CHAPTER 18: WANTED

650 14 4
                                    

LEANDRO POV

/ Reporter: Kagabi ay nagkaroon po ng pagsabog dito sa hospital kung saan ang itinuturong dahilan ay isang halimaw. Ayon sa mga nakasaksi nito, ang halimaw ay hugis tao ngunit may ulo ng isang aso. May taas na pitong talampakan at kulay Silver umano ang umatakeng nilalang. Tinawag ito ng mga tao na Taong Lobo. Ito rin ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng apat na kalalakihan. Sugatan naman ang isang scientist na kinilalang si Dr. Conrad Ramos. Nagtamo ito ng mga kalmot at bali sa ilang parte ng katawan. Nawawala rin po ang pasyenteng si Eiji na hinihinalang tinangay ng Taong Lobo. Kumikilos na po ang ating mga kapulisan upang tugisin ang mapanganib na halimaw. Medyo mahirap man pong paniwalaan ngunit kahit kami man po ay nasaksihan ang nakakatakot na pag-atake nito. Nakuhaan po ng ating cameraman ang aktuwal na pagtakas ng nasabing Taong Lobo. Heto po at panoorin niyo. /




Ipinakita sa tv ang video footage na pagtakas nung halimaw.

"Yan Dad! Yan ang nakita ko sa kwarto ni Eiji. " turo ng aking anak dun sa nilalang na ipinakita sa video.




Napasubsob ako sa mga palad ko.

"Oh god, what have i done? "

"Dad? "

"Kailangan nating mahanap si Eiji? "

"Huh? Hindi niyo ba narinig na tinangay nung halimaw si Eiji? Malamang patay na siya o ginawa na siyang hapunan nun. "

"Hindi mo naiintindihan anak. "

"Ang alin? "




May ipinakita ako sa kanyang papeles at maliit na botelya na parang may laman na dugo. Tiningnan iyon ni Liam.

"Ano 'to? "

"Results yan ng blood sample na nakuha kay Eiji. Nakiusap ako sa mga Doktor ng hospital na ako na lang ang susuri dito. "

"And? "

"Nang sinuri ko ito ay nag-match ang dugo ni Eiji at ang dugo ni Silver. Magkaparehong-magkapareho rin ang kanilang mga DNA. "

"Oh god. " sabi naman ni Liam habang binabasa ang mga results.

"Maaaring ang halimaw na nakita ng mga tao at nakita mo..... "

"........ay si Eiji? " napatingin sa akin si Liam ng sabihin niya iyon.




Napatango ako.








SA ISANG PRIBADONG HOSPITAL.......

CHRIS POV

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Daddy ay agad akong nagtungo sa hospital na pinagdalhan nito.




Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakita ko ang sekretarya ni Daddy na si Mr. Romero na nakabantay rito.




Nalungkot ako sa kalagayan ng aking ama. May benda ito sa ulo, nakasuot ng neck brace, at may ilang sugat sa braso at mukha. May oxygen at dalawang dextrose din na nakakabit sa kanya.




Lalapitan ko sana ito ngunit pinigilan ako ni Mr. Romero.

"Pasensya na Chris, hindi pa kasi siya pwedeng galawin at lapitan. Pero wag kang mag-alala, nasa maayos na siyang kalagayan. " sabi nito.

"Sinong herodes ang may gawa nito sa kanya?! Sino?! " galit na galit na sabi ko.

"Huminahon ka muna Chris. "

"Pa'no ko hihinahon, kung ganyan ang kalagayan ng aking ama?! Kaya sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa?! "




Bumuntong-hininga si Mr. Romero. Tapos ay may inabot sa akin itong folder.




SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon