CHAPTER 294 - NIKKI

428 6 0
                                    

“Nu’ng hindi ko na tinapos ‘yung pag-aaral ko, nag-G.R.O. na ako nu’n. Sayaw-sayaw kahit saan. Kantot-kantot kahit kanino. Alam mo na.? Para sa pera. Para sa mga kapatid ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa’yo nu’n kasi nahihiya na akong bumalik. At hindi ko na rin pinlano na bumalik pa. Wala e. Sobrang hirap ng buhay. Hindi rin naman puwedeng gutumin ako. Lalong-lalo na ‘yung mga kapatid ko…

“Kaya ayun. Nag-trabaho ako sa mga bars. Nakilala ko ‘yung asawa ko sa isa sa mga bars na pinagtrabahuan ko at nu’ng nakapagipon-ipon, tumigil na ako sa pagji-G.R.O.. Nagtinda na lang ng mga pampaganda at pampabalik ng virginty. Tapos ‘yung asawa ko naman, mula sa pagiging waiter, naging gym instructor tsaka nagtuturo rin ng martial arts,” pagsasalaysay ni Nikki sa bestfriend niyang si Miranda habang nakaupo silang pareho rito sa gilid ng daan. They were bestfriends and blockmates before. Pareho silang nursing ang kinuha pero tila naudlot lahat ang mga pinlano nila dahil sa mga dumating na pangyayari sa buhay nila. They could have become great nurses now o mas malala, doktor na sana sila ngayon.

“Ikaw? Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Nikki kay Miranda.

“Nu’ng umalis ka, umalis na rin ako. Bukod sa hindi ako maka-relate doon sa mga mayayaman nating classmates, dahil alam mo naman, tayong dalawa lang ‘yung mga jologs doon.” Tuwawa silang pareho. “E nakilala ko rin nu’n ‘yung kinakasama ko ngayon. Gasoline girl siya sa malapit sa amin. Kaya ayun… gabi-gabi ko siyang nakita kaya… ayun, nahulog na ako sa kanya matapos ang ilang gabi naming pagkukuwentuhan. May anak siya pero tanggap ko ‘yun. Sinuportahan ko siya at hanggang ngayon, kami pa rin. Kahapon nga lang anniversary namin tapos sumabay pang na-assign ako sa subdivision na ito na malapit lang sa bahay namin.”

“Tangina.. lesbiana ka?”

“Mukha bang hindi? Tignan mo nga ‘tong postura ko? Mukha ba akong pa-virgin?”

Napatingin si Nikki kay Miranda. Soldier cut ang buhok nito. Naka-uniform ng guard. Ngumuso siya. Wala siyang pake. As if bago may bago sa pagiging tomboy. Medyo natulala lang siya kasi ang demure-demure nitong si Miranda noong nagaaral pa sila. Mukha nga ‘tong banal na santa sa kadahilang ang sexy nito sa puti nilang uniform. Pero ngayon, mukha nang tropa ni Lucifer. Ang astig-astig na ng dating.

“Eh, ikaw Nikki? Hindi ka ba lesbiana? Dati, mas tomboy ka pa sa akin e.”

“Tignan mo ako.” Nilahad niya ang katawan niya kay Miranda. Naka-roba lang siya at halos makita nito ang boobs niya. “Mukha ba tomboy sa dating na ‘to?”

Napairap si Miranda. “Laspag-laspag mo na.”

“Oh ano ngayon kung laspag? Ang importante, hindi pa wasak!” Tumayo na siya. “Tara na nga! Pasakayin mo na ako sa bike mo at samahan mo na ako sa pinakamalapit na police station!”

Napatayo si Miranda. “Hoy! May napatay ka ba?”

“Sira! ‘Yung asawa ko… hindi ko mahanap! Ipapa-blotter ko!”

“Lalaki ba asawa mo?”

“Tangina ‘to! ‘Di nga ako Lesbiana!”

Natawa silang pareho. “O siya. Tara na! Pa-blotter na natin ‘yung asawa mo!”

Kinuha na ni Miranda ang bike niyang natapon malapit sa puno at pagbalik ay pina-angkas niya na si Nikki sa likod. Nayupi ito ng kaonti sa harapan pero gumagana pa rin naman.

“’Di ‘to kailangan ng gasolina?” tanong ni Nikki sa kanya noong nag-pedal na siya.

“Gumanda ka lang Nikki, lumaki lang ‘yung boobs mo pero bobo mo pa rin.”

Natawa silang pareho lalong lalo na si Nikki. “Ayos lang na bobo, ako. Atleast, maganda. At masarap.”

Pagdating nilang dalawa sa police station, nakatanggap nang pagbubunganga si Nikki sa pulis na in-charge sa paglilista ng blotters sa kadahilang nang tinanong siya nito kung ano ang nangyari sa asawa niya, ang sagot niya lang….

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon