na lang yata talaga  ako.

Nay paalam.

Eya paalam.




Liam. Paala-----




Liam.




Liam.




Unti-unting pumikit ang mga mata ko. Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.






Wala na akong naalala.




Guhit na lang sa isang aparato ang nakita ng mga Doktor.




' D A P A ! '




R A T A T A T A T A T A T !




Nagkaroon ng barilan, tapos ay biglang nagkagulo at nagkapatayan.

May mga taong nanakbo, nagtago at lumaban.




Nakita ko si Liam.




Umiiyak, nalulungkot at natatakot.

May gustong pumatay sa kanya.




Hindi pwede!

Ipagtatanggol ko siya, ililigtas at ilalayo ko sa panganib.




Lalapitan ko sana ito pero bigla na lang may humarang sa akin.




Isang malaki at nakakakilabot na halimaw. Galit na galit ito.




H O O O O W W L L ! ! !




Umungol ito ng malakas.




Tapos ay bigla niya akong sinakmal!

"WOAH !?! "




Napabalikwas ako sa kama. Halos habulin ko na ang aking hininga. Para akong nanakbo sa sobrang hingal.




Diyos ko po. Ang sama ng panaginip ko. Bigla tuloy akong nauhaw.




Nagpalinga-linga ako upang maghanap ng tubig.



Saka ko lang napansin ang aking ina at kapatid na nakatayo sa tabi ng kama ko.

Nakatingin lang ang mga ito sa akin at parang takot na takot.

"Oh? Anung nangyari sa inyo? Para kayong nakakita ng multo? "




Tahimik pa rin yung dalawa.

"Uy, ano ba naman kayo? Eh kung kinukuha niyo ako ng tubig. Matutuwa pa ako sa inyo. "




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon