CHAPTER 378 - ROSE

207 3 0
                                    

“Please stop crying! Ano ba, Nikki? It won’t solve anything!” sita ni Rose kay Nikki na nakaupo lang sa likod niya’t kasuluyang umiiyak.

“Manong, diyan po. Please ikutin po natin ang lugar na ‘yan…” turo ni Rose sa isang matarik na daan. It’s already 6:34 in the evening at pakiramdam niya ay halos naikot na nilang tatlo ni Nikki at ng driver ang kalahati ng syudad. Hindi pa rin nila nahahanap si Helix at hindi rin nila ito magawang ma-contact sa kadilahang hindi nito dala ang sarili nitong cellphone.

Buntis si Rose at pakiramdam niya ay nai-stress na siya sa ginagawa nilang ito pero hindi niya rin naman puwedeng iwan si Nikki ng ganito lang. Rose may be a hard-hearted woman pero sa oras na may humihingi ng tulong niya at kaya niya namang ibigay ang tulong na hinihingi nito ay hindi niya nagagawang makatanggi. This is her greatest weakness. Pero ayos lang. If she’ll be able to help a person, the time and the resources that she’ll throw away will be just fine. At isa pa, paano kung siya ang nakakaranas ng pinagdadaanan ngayon ni Nikki? Panigaradong hindi lang iyak ang uwi niya ngayon kundi baka nabaliw na rin siya.

Rose mull over this. Ganito pala. Ganito pala ang buhay may asawa. Na ang buhay mo ay hindi mo na buhay. Nakalaan na ito sa pamilyang binubo mo. Na ang oras mo ay hindi mo na rin oras. Nakalaan na ito para sa asawa’t-anak mo.

Napatingin si Rose kay Nikki sa rearview mirror. Wala pa ngang anak itong si Nikki ha? Paano pa kaya kung mayroon na?

With this, hindi mapigilan ni Rose na matakot. Marriage and building a happy family might sound like a fairytale but there are also dark sides with it too. Hindi niya alam kung ano ang mga pagdadaanan nilang dalawa ni Aki balang-araw but so long as he is with her along the way, she’ll be comfortable with all the hardships that they may face. Pinasok nila itong dalawa kaya papanindigan nila ito.

“Oh my God! Helix!” bilang naalerto si Rose nang sumigaw si Nikki sa likod niya. Napatingin siya sa dinadaan nilang konkretong tulay at nanlaki nga ang mga mata niya nang makita niya ang isang kotse na binangga ang rail sa gilid at katabi nga niyun ay nakatayo ang isang lalaking magkamali lang ng galaw ay paniguradong mahuhulog ng wala sa oras sa sobrang laki at lalim na ilog.

It was Helix. At bago pa nga maikurap ni Rose ang mga mata niya mula sa pagkabigla ay nadatnan niyang tumakbo na si Nikki patungo sa asawa nito. Umuulan pa rin at medyo madilim na rin kahit papaano pero kitang-kita niya ang eksenang nasa harap niya. It was so horrifying to look at it pero kahit ganoon ay nagawa pa ring rumesponde ni Rose para maagapan ang nakaambang trahedya sa eksenang iyun. She immediately calls Aki with the hope that he might stop Helix from ending its life.

“Papunta na ako,” sagot ni Aki at napanatag si Rose kahit papano. She finds it weird  but she feels like Aki has the capacity to save Helix right now.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon