CHAPTER 372 - AKIHIRO

275 7 0
                                    

“Oh my God, siya ba ‘yung bagong hire? Oh my gosh! Ang hot niya!”

“Future Civil Engineer ‘yan at take note, he will lead the engineering department soon. Hindi basta-bastang nagha-hire si Sir Edison ng mga engineers.”

“Wait, is he still single?”

“Uh, I don’t think so. He has a ring on his ring finger!”

“Sayang naman pero tignan mo, ang hot niya talaga!”

“What’s his name again?”

“Akihiro Mendiola.”

“Mukhang inosente pero alam mo na pagdating sa kama, kapag kayo na lang dalawa, kakangkangin ka ng walang hanggan.”

“Bibig niyo girls!”

“Kyah!”

Walang ibang nagawa si Akihiro nang makarating siya building ng MEGA CORP kundi ang matawa na lang. The current head of the department of engineering which is Mr. Tony Locsin is currently giving him a tour on the offices of the building at kada pumapasok nga siya sa isang opisina ay puro tilian lang ang nagaganap. Sanay naman si Aki sa ganito noong nagaaral pa siya but he just finds it weird this time around since he was expecting that the people here in the corporate world would act more mature. Pero siguro ganoon nga talaga. Some people do age but still remain a child at heart. And Aki finds nothing wrong with it. Sobrang stressful ng corporate world at kailangan ng isang maligalig na attitude para maka-survive dito.

“Pasensya ka na Mr. Akihiro, madalang lang kasi makakita ang mga babae at binabae rito ng guwapo. Most of the time, they only see old and grumpy people like me, kaya ayun, nung nakakita sila ng guwapong tulad mo, naging hysterical.”

“It’s alright, Mr. Locsin.”

Natawa ang kausap ni Aki at ganoon na rin siya. The environtment in this workplace seems to be nice pero baka ngayon lang itong nasa pinakaunang araw pa lang siya ng kanyang pagtatrabaho. He still needs to do a lot of observing.

“Do you want to see Mr. Edison Bermundo? Gustong-gusto ka na niyang makita.”

Napatitig si Aki kay Mr. Tony Locsin. His old and tired eyes darted on him. Napangiti ito sa kanya. Nasa mid 50’s pa lang ito kaya kahit paano ay napaka-masculine pa ring tignan. Kung wala lang din sana ang mga pakalat-kalat nitong puting buhok ay baka napagkamalan din ito ni Aki na nasa late 30’s pa lang.

“Sige po.” Aki nodded and Mr. Locsin just headed him the way. Nasa fourth 4th sila ng building at nasa 22nd floor pa ang opisina ni Mr. Edison Bermundo that’s why the went leftwards at nang marating nga nila ang tapat ng elevator ay agad na silang pumasok doon. Tahimik lang silang dalawa ni Mr. Locsin doon at nang makaramdam ng pagkailang si Aki ay tinawanan lang siya nito.

“Don’t get intimidated with me, Mr. Akihiro. In fact, ako nga dapat ma-intimidate sa’yo. I feel like anytime soon, you’ll going to replace my position.”

Alam ni Aki na biro lang iyun ni Mr. Tony Locsin kaya nakisabay lang siya ng tumawa ito. Aki has no plans of replacing anyone’s position in this company. Hindi naman kasi siya ganoong klaseng tao. He will climb the ladder without stepping into anyone. At isa pa, kakaumpisa niya pa lang sa araw na ito. Wala pa sa kanyang isip ang mga ganoong bagay.

“Here we are.” Nang makarating silang dalawa sa tapat ng opisina ni Mr. Edison Bermundo ay hindi mapigilan na mapalunok ni Aki ng laway. Mr. Edison Bermundo is the owner of Mega Corp. At hindi lang iyun. Sobrang dami din ng pagmamaayri nitong properties. Hospitals, hotels, casino, malls at kahit ang pinanggalingan niyang university ay pagmamay-ari din nito. At the very young age of 29, nagawa na nito ang lahat ng bagay na iyun. Halos kaedad lang din ito ni Helix. Mas lamang lang ito ng isang taon. Helix is just 28.

Damn it. Napamura si Aki sa loob ng kanyang isipan. Paano ba naman kasi, pumasok na naman si Helix sa utak niya. He should focus on his job right now. Iyun dapat ang atupagin niya. Hindi ang kung sino-sino lang. And just what the hell? Bakit niya kinukumpara ang boss niya kay Helix. Is he still sane?

“Mr. Bermundo. The future engineer is here.” Pagkatapos ng tatlong katok ng pinto ay binuksan na ni Mr. Locsin ang adobeng pinto ng opisina ni Mr. Edison Bermundo. Aki even heard him said “come in” and thanks God, mukhang nasa good mood ito. Balita kasi ni Aki na medyo istrikto ito kaya kahit pinipigilan niya ang kanyang sarili ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng nerbyos.

“Look who’s here!” Nakaka-tatlong hakbang pa lang si Aki ay nasilayan niya na agad si Mr. Edison Bermundo. At nabali lahat ang negatibong isipin niya nang makita niya ito. Mr. Edison Bermunod looks very much younger in person, mukhang napakabait din nito dahil nakangiti ito ng malapad sa kanya.

“Good Morning, Sir,” bati ni Aki.

Natawa si Mr. Locsin. Nasa tapat niya ito. Nasa tapat silang pareho ng table ni Mr. Bermundo.

“Aish! Throw away the formalities. I don’t like it.” Si Mr. Edison Bermundo. Natawa ito. He has a very nice set of teeth. “Besides, I’m just 29. And you’re just 22, right?” dagdag nito.

“Yes, Sir,” sagot ni Aki. Kahit paaano ay naging panatag na ang loob niya. He gestures on them na umupo na sila gaya ginawala naman nila iyun agad. May isa lang ding napansin si Aki. Sobrang lawak ng opisina ni Mr. Bermuno at sa dami ng libro at shelves ay nagmukha itong library kaysa sa opsina ng isang coporate magnate. Tuloy, bigla niyang naalala ang sexual experience niya with Helix kung saan ay nag-sex silang dalawa sa sa library ng Wilson University.

“Isn’t our boss cool?” bulong ni Mr. Locsin sa kanya.

Tumango si Aki. Natawa na lang.

“Cool? Why cool only? Am I not handsome?” tanong nito.

“Siyempre, very handsome din boss,” sagot ni Mr. Locsin. He’s smiling widely. Naging letter “n” ang parehong mga mata nito nang ginawa ang pagngiting iyun.

Tumango-tango si Mr. Edison. “How about you, Engineer Mendiola? Do you find me handsome?”

Damn it! Napamura ulit si Aki sa isipan niya. Bakit siya nag-init bigla?

“Sir, I’m not an engineer yet…” aniya, mabilis niyang iniba ang usapan.

“You will be. Very soon.” Kinindatan siya nito. The three of both talk about Aki’s task here in this company. For his first two years, kailangan niya munang mag-observe. And after that, he will take over Mr. Tony Locsin’s position dahil magre-retire na rin ito. Naitanong din ni Aki kung bakit siya ang pinili nito at bakit sobrang dami ng binigay nito sa kanya noong pumirma siya ng kontrata. At ang sagot ni Mr. Edison Bermundo…

“Wasn’t it obvious? I am bribing you Mr. Aki Mendiola. Hindi ka pa lang nakakapagtapos sa college, marami nang gustong kumuha sa’yo. At gustong-gusto ko iyung ganun. Gusto ko palaging makuha ang gusto ng mga competitors ko.” Natawa ito. “I’m sorry. I was just trying to be a businessman,” dagdag nito at natawa lang.

But of course, it was alright for Aki. What Mr. Edison Bermundo had to offered him was already a win-win situation for the both of them. At ang tanginng maisusukli niya na lang rito ay ang dedikasyon niya sa trabaho at pati na ang pag-top niya sa board exam.

Naging mabilis ang araw ni Aki. By 2:00 pm, dinala siya sa sarili niyang opisina. He was also given three staffs at isa sa mga iyun ay secretary niya. By four 4:31 PM, nakaalis na siya roon at hindi nga naglaon ay nakita niya na ulit si Rose. Sinundo niya ito sa isang malaking wedding boutique ng isang mall at sa pinakaunang pagkakataon ay nakita niya nga itong nakasuot ng wedding dress. The bump on Rose’s tummy is already visible pero hindi ito nakabawas sa ganda nito. Rose just looks like an ancient angel na bumaba galing sa langit at nang makilala siya ay hindi na nagbalak na bumalik.

“Do you like it?” tanong ni Rose sa kanya. At walang ibang nasabi si Aki’t halik lang ang naging tugon niya ito. This is it, ika niya sa kanyang sarili habang kahalikan ang kanyang mapapangasawa. This is how I’ll forget Helix. This is how I’ll forget him.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon