CHAPTER 14: BESTFRIEND

629 14 0
                                    

LIAM POV

Mugtong mata, nakatulala at parang wala sa sarili. Yan ang itsura ko habang nakaupo sa lobby ng hospital.




Daig ko pa ang namatayan ng magulang, kapatid o kaanak.




Hindi ko pa rin matanggap na wala na si Silver. Mula pa lang ng ipanganak ito ay nasa amin na ang alaga kong iyon.

Sobrang pag-aalaga ang ginawa namin sa kanya. Mahal na mahal namin si Silver kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.




Kasalukuyang kasama ni Tita Jemy sa loob ng private room dito sa hospital si Daddy.

Si Chris naman ay umalis saglit para bumili ng aming makakain.




Nang makabalik siya ay may dala na itong pagkain na nasa paperbag na binili niya sa isang sikat na fastfood.

Umupo siya sa tabi ko.




Nakatulala pa rin ako at parang hindi siya napansin.

"Liam, kumain na muna tayo? "

"Ikaw na lang Chris, wala akong gana. " matamlay na sabi ko.

"Sige na, Tingnan mo itong binili ko. Di ba, paborito mo ito? "

"Pasensya na pero wala talaga akong gana. "




Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Chris.

"Ahm, ano kaya kung pumunta tayo sa Pet Shop bukas? Maghanap tayo ng katulad ni Silver? "

"Ayoko. "

"Ano bang lahi ni Silver? Siber? Siberya? Anong lahi niya? "

"Maraming Siberian Husky sa mundo pero nag-iisa lang si Silver sa puso ko at wala siyang katulad. "

"Ano namang pinagkaiba nila eh pare-parehas lang naman silang aso? "




Napalingon ako sa sinabi niya Lumapit siya sa akin at saka bumulong.

"Liam, wag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko. Pero, I think it's better na namatay si Silver. "

"Ano? " nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa bahay niyo? Pinatay ni Silver ang mga lalaking iyon?! Para siyang isang halimaw?! Para siyang isang lobong hayok sa laman?! Oo, niligtas niya tayo. Pero paano kung hindi siya nabaril? Malamang pati tayo ay sinakmal niya at pinatay?! Wala na siyang kontrol sa sarili. Kaya nga nagpapasalamat ako na namatay ang asong iy------ "




S L A P !




Isang malakas na sampal ang isinagot ko sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan. Pagkatapos ibuwis ni Silver ang buhay niya para sa atin. Huhusgahan mo lang siya? "
"Bakit? Tama naman ako ah? Mapanganib ang asong iyon. Buti na lang talaga at nawala na siya. "




Napaluha ako sa mga sinasabi ni Chris.




Nagbuntong-hininga ako, sabay tingin sa kanyang mga mata.

"I'm breaking-up with you. "

"What? "

"Sana ikaw na lang ang namatay. "




Pagkasabi nun ay pinunasan ko ang aking luha at tinalikuran na si Chris.




Nagtungo ako sa private room na kinaroroonan nila Daddy at Tita Jemy.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong yumakap sa aking ama at umiyak ulit ng umiyak.








-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon