CHAPTER 308 - NIKKI

307 7 4
                                    

“Nikki, hindi ka ba titigil kakadada riyan? Tanginang bunganga ‘yan, patulugin naman sana tayo niyan!” sita ni Helix sa kanya pero tila hindi yata iyun narinig ni Nikki at lumabas lang ang sinabi ng asawa niya sa magkabilang tainga niya.

What she can perfectly hear right now is nothing but her own self. Walang sinasanto si Nikki sa mga pinagsasabi niya ngayon at wala siyang paki kung ilang santo pa ang maapakan ng bunganga niya sa mga susunod niya pang sasabihin.

“Papa-blotter ko talaga ‘yang tanginang Aki na ‘yan. Tangina niya. Makikita niya ang hinanahanap niya. Tignan lang natin kung hindi ‘yan makulong ‘yang tanginang ‘yan. Kala niya ba, wala akong connection sa mga pulis? Huh! Diyan siya nagkakamali, makailang beses na akong may nakantot na pulis noong nagji-G.R.O. pa ako, makikita talaga ‘yan ng tanginang ‘yan. 

What’s important for her right now is that mailabas niya itong lahat ng sama ng loob niya mula sa bukana ng bumubulang bibig niya. Dahil sa ganang kanya ay kung hindi niya ito mailalabas ay baka manatili lang ito sa loob niya’t maitanim niya lang ito bilang galit.

At ayaw niyang mangyari iyun. Puno na nga ng galit ang mundong ginagalawan niya tapos siya, ko-contribute pa? Dami-dami na nga niyang contributions like SSS, PAGIBIG, at iba tapos dadagdag pa itong galit niya.

She needs to let this out. Kahit pa maging dahilan ito para hindi sila makatulog ng maayos ni Helix. Kasi, paano na naman kasing hindi siya magiging ganito? E dahil lang din naman ito sa asawa niyang pinagtanggol lang naman si Aki na mismong nanakal sa kanya na kamuntikan niya nang ikalagot ng hininga. Kaya eto, bunganga ng bunganga lang siya ngayon. She’s very confident at wala siyang nakikitang masama rito dahil pakiramdam niya, siya talaga at wala ng iba at natatanging biktima rito. Siya. Walang iba. Hindi si Rose na sinusulan niya ng kahit ano. Hindi si Aki na ginawan niya ng kuwento-kuwento kay Rose at lalong-lalo nang hindi sa asawa niyang palag niyang pinagduduhan.

Siya! Siya ang sinakal rito! Siya ang dapat binibigyan ng simpatya. Siya ang agrabyado. Siya ang helpless. Siya ang malinis. Siya ang banal at kayang gumawa ng miracle. Siya ang santita. Siya ang anghel. Siya ang banal, ay tapos na pala. Siya ang virgin. Siya ang katangi-tanging tao sa universe na puwedeng manakit pero hindi puwedeng saktan pabalik.

Hindi niya deserve karmahin kahit deserve niya naman talaga. She is the sole owner of the universe. Walanng iba. Isang press niya lang ng power botton niya, guguho ang mundo. Siya ang appointed son, este appointed daughter of the holy father. At siya rin ang huhusga sa kaluluwa mo kapag lumisan ka na sa earth kaya ang dapat lang talagang sambahin siya ng buong puso.

Dapat din ay magtinda ka ng candy, ballpen, puto para sa kanya. Tapos kailangan mong ibenta iyun ng mas mahal kaysa sa orginal price at dapat tuwing December o kahit hindi December ay namamasko ka all over your neighborhood para sa kanya. That is Nikki. Medtyo familiar ba?

“Tangina, sakit-sakit ng leeg ko, gago siyang putangina niya. Oh ano? Akala niya, hanggang pulis lang ako? Huh, ‘di niya siguro alam na may nakakantutan din akong mga pulitiko. Oh, ano pa, gusto niya? Kala niya rin, hanggang politician lang ako? Tangina niya. May mga killer din akong naging costumer dati kaya isang pagkakamali talaga ang ginawa sa akin ng tanginang Aki na ‘yan!”

“Nikki, tangina ka ba? Bunganga mo ba ‘yang nagsasalita o puke mo? Ba’t ayaw tumahimik, letchugas?!”

Natigil si Nikki sa pakikipag-usap sa hangin nang sinigawan na siya ng asawa niyang si Helix. Napatingin siya rito na nakahiga sa kamang inuupuan niya, kasalukuyan itong walang pang-itaas na suot at kitang-kita niya rin ang pagkabanas sa mukha nitong kanina pa gusto matulog.

“Isa ka pa! Puke ka ng puke!” sita ni Nikki kay Helix at sa wakas ay tumabi na siya rito. Mag-a-alas dos na ng madaling araw at ngayon pa lang siya matutulog.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon