CHAPTER 204 - ROSE

1K 17 2
                                    


A bullet train is approaching from where the morning sun is coming. Makikita natin si Rose na nakatayo sa gilid. She’s wearing a royal blue cardigan at sa loob niyun ay may blusa rin siyang suot kung saan ang kulay ay mas malabnaw kaysa pangalawang layer ng kanyang suot. A short skirt of sky blue plus a five inches stilleto. A cheap red bag is hanging on her right shoulder at kung may suot lang sana siyang malaking yellow tie sa kanyang leeg ay mapagkakamalan natin siyang isang flight attendant, but she’s not. She’s a banker. And she is representing her company in the Philippines sa isang prearrange conference sa isang malaking hotel rito sa Dubai.

She checked her cheap watch.

6:47 AM.

7:30 AM magsisimula ang prearrange conference at kampante siyang hindi siya mali-late sa kanyang dadaluhan. The bullet trains here in Dubai are one of the finest and fastest trains in the world. It’s always on time. Halos wala ngang pinagkaiba sa Japan. And oh well, don’t compare it to the trains in Philippines. Mas mauuna pa yatang makakarating ang kabayo kung ito ang sasakyan.

Nakarating na ang bullet train. Rose immediately went in together with the crowd. Mabilis siyang nakahanap ng mauupuan. An oldy lady smiled at her. Rose smiled back.

This moment, we see the train as it starts moving.

Maiiwan tayo sa labas.

From our view here, makikita natin ang pag-alis ng train.

Focus on Rose. Susundan natin siya but we’ll never be able to cope up with the speed.

A phone vibrates.

Suddenly, nasa loob na tayo ng tumatakbong train.

Kaharap natin si Rose.

We can see her feeling her bag. Maingat niyang bubuksan ang zipper ng bag niya pero mararamdaman pa rin natin ang pagmamadali niya. As if that phone vibration signifies an urgent matter.

“Oh my gosh!” pabulong na sigaw ni Rose nang masira ang zipper ng bag niya. Pinagtinginan siya ng iilang pasahero roon. Wala naman silang naging reaksyon but Rose feels very ashamed by it. But she didn’t mind it. She needs to answer the call.

“Can we help you?” A group of fine gentlemen went near her. Parang mga locals yata iyun na nakapansin sa struggle niya sa pagbukas ng bag niya. Nakakahiya, ani Rose sa kanyang isipan. Nakatawag pa siya ng pansin ng ibang tao. Bakit pa kasi ngayon may tumawag sa kanya. Ang dami niyang oras kanina pero bakit ngayong nasa loob pa siya ng train na maraming tao siya nakaranas ng matinding paghihirap?

“I’m okay. Thank you!” sabi niya sa mga ito.

“Are you sure? You seem to be struggling?” sabi pa ng isa.

Pinamulhan siya ng mukha. Umalis na kayo please! Kasi kung hindi, iiyak talaga ako rito.

“I’m fine!” Pinihit niya ng maigi ang nasirang zipper ng bag niya at nagawa niya namang buksan iyun pero iyun nga lang sumabog sa sahig ang mga laman nito. Hiyang-hiya si Rose nang nagkalat ang lip tint at foundation niya sa sahig pero hindi lang iyun dahil pati ang apat na bagong bili niyang napkin ay humilata rin doon. Pinamulahan ang mga lalaking nakakita sa kanya. Ang mga babae naman ay masamang-masama ang tingin sa kanya.

“We’ll help you,” ani ng mga lalaking lumapit sa kanya. They help her get her stuff. May vicks pang napunta sa ilalim ng mga upuan. Sinigurado ni Rose ang napkins niya at nang matapos ay pinasalamatan niya ng sobra ang mga lalaking tumulong sa kanya. She handed them some money pero tinanggihan lang siya ng mga ito. Wow. May gentleman pa rin pala sa panahong ito.

Ina calling…

Natawa si Rose sa nakita niya. She thought it was his future engineer husband, Aki. But it was not. It was her workmate/clubmate/bestfriend, Ina calling her. Kung alam niyang ito lang pala ang tumatawag sa kanya ay sana hindi na lang siyang nag-abalang buksan ang bag niya. Tuloy, nasira pa. Tuloy napahiya pa siya. Pero ano pa bang magagawa niya? Eto na at tapos na ang lahat at ang cellhone niya ay nagva-vibrate pa rin kaya wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang call ng bestfriend niyang ito.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon